Chapter 10
Jealous
Nang makapasok sa loob ay agad-agad akong inasikaso ni Ninang. Bumati ako kay Tito nang makita ko siya. Sinabi rin ni Ninang na dito ako matutulog ngayong gabi dahil mag-re-review nga kami ni Cedrick. Tumango lang si Tito at sinabing mag-aral lang daw kami ng mabuti at mag-feel at home ako. Tuwang-tuwa naman si Ninang sa narinig. Napangiti rin ako pero nawala 'yon nang makarinig kami ng pabagsak na pagsara ng pinto. Nilingon ko 'yon at nakita si Cedrick na matalim ang mga matang nakatingin sa akin. I looked away when I met his eyes staring intently at me.
Lumapit siya sa banda namin pagkatapos ay nagmano sa mga magulang niya.
"Kumain kana ba, anak?" tanong ni Tito.
"It's okay Dad. I'm full. I'll be on my room now. I need to study." simpleng sabi niya.
Tinanguan lang siya ni Tito pagkatapos ay dire-diretsong pumanhik sa itaas. Sinulyapan ko si Ninang na naka-angkla ang braso sa akin. Nakita ko siyang nakasimangot habang tinitignan ang anak niyang paakyat sa hagdan.
"Ninang?..." I caught her attention.
From frowning to smiling she turned her gazed to me.
"Pumasok na si Cedrick sa kuwarto niya. Sunod na tayo?" aya niya.
"Pero ninang... Mukhang ayaw po niya..." I softly said to her and pout but deep inside me gustong-gusto ko na talaga siyang sundan.
I heard ninang's giggling and ordered me to go to Cedrick's room. Sinabi kong hindi ko alam kung nasaan— which is hindi ko naman talaga alam since this is the first time that I went to the second floor of their house.
"Nasa bandang sulok 'yong kuwarto ni Cedrick dito. Alam mo naman 'yun ayaw nagpapaistorbo tsaka ayaw ng maingay kaya medyo malayo din ang kuwarto namin at kuwarto nilang magkapatid." sabi ni Ninang habang sinasamahan ako sa taas kung nasaan ang mga kuwarto nila.
Bago makarating sa bandang sulok ng pasilyo kung nasaan ang kuwarto ni Cedrick, may nadaanan muna kaming isang kuwarto. Pinagmasdan ko 'yon dahil nakuha ng atensiyon ko ang warning sign na nakapaskil sa mismong pintuan.
Napansin ata ni Ninang ang paghinto ko sa tapat ng pinto na 'yon kaya naman napatigil din siya at tumingin sa akin.
"Talaga naman, oo. Clyder!" tawag ni Ninang pagkatapos ay kinatok-katok ng malakas ang pintuan.
Kumunot-noo ako. "Sino pong Clyder, Ninang?" tanong ko.
Huminto siya saglit sa pagkatok pagkatapos ay tumingin sa akin.
"Oh I'm so sorry dear, hindi ko pa ba nasabi sa'yo? Younger brother 'yan ni Cedrick." she happily said to me.
Kumunot-noo ako at inalala kung may kapatid ba si Cedrick. Sa pagtitig ko kay ninang ay unti-unting bumalik ang memorya ko noong bata ako na may kapatid nga siya noon. Hindi ko lang masyadong nakilala dahil nasa ibang bansa noon sina ninang at naiwan lang si Cedrick dito dahil nag-aaral siya sa school na pareho naming pinapasukan.
Ang natatandaan ko noon ay kampante nilang iniwanan si Cedrick dito sa Pinas dahil kasama naman niya ako at inaalagaan din siya paminsan-minsan noon nina mommy kaya hindi masyadong nangulila si Cedrick noon kina Ninang Mel dahil nandito naman kami. Lalo na ako dahil magkababata kami.
I'm a bit amazed that he actually has a brother and not a sister! Meaning nagkakasundo sila dahil pareho silang lalaki pero kung magsungit akala mo laging mag-isa. Hmp!
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Novela JuvenilCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...