Chapter 3 - Annoyed

646 41 11
                                    

Chapter 3

Nakita ni Ethan ang sasakyan ni Zac, Maze at motorbike ni Mark. Lalo siyang na excite dahil nasa loob ng bar ang tatlong ungas na kaibigan niya. Pinark niya yung kotse niya at agad na lumabas. Excited na excited siya sa gagawin niya.

Pagpasok niya sa loob ng bar nila Mark, nakita niya agad si Maze na sumasayaw.  Pumunta siya sa VIP room ng bar at doon hinintay ang kanyang magagaling na kaibigan. Sa kinaroroonan niya ay kitang kita ang kabuuan ng bar. Nakita niya si Mark na nakikipag make out sa isang babae habang si Zac naman ay kausap or should I say nakikipaglandian sa mga chickababes niya.

Sa kanilang apat si Ethan ang lapitin ng babae na itinataboy niya in the end. Halos lahat kasi ng babae na lumalapit sakanya ay mga haliparot at ayaw naman niya ng ganon.

"Ang tagal naman ng mga ungas!" Inis na reklamo ni Ethan

"Bored?" Nang aakit na sabi ng isang babae na halos wala ng saplot dahil sa suot. Hindi siya pinansin ni Ethan. Lumapit ang babae sa binata at hinawakan ang chest nito na para bang kasama sa pang akit niya sa binata. Habang si Ethan deadma pa rin. Pinag patuloy ng babae ang pag haplos niya hanggang sa tinignan siya ni Ethan. Hinawakan ng binata ang mukha ng babae at nilapit ito sakanya. Sa lapit ng mga mukha nila, needle na lang ang magkakasya. Napapikit ang babae dahil akmang hahalikan na siya ni Ethan ng magsalita ang binata

"Paalisin ba kita o aalis ka?" Seryosong tanong ni Ethan

"Huh?" Tanong ng babae

"You made a wrong choice lady" seductive na sabi ni Ethan

Ginawa na ni Ethan ang dapat niyang gawin sa babae. Alam niyo ba kung ano yon?

Kinuha niya ang isang needle sa wallet niya at tinusok sa leeg ng babae na nakipagyakapan sakanya. Siguro nagtaka kayo kung ano yung needle na yun. Isa yung specialize needle na may nakalagay na fluid na pampatulog. May nakalagay palagi sa wallet niyang ganon at ginagamit kapag naiinis siya sa mga malanding babae na lumalandi sakanya.

"Oooooh bro! Akala ko hindi ka pupunta" sabi ni Maze

"I want to be here with my bestfriends, kaya andito ako"

"Ayie na touch naman kami doon" sabi ni Zac at lumapit sila at yinakap si Ethan

"Hoy mga ungas! Para kayong mga bakla!" Sabi ni Ethan

Nagtawanan naman sila ng makita ni Mark ang babae na nakatulog sa couch.

"Who's the lucky girl bro?" Tanong niya

Hindi sumagot si Ethan. Tumayo si Zac at tinignan ang leeg ng babae and thumbs up! Nakita niya ang isang needle na nakatusok dito. Binigyan niya ng okay sign sina Maze at Mark at humalagpak sila ng tawa.

"Ethan ang astig mo talaga! May pinatulog ka na namang babae! Hooooooo" puri ni Zac

"Let's have a toast for that!" Yaya ni Mark. Inistraight nila ang kanya kanyang bote ng alak. Nag kwe kwentuhan sila, nagtatawanan, at marami pang iba. Inom lang sila ng inom at si Ethan naman ay hinihintay na malasing ang mga kaibigan tsaka niya gagawin ang plano niya.

Naka ilang bote sila ng beer hanggang sa lasing na lasing na sila Zac, Maze at Mark. Si Ethan ang hindi lasing dahil kaunti lang naman ang ininom niya. Naisip ni Ethan na ito na ang right time para sa plano niya. Tumawag siya sa bartender at nag order ng tatlong bote ng tequila.

"Mga bro, ito pa oh tequila. Drink it. Treat ko na yan sa inyo"

"Wow! Ang generous mo naman ngayon bro" sabi ni Maze

"Ayaw mo? Akin na nga lang" at kinuha ni Ethan yung bote ng tequila kay Maze pero hinigit ulit ito ni Maze.

"Challenge to ha! Paunahang kayong maubos ang laman nyan at kung sino ang mananalo may prize galing sa akin" masiglang sabi ni Ethan

Hindi naman nag hesitate ang tatlo at nagsimulang ubusin ang kanya kanyang bote ng alak. Wala pang 5 minuto naubos na ito ni Mark.

"Hoooooo Yeah! E....eye..en ne obosh ko na E...etan" bulol na sabi ni Mark. Lasing na lasing na ito at any time makakatulog na siya. Sila Maze at Zac naman ay tumba na. Pinanood lamang ni Ethan ang mga kaibigan na natutulog at ng makita niyang ayos na, umalis na siya doon ng patawa tawa.

Yun ang plano ni Ethan sa mga kaibigan. Ang lasingin sila ng lasingin at bukas ay mahirapan silang gumising at gisingin. Alam kasi niyang may meeting ang mga ito bukas. Ginantihan niya ang mga ito kasi ganun din ang ginawa nila sakanya.

Lumabas na si Ethan sa bar.

**Tugsh

"Aray ko naman!" Reklamo ng isang babae. Nagkabanggaan sila ni Ethan.

Lumagpas si Ethan sa babae at pumunta sa kotse niya.

"Hoy Punk! Hindi mo ba nakita na may nabunggo ka!" Inis na sabi ng babae

Hindi ito pinansin ni Ethan at sumakay sa kotse niya. Yung babae naman ay halatang inis na inis. Lumapit siya sa kotse ni Ethan, inalis ang heels niya at ipinukpok sa window ng kotse ng binata.

"Hoy babae! Bakit mo pinagpupukpok yong bintana na kotse ko?!?!?!" Sabi ni Rthan pagkalabas niya ng kotse

"Hoy lalake! Ang bastos mo! Alam mong may nabangga ka, hindi ka pa mag so-sorry!!!" Sigaw ng babae

"Bakit naman ako mag so sorry eh hindi naman ako ang tangang nagpabangga!!" Malakas na sabi ni Ethan

"Hoy lalaking bastos at walang modo! Sinabi mo bang tanga ako!?!" Nakipagtagisan ng palakasan ng boses ang babae kay Ethan

"Ooooops wala akong sinasabing pangalan!" Pang aasar ni Ethan sa babae at pumasok sa kanyang kotse at pinaharurot ito ng mabilis. Habang yung babae naman ay pumulot ng bato na pinagbabato ang papaalis na sasakyan ni Ethan.

"Letse, letse! Bwisit! Walang modong lalaki!!!" Galit na sigaw ng babae

"Magkita lang tayo ulit! Humanda ka!!!" Dagdag nito

----------------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon