Chapter 25

23 1 0
                                    

Chapter 25


Bad Idea



"Ano, ayos lang ba kayo ni Cedrick?" tanong ni Kenzo pagkakita namin noong lunch time.

"Yeah! You and Cedrick are ayos na ba? Hindi maganda nangyari sa inyo sa bar last night, ah?" si April na lumipat ng pwesto sa pagitan namin ni Kenzo.

Bumuntong hininga ako pagkatapos ay tumango. Ngumiti rin ako ng bahagya sa kanila. Pinagmamasdan lang nila ako.

"Ayos na kami. Nagalit siya kagabi pero naintindihan niya raw ako at alam niyang nagsasabi ako ng totoo."

"So boyfriend mo nga ba yung... yung... ano nga pangalan no'n?" singit ni April.

"William." si Kenzo ang sumagot.

"Oh right! William. So, is he your boyfriend? Eh si Cedrick boyfriend mo 'di ba?"

Umiling agad ako, "No! He's my ex-boyfriend already. We broke up when I was still in New York."

Tumango-tango naman si April habang nanatili lang na tahimik si Kenzo. Hindi na ulit namin pinag-usapan 'yon dahil ipinaliwanag ko rin naman sa kanila na ayos na kami ni Cedrick ngayon.

Napadaan kami sa bulletin board kung saan naagaw ng mga atensiyon namin ang mga estudyanteng nag-uusap doon.

"Bakit kaya biglang bumaba ang rankings ni Dylan?"

"Kaya nga! Wala kayang dayaan na nangyari?"

"Sayang, consistent top 1 pa naman natin 'yang si Dylan tapos ngayon ang laki ng ibinaba ng rankings niya."

Nagkatinginan ang tatlong babae na nandoon habang nakatingin sa bulletin board. Hindi ko naiwasan at lumapit sa kanila. Halata sa kanila na pinag-uusapan nila ang student rankings na kalalabas lang noong nakaraan. Hindi ko sila masisisi. Ngayon lang din kasi nag rank one si Cedrick pero alam kong ginawa niya ang lahat para makarating sa kung saan siya ngayon.

"Hindi naman kaya dinaya ang rankings?" rinig kong sabi ng isang babae sa kaibigan niya.

"Pakiramdam ko rin ganoon nga. Kataka-takang nasa pang-lima na lang ngayon si Dylan." sagot naman ng isa.

Para bang nagpantig ang tenga ko sa narinig ko at para bang inaakusahan nilang nandadaya si Cedrick! Lumapit ako lalo sa mga babae at pinagsabihan sila. Gulat na gulat ang tatlong magkakaibigan.

"Hindi dinaya ni Cedrick ang rankings niya. He did all his best for his rankings. Wala siyang inagrabyadong tao!" sabi ko. Halos sigawan ko na ang mga babaeng nanahimik sa pagkukuwentuhan.

Sumikip ang dibdib ko at para bang gustong-gusto ko silang sagutan dahil pinagsasalitaan nila ng masama ang boyfriend ko.

Bahagyang umatras ang mga babae at magsasalita pa sana ako nang may tumawag sa atensiyon ko. Nilingon ko ang tumawag sa akin.

"William?!" gulat kong tanong. Nagtataka kung anong ginagawa niya dito.

Ngumiti siya sa akin pagkatapos ay tuluyang lumapit. Narinig ko naman ang mga babae sa gilid ko na nagbulungan na umalis na raw sila. Hindi ko na sila nagawang tignan pa pero ramdam ko ang yapak nila papaalis.

"I'm glad I finally found you!" sabi ni William nang makalapit.

"Anong ginagawa mo dito?! Baka makita ka ni Cedrick!"

He form a little smile. "About what happen that night, I'm sorry... I didn't know that he's your boyfriend."

Kumalma ako pagkatapos ay bumuntong hininga.

Make Me Love You (21st Century Boys Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon