Chapter 13

19 1 0
                                    

Chapter 13


3rd place



Biglang may kumirot sa dibdib ko nang masigawan ako ni Cedrick. Kita ko ang galit sa kanyang mga mata matapos niyang sabihin 'yon sa akin. Tinalikuran niya ako at kahit gusto ko siyang tanungin kung bakit siya galit ay hindi magawang umusad ng mga paa ko sa kinatatayuan ko ngayon.

"Alam ko kung bakit nagagalit ngayon si Cedrick."

Lumingon ako sa likuran ko at nakita ang dalawa. Nakalapit na pala sa amin si Kenzo. Ngayon ko lang namalayan.

"Oh my! Hey girl, are you okay?" si April.

"Pia, ayos ka lang?" tanong din ni Kenzo.

Nagtataka akong tumingin sa kanila. Silently asking them what's wrong.

"Umiiyak ka girl." saad ni April.

Pumikit-pikit ako pagkatapos ay wala sa sariling humawak sa pisngi ko. Napalunok ako nang maramdamang basa 'yon. So I really did cry?

Napansin kong naglabas ng panyo si Kenzo. Lumapit siya sa akin pagkatapos ay umangat ang kamay niyang may hawak na panyo at akmang pupunasan ang luha ko pero sumingit sa gitna namin si April.

"Ako na!" sigaw ni April pagkatapos ay kinuha ang panyo mula sa kamay ni Kenny.

Dahan-dahang pinunasan ni April ang tumulong luha ko. I smiled after. Halata siyang nagseselos kaya pinigil niyang si Kenzo ang lumapit sa akin para punasan ang luhang natulo sa pisngi ko. I chuckled. Nagtataka namang tumingin sa akin si April.

"Why?" she asked in her childlike voice.

Umiling lang ako, "Nothing..."

Nagkibit-balikat siya pagkatapos ay tumigil na sa pagpunas.

"There! Wala na."

"Thank you..."

"Bakit ka ba kasi umiyak bigla diyan?" tanong ni Kenzo.

Lumapit sa kanya si April pagkatapos ay kumapit sa braso ni Kenny. Kita ko namang naglahad ng kamay sa kanya ang bestfriend ko.

"Akin na 'yung panyo." sabi ni Kenny kay April.

Iaabot na sana ni April 'yon pero bigla niyang binawi at inilagay sa maliit na sling bag na dala-dala niya.

Nagtatakang tumingin sa kanya si Kenny. Pinanood ko lang sila na nasa harapan ko ngayon. Nasa gilid naman kami ng hallway malapit lang sa mga nagkukumpulang tao sa bulletin board kaya hindi naman kami nakaharang sa daan.

"Tomorrow ko na lang ibigay sa 'yo. Lalabhan ko muna." si April.

"No it's okay, baby. Akin na ayokong maglalaba ka pa, di mo naman ginagawa 'yon." si Kenzo.

Natawa ako sa sinabi ni Kenny kaya biglang napunta sa akin ang atensiyon nila.

"What?" tanong ko habang pinipigil na ang pagtawa dahil salubong na ang dalawang kilay ni April.

"I don't want to give it to you! May luha na niya 'yon!" si April na naghihimutok na at masama na ang tingin sa amin.

"Eh ano ngayon kung may luha ko?" sabi ko pagkatapos ay itinaas ang kilay sa kanya. Sinasabi ba nitong marumi ang luha ko ha?

Ipinadyak ni April ang isang paa niya sa tiles na hallway namin pagkatapos ay yumakap na sa bewang ni Kenny ngayon.

"Anong ginagawa mo?" takang tanong ko. Ang weird din talaga ng babaeng 'to minsan.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon