Chapter 3
Long Time
"Bye, Kenny!" sabi ko sabay kaway sa kanya.
Umatras ang kotse pagkatapos ay pinaharurot niya ito paalis.
Kinuha ko ang isang maleta ko. Nag-doorbell ako sa isang magarang mansiyon. Pinagbuksan ako ng isang nakaunipormeng kasambahay.
"Pasok po kayo, ma'am," bati ng kasambahay sa 'kin.
Ngumiti lang ako pabalik.
Kinuha ng katulong ang maleta ko tsaka ako pinapasok sa loob. Pagdating sa sala ay kaagad akong sinalubong nila Mommy.
"Ang bilis niyo pa lang nakarating." Hinalikan niya ako sa pisngi. Niyakap ko naman siya pabalik.
"Nasaan si Kenzo?" tanong ni Mommy. Luminga-linga sa likod ko na pawang may hinahanap.
"Susunduin pa raw niya girlfriend niya." sabi ko.
"Bakit hindi mo man lang muna pinapasok? Kahit nagmeryenda muna siya saglit paniguradong napagod 'yon kakamaneho. "
Umupo ako sa katabing sofa ni Mommy.
"Hindi na raw, My, e. Nagmamadali rin kasi tumawag 'yong girlfriend niya," sabi ko. Baka akalain ni Mommy basta ko na lang pinagtabuyan ng ganon-ganon na lang si Kenny matapos akong sunduin at ihatid mula airport hanggang dito sa bahay nina ninang.
Tumango naman si Mommy. Lumapit ako kay Daddy nang makita ko siya pagkatapos ay binigyan ko rin siya ng halik sa pisngi. Niyakap niya ako pabalik.
"Where's ninang?" tanong ko nang sila lang ang nakita ko sa sala.
"Nagpunta lang ng kuwarto niya saglit," ani Mommy.
Tumango-tango ako at napagpasyahan na libutin muna ang lugar. Wala naman sigurong masama, 'di ba?
Naglakad-lakad ako sa buong sala nila hanggang sa mapadpad ako sa mga litrato. Isa-isa kong tinignan ang mga 'yon. Seemed a happy family. Of course, they are a happy family. Kay ninang pa lang ay sigurado akong masaya na ang pamilya na 'to dahil palaging masiyahin si ninang at palaging palabiro. I smiled at the thought.
Napadapo ang mga mata ko sa mga litrato ni Cedrick. Isa-isa kong tinignan ang mga iyon. Mukhang walang latest picture dahil karamihan doon ay bata pa siya at ang iba ay sa puberty stage.
Gaano na ba siya kagwapo ngayon?
"Pia?"
Napalingon ako sa tumawag sa 'kin. Ngumiti ako nang makita ko siya.
"Ninang!"
Sinalubong niya ako ng mahigpit na yakap na sinuklian ko naman. Nagbeso-beso kami matapos niyang humiwalay sa yakap namin.
Pinaupo niya ako sa sofa at nagkukwentuhan kami. Ilang minuto ang lumipas at usapang pang matanda na ang pinag-uusapan nila kaya hindi na ako nakisali.
Muli akong tumayo at naglibot sa buong mansiyon pero laging sa mga litrato napapadpad ang mga mata ko.
"May hinahanap ka ba, Pia?" tanong ni ninang.
I cleared my voice. "Ahm... Is Cedrick here?"
Makahulugang ngumiti sa akin si ninang. Pinagsiklop ko ang kamay ko sa likod at ngumiti lang din pabalik sa kanya.
"Siya ba ang hinahanap mo?"
Tipid akong ngumiti pagkatapos ay tumango ng marahan. Kaya rin siguro hindi ako mapalagay na nasa sala lang at kasama sila ay dahil may hinahanap talaga ako.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Novela JuvenilCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...