Chapter 42
For lifetime
"Akala ko ba hindi kayo pwedeng magkita kapag maraming tao? Eh bakit sa mall niyo pa naisip na mag-date, aber? Dinamay niyo pa ako!"Kasama ko ngayon na naglalakad sa mall sina April at Kenzo. Gumitna ako sa kanila dahil iyon ang utos nila sa akin.
"Alam mo namang ikaw lang pag-asa namin para makalabas kami ng walang nagsususpetsiya." ani kenzo na nasa gilid ko.
Tinaasan ko siya ng kilay na tinawanan lang niya. Bumaling naman ako kay April na nasa kanan ko. Naka angkla ang kamay niya sa akin na parang hindi niya ako tinarayan noong birthday ni Attorney.
"Hayaan mo naman kaming makapag date ng bestfriend mo. Lagi na lang kaming nasa condo or hotels kapag nagkikita. I want to walk outside!"
Bumuntong hininga ako pagkatapos ay tumango na lang. Wala rin naman akong magagawa, eh. Tulungan ko na lang sila. Kapag daw kasi silang dalawa baka may mag-take ng picture at sabihin na nagda-date sila o kaya naman ay nagkabalikan na. Eh kapag daw kasama nila ako iisipin ng iba ang kabaligtaran. O baka pwedeng magdahilan si April na 'kami' ang sinasamahan niya para mag-date.
Ayoko sanang pumayag pero ilang beses ako kinukulit ni Kenzo sa text noon at naka short leave lang daw si April mula sa showbiz work niya kaya sinusulit din niya 'yon.
"Saan na tayo pupunta neto?" tanong ko.
Nag-uusap kasi ang dalawa kahit nasa gitna ako. Kung alam ko lang pinilit kong sumama sa akin si Cedrick. Kaso kasi tumanggi siya dahil daw maghahabol siya ng mga trabahong hindi pa niya nagagawa. Psshh...paano kasi makakatapos agad eh halos sa bahay ko na siya tumira! Porket pinayagan ko eh!
"Where do you wanna go, baby?" rinig kong sabi ni Kenzo.
"Let's go on arcade!"
"Alright! Saan ba ang arcade dito?"
Sinamaan ko silang dalawa ng tingin at huminto sa paglalakad. Parang wala ako kung mag-usap sila ah? Huminto ako sa paglalakad pagkatapos ay nagpamaywang sa likod nila. Tumigil din sila hindi kalayuan sa akin pagkatapos ay humarap. Tinaasan ko sila ng kilay pero pinagpamaywangan lang ako ni April. Hindi ko nakikita ang pagtaas ng kanyang kilay dahil sa sunglasses at cap na suot niya pero alam kong ganoon ang ginawa niya. Hindi naman 'to papatalo sa akin! Binalingan ko rin si Kenzo na nakangisi lang.
"Uuwi na ako. Kaya niyo naman pala, e." pagsusungit ko.
Tumalikod ako at aalis na sana pero narinig ko ang matinis na boses ni April na tumawag sa akin.
"Wait! Pia!"
"What?" I turned around and face her.
"Huwag ka nang umalis, please? Sorry na. Promise papansinin ka na namin." pakiusap sa akin ni April na naka pout pa.
Kumunot ang noo ko at gustuhin mang magtaas ng kilay ay hindi ko magawa dahil sa maamong mukha ni April na nagpapacute pa. I secretly laugh at the back of my mind. Parang ang layo ng personality niyang always fierce kapag nagpeperform ng sing and dance sa stage.
"Himala ata at ang bait mo ngayon?" I asked. Curious. Teasing her.
She was stunned then turned her gaze at Kenzo. Nagkatinginan sila bago may ibinulong si Kenzo sa kanya. Oh tignan mo nagsasarili na naman itong mga 'to. May tinatago ba sila? Ang weird ah?
"Remember baby, maging mabait ka sa kanya." rinig kong huling bulong ni Kenny kay April pero narinig ko pa rin naman.
Nakita ko pa ang pag-ikot ng mga mata ni April sa ere dahil bigla niyang inialis ang suot niyang salamin. Pinapakita siguro ang reaksiyon niya kay Kenny kaya ganoon.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Teen FictionCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...