Chapter 34
Weird
Nagbabasa ako ngayon ng reports nang makaramdam ako ng gutom. Tinawagan ko sa intercom si Rubi na siyang binigay ni dad na secretary ko. I ask her my food to just deliver it to my office because I don't have time and I'm busy.
I'm in my office now because I started working two weeks ago. Madali rin naman akong nakapag adjust simula noong tinuruan na ako ni Daddy. May working experience na rin naman ako sa ibang kumpanya sa ibang bansa kaya gamay ko na rin ang amin.
Thirty minutes have passed but I still haven't eaten yet. Hindi pa pumupunta dito sa loob si Rubi kaya tinawagan ko muli siya.
"Rubi, where's my lunch? I need it now."
"I'm sorry, Ma'am. Kanina ko pa po tinatawagan 'yung pinag-order-an ko ang kaso natraffic po ata 'yung nagde-deliver, Ma'am."
Bumuntong hininga ako pagkatapos ay napapikit dahil kanina pa ako nakatutok sa laptop at sa mga papel na binabasa ko.
"I don't have time, Rubi. I haven't eaten yet. May meeting pa ako ng ala una." sabi ko.
"Oo nga po Ma'am eh baka ma-late kayo. Ay pero Ma'am baka gusto niyo na lang pong kainin itong pinapabigay sa inyo? May nagdeliver po kasi kanina dito eh. Ang sabi ibigay ko sa inyo kaagad dahil baka masira raw. Nung tignan ko Ma'am carbonara siya tapos may clubhouse pang kasama. Gusto niyo na 'yon Ma'am? Iinitin ko po."
I guess I don't have a choice right? Ayokong mahuli sa meeting. Nakakahiya sa board.
"Okay. Iyan na lang. And just give me some water as my drink please..."
"Noted Ma'am!"
"Alright, thank you..."
Sumandal ako sa swivel chair pagkatapos ay napapikit ng ilang minuto. Narinig ko ang pagbukas ng pintuan at nakita doon si Rubi na may dala-dalang tray. She place the tray on my coffee table. Tinignan ko ang mga 'yon. Carbonara pasta nga na nilagay lang sa pinggan ni Rubi pagkatapos ay isang two layered sandwich sa gilid. Pumunta ako doon at umupo sa sofa na nasa harap ng coffee table ng office.
Mabilisan lang din akong kumain para matapos agad. Nagtoothbrush at nag-ayos na rin ako pagkatapos para makapunta na sa meeting sa board.
Pagkatapos ng meeting ay papasok na sana ako sa loob ng office ko nang may mapansin akong brown paper bag sa table ni Rubi. Saka ko naalala ang kanina.
"Rubi? Sino nga pala 'yung sinasabi mong nagpadala ng pagkain sa 'kin?"
Naalala ko lang na sinabi nga pala niya kanina na may nagpadala ng pagkain sa akin kaya ako nakakain ng lunch. Hindi ko lang natanong kung kanino ba galing.
"Ah Ma'am hindi po kasi nagpakilala eh. May nagbigay lang na lalaki sa akin kanina na ipabigay ko raw sa inyo. Baka admirer niyo, Ma'am!" Kinikilig pa ang hitsura ni Rubi nang sinabi ang huling salita.
Bahagya akong napangiwi pagkatapos ay kinuha ang paper bag na sinabi na doon daw nilagay iyong mga pagkain. Napakunot ang noo ko ng makitang may puting papel doon. Kinuha ko 'yon. Mukhang notes para sa 'kin dahil may pangalan kong nakalagay.
To: Sofia
Have a great lunch time! Eat well! Hope you like it!
"Walang nakalagay kung kanino galing..." bulong ko habang binabasa ang papel.
"Ewan ko nga rin po, Ma'am bakit hindi man lang nilagay kung kanino galing. Pero nakakakilig po Ma'am!" singit ni Rubi sa akin.
I just rolled my eyes at Rubi. Ibinulsa ko rin agad ang note pagkatapos ay pumasok na sa loob ng office.
Nagpatuloy ang ganoong ganap sa mga nagdaang araw sa akin. Halos araw-araw may nagpapadala ng kahit ano. Hindi na nga lang pagkain ngayon dahil may bulaklak na ring kasama. Tinitigan ko ang bulaklak na nasa gilid lang office table ko. Kaka-deliver lang sa akin nito kahapon.
Wala pa ako sa huwisyo para gumawa ng trabaho kaya naman nagpasya akong magpahinga muna. Tumayo ako at bababa sana ng office pero laking gulat ko ng pagbukas ko ng pinto ay may nakita akong lalaking naka cap na nasa harapan ng table ni Rubi. Napansin ako ng sekretarya ko.
"Ma'am!" sigaw niya na parang nagulat pa na nakita ako.
Bumaling sa akin ang lalaking nasa harapan niya na nanlalaki ang mga mata. Kumunot ang noo ko dahil parang pamilyar siya sa akin kahit na may face mask siya na black at naka cap rin na black.
"Sht!" sabi niya na parang gulat na gulat na nakita ako pagkatapos ay bumaling ulit kay Rubi at may kung anong box na ibinigay sa kanya. "Paki abot na lang sa kanya 'yan ah? Salamat!" sabi ng lalaki at umalis na bigla.
"Sandali!" tawag ko dahil mukhang sa akin iyon.
Hinabol ko ang lalaking nagmamadaling umalis. Baka malaman ko na kung sino ang nagpapadala ng mga weird gifts o ano pa man sa akin.
Naabutan ko siya na nasa loob na ng elevator. Haharangin ko sana ang kamay ko sa pintuan no'n pero huli na dahil nakasara na 'yon! Argh!
Tumingin ako sa kanan ko kung saan nandoon pa ang isang elevator. Agad akong pumunta doon at pumasok. Mabilisan kong pinindot ang elevator papunta sa ground floor.
Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ay dali-dali akong lumabas, binabati ako ng ibang empleyado pero halos hindi ko sila pansinin dahil sa hinahanap kong lalaki. Lumilinga-linga pa ako sa kaliwa at kanan ko nang mapadako ang mga mata ko sa pintuan ng building. Nakita ko doon ang lalaking naka cap na papasok na sa kotse!
"Teka lang! Sandali!" sigaw ko doon sa lalaki pagkatapos ay tumakbo papunta sa kanya.
Nakabukas pa lang ang pintuan ng kotse niya at hindi pa siya pumapasok. Nang makita niya ko ay dali-dali siyang pumasok doon sa sasakyan niya at nagmaneho palayo sa akin! What the hell?!
Naiinis na ako at parang ayaw talaga niyang malaman ko kung sino siya. Nagpara ako ng taxi pagkatapos ay pumasok sa loob. Inutusan ko ang driver na sundan lang ang kotseng naka itim na nasa unahan namin.
"Salamat, manong!" sabi ko pagkatapos ay iniabot ang bayad ng matigil na sa pagpapatakbo iyong lalaki.
Tumingin ako sa building na pinagtigilan ng lalaking sinusundan ko. Awang ang labi ko ng makitang sa building nina Cedrick iyon!
Hinanap ko ang lalaking sinusundan ko kanina. Nakita ko siyang normal na ngayon na naglalakad papasok ng building. Marahil siguro ay hindi niya alam na nasundan ko pa rin siya.
Wala akong pag-aalinlangan na sumunod sa lalaki. Nang malapit na siya sa akin ay iniharang ko agad ang katawan ko sa harapan niya. Ganoon na lang ng gulat ko nang makilala kung sino ang lalaki.
"Clyder?!" gulat na tanong ko.
Kita kong nanlaki ang mga mata niya ng makita ako. Nawala rin ang ngisi niya at ngayon ko lang din napagtanto na may katawagan pala siya sa telepono.
"Ate Pia?! Paano mo ako nasundan dito?" tanong niyang nanlalaki ang mga mata ngayon.
Lumabas ang ngisi ko at napataas ng isang kilay. I crossed my both arms at my chest and face him.
"So ikaw nga 'yung nagpapadala ng mga weird na kung ano-ano sa 'kin?" taas kilay kong tanong.
Bumuntong hininga siya pagkatapos ay inalis ang cap na suot niya. Narinig ko ang tawa niya pagkatapos. Ako naman ang kumunot ang noo ngayon. Mali ba ako? Hindi ba siya 'yon?
"Weird pala sa 'yo mga pinapadala ni Kuya, ah? Sige sasabihin ko na lang sa kanya." sabi ni Clyder pagkatapos ay biglang tumawa.
Nangunot ang noo ko at iprinoseso ang sinabi ni Clyder. Pinapadala? Kuya? Wait-- what? Huwag mong sabihing si Cedrick talaga ang nagpapadala ng mga 'yon?
Kakausapin ko na sana si Clyder at tatanungin pero wala na pala siya sa harapan ko! Paano nakaalis 'yon? Luminga-linga ako at nakita siya sa isang banda na pawang may kausap. Nilapitan ko siya kaagad at laking gulat ko ng si Cedrick pala ang kausap niya!
"Oh, Kuya nasundan pala ako ni Ate Pia dito, ang sabi niya weird daw ang mga pinapadala mo. Sabi sa 'yo corny 'yun eh..." sumbong ni Clyder.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Teen FictionCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...