Chapter 2
Home
"Oh, ano raw kailangan ni Mommy? Bakit napatawag?"
Nagkibit-balikat si Kenny pagkatapos ay ibinalik ulit ang atensiyon sa kausap.
"Yes, tita... Kasama ko siya ngayon..."
Kunot-noo ko lang siyang tinitignan habang nakikinig sa one-sided call nila ni Mommy. Ano bang pinag-uusapan nila?
"Sabihin mo pauwi na 'ko ng bahay," singit ko. Baka kasi itinanong kung kasama na ba ako ni Kenny.
"-Alright, Tita... sige po...ihahatid ko na lang siya riyan. It's okay, Tita. Wala po 'yon sa 'kin."
Bumaling sa akin si Kenzo at ibinigay ang cellphone niya. Nakita kong hindi pa niya pinapatay 'yon. "Kausapin ka raw."
"Oh..." Inabot ko 'yon pagkatapos ay inilagay sa isang tainga ko. Kunot-noo naman ako nang biglang mag U-turn si Kenzo ng kotse. Bakit? Malapit na kami sa bahay ah?
"Yes, Mommy?" sabi ko sa kabilang linya.
"Where are you? Pauwi kana ba?"
"Ahm, yes... Sinundo ako ni Kenny kanina lang sa airport. Actually, malapit na kami sa bahay ngayon," sabi ko pa rin kahit na nagtataka pa rin ako bakit nag U-turn si Kenzo kanina.
"Huwag ka nang magpahatid sa bahay. Papaalis na kami sa bahay ng Daddy mo."
"What? Saan kayo pupunta?" tanong ko.
Bakit naman kasi biglaan rin sila kung makapagsabi? Akala ko pa naman madadatnan ko sila roon.
"Pupunta kami kay Ninang Mel mo. Sabihin mo kay Kenzo na ideretso ka na lang doon para doon na tayo magkita," aniya.
Napatango-tango naman ako na tipong nakikita niya.
"Okay. Pero anong gagawin niyo sa bahay ni ninang?" kuryoso kong tanong.
"Saka ko na sasabihin sa 'yo anak kapag nandito ka na," sabi niya. Rinig ko rin sa background na parang pinapaandar na ni Dad ang kotse. Paalis na nga siguro sila.
"Okay, Mom. I'll be there at Ninang Mel's house. Bye."
"Bye, anak. Ingat ha?"
"I will, Mom, thanks. Kayo din po ni Daddy, ingat."
Pinatay ko na ang tawag namin ni Mommy pagkatapos ay bumaling kay Kenzo, "Kina Ninang Mel mo na lang daw ako ihatid sabi ni Mommy."
"Yeah, I know. Sinabi sa akin ni tita kanina. Kaya nga nag U-turn na ako kaagad," sabi niya.
Napatango-tango na lang ako pagkatapos ay umayos ng upo para maging komportable.
"Okay. I guess you know the address right?" tanong ko.
"Yeah..." walang buhay na sagot niya habang patingin-tingin sa daan at sa cellphone. Baka gumagawa ng mensahe para sa girlfriend niya. Nagkibit-balikat na lang ako at hinayaan si Kenny tutal mukhang sanay naman siya riyan.
Pumuwesto ako ng maayos paharap sa bintana ng kotse pagkatapos ay pumikit para sana makaidlip muna tutal mahaba-haba pa naman ang byahe sa bahay nina ninang nang bigla akong may maalala na dahilan ng pagmulat ng mata ko. Napangisi ako ng mapagtantong sa bahay nga pala ni Ninang Mel kami pupunta ngayon. Meaning, baka nandoon 'yong anak niya!
Bahagya akong nakangiting hinarap si Kenny. Nakatuon na lang ngayon ang atensiyon niya sa dinaraanan namin. Tinawag ko siya dahilan ng bahagya niyang paglingon sa pwesto ko.
BINABASA MO ANG
Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)
Fiksi RemajaCedrick Lee Vargaz never been fond of falling in love. He focus on his studies, family business, and in his family but not on his life. He clearly don't remember on how to took care of his self and to other people because he only cares on how to bea...