Chapter 33

27 1 0
                                    

Chapter 33


Failed



Hindi ako halos makapaniwala sa sinabi ni Attorney Jacob ngayon lang. Si Cedrick? Ang bagong ceo? Pero pwede rin naman siyang maging abogado kahit na ganoon 'di ba?

"Is... is he a lawyer?"

Tumingin sa akin si Attorney na lalong nakakunot ang noo. He even raised his eye brows. Sa nakikita ko sa mukha ni Attorney ngayon, napansin kong may pagkakahawig din silang magpinsan. Halos magkasing edad lang din ata sila. Naka formal corporate attire siya ngayon. Tama lang para sa isang abogado. Hindi siya nagsalita kaya dinugtungan ko ulit ang sinabi ko.

"Abogado ba siya? At the same time Ceo din?" tanong ko. Mas klinaro ngayon.

Napatango-tango siya na parang nakuha na ang ibig kong sabihin. Hinintay ko ang sagot niya hanggang sa makita kong umiling-iling siya.

"Nope. He's not a lawyer. We're on a same school in college and he took business ad while I took law."

Awang ang mga labi ko habang pinapakinggan ang sinasabi ni Attorney. Magtatanong pa sana ako nang lumingon siya sa harap namin. Tumingin din ako doon. Kumalabog bigla ang dibdib ko ng makita ang lalaking nasa harapan. I don't know what to do so I stood up.

Tumayo din kasunod ko si Attorney na malaki kong ipinagpapasalamat dahil hindi naman ako napahiya nang biglaan na lang akong tumayo ng makita ko siya.

"At last! Nandito ka na rin bro!" si Attorney na malawak ang ngiti pagkatapos ay lumapit kay Cedrick at tinapik siya sa balikat.

Nakita ko naman na sinamaan siya ng tingin ni Cedrick.

"Stop that. You should act professional. Attorney ka pa naman," masungit na sabi ni Cedrick.

I heard Attorney Jacob chuckled. I notice Cedrick look at me so I immediately look away.

"Sorry, sorry, ikaw naman 'yan eh. So no need to be too much formal." sabi ni Attorney.

"Tsk," si Cedrick pagkatapos ay tumingin sa akin. Tumingin na rin sa akin si Atty pagkatapos ay lumapit sa gilid ko.

"By the way, this is Miss Sofia Marielle Soriano. I guess you already know her right? And as you, Miss Sofia?"

Lumunok ako pagkatapos ay tumingin kay Attorney, "Yup. No need to introduce."

Tumango-tango rin sila pagkatapos ay nagsiupo na kaming lahat. We discuss about our new project to expand more about our business. Nagbigay lang din ng legal advice si Attorney sa kung anong gagawin namin. He also discuss to me about the contract that Cedrick and I have to sign. Naintindihan ko naman agad at payag din ako kaya nagkapirmahan din kami mismo doon.

Nagtagal lang ng halos dalawang oras ang meeting at magpapaalam na sana akong aalis ng mag-aya si Attorney na mag dinner na raw kami. Tatanggi sana ako pero pumayag na si Cedrick kaya pumayag na rin ako. I think it's rude to just leave them alone kahit pa magpinsan sila.

I'm peacefully listening to there talks while eating. Sinasali naman ako madalas ni Attorney sa usapan pero napuputol din agad dahil sa usapan nilang magpinsan.

Pinagmamasdan ko si Cedrick habang seryosong kausap ang pinsan niya. Nasa tapat ko siya kaya talagang makikita ko siya ng buo. Wala akong masabi ngayon. He bloomed! Siguro nga dumarating sa tao na napapabayaan ang sarili dahil sa importanteng dahilan. Pero ngayon... looking at him right now, he looked really a man! Lalaking-lalaki na ang hitsura niya. Lalo siyang naging gwapo ngayon.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon