Chapter 24- Baklang Maharot

358 13 0
                                    



Asha's POV

"Besh nasan ka na ba? Kanina pa dumating si Bish" pabebeng sabi sa akin ni Miel.

"Malapit na ako, just wait okay"

"Hoy wag kang mabilis magpatakbo ha" pagpapa alala niya sa akin

"Oo na, naka 90kph lang naman ako" tugon ko

"Waaaa! Gaga ka ba! Anong hindi mabilis ang 90kph. Grabe ka, kahit kailan talaga kaskasera ka, bagalan mo at baka'y maaksidente ka"

"Pwe pabebe ka talaga, sige na ibaba ko na tong tawag at ito pa ang dahilan para mangyari yung sinabi mo, bye" sabi ko.

Hindi ko binagalan ang mag drive gaya ng sabi ni Mielat mas binilisan ko pa ito. Wala namang gaanong dumadaan na mga sasakyan kaya binilisan ko na. Clinick ko yung isang button para mag fold yung roof ng kotse ko at ang ganda ng feeling! Ang lamig ng simoy ng hangin.

Makalipas ang kalahating oras ay naka dating na ako sa meeting place namin ng mga best friends ko. Pag bungad ko pa lang ay napansin ko na sila at kumaway kaway naman ang mga ito.

"Hello girls, sorry I'm late" sabi ko

"No, you are super super late. Hindi mo nga nasundo si Bish eh" sabi ni pabebeng Miel

"It's okay hahaha. Baka busy lang si Asha a while ago" tugon ni Tracy.

Si Tracy ay best friend namin ni Miel. Her real name is Traysha Chloe Dela Rosa. She's from Paris, doon siya nag aral ng fashion design. And now bumalik na siya dito sa Pilipinas to open up her own fashion line. Ang tawag sakanya ni Miel ay bish at ako naman ay besh.

"Saan ka ba kasi napadpad kanina?" Tanong ulit ni Miel

"May sinamahan lang dyan sa tabi tabi"

"Wow Asha! Ngayon ko lang ata malaman na nakikisama ka na pala sa iba maliban sa amin? Improvement Asha! Very good!" Sabay tap sa akin ni Miel sa likod ko.

"May I ask kung sino naman ang sinamahan mo? Lalake ba yan" malokong tanong ni Tracy

"My annoying co-worker. He's so annoying alam niyo ba yun?" Napataas ang boses ko dahil naalala ko yung pam bwi-bwiset niya kanina sa akin. Lintek!

"Owwww, so a male. He's a male" sabi ni Tracy

"Malamang 'he' yung sinabi ko. Magulat ka na lang kung babae" sambit ko. Minsan talaga may pag ka shunga itong si Tracy.

"Eh, malay ko ba kung tomboy yan. Hahahahahaha" at nagtawanan sila ni Miel

"Tsk, reasons"

Nag order na kami ng pagkain. Habang kumakain ay nag kwentuhan kami. Inenterview rin nila ako kung anong nangyari kanina at ang matindi ay imbes na mainis sila gaya ng akin ay natawa pa sila!

"Oh, siya na ba ang mag titiklop ng kasupladahan mo?" Tanong nilang dalawa

"No, it is a big no! FYI, hindi ko pa naipapakita sakanya ang ka supladahan ko no. Nauunan lang ako ng inis sa tuwing nakikita ko siya"

"Weh" sabay pa silang nagsabi.

=___________=

"Edi wag kayong maniwala!" Sabi ko

"By the way, sasali ulit ako sa Underground fight" dagdag ko

"Whaaaat! Diba umalis ka na doon? Bakit sasali ka na naman?" Si Miel

"Ang pasaway mo talaga. Paano kung malalaman yan nila tito at tita? Eh di doomed ka na naman" si Tracy

"Kumalas na ako doon pero sabi nila Diego na kailangan ko daw lumaban next month dahil ako ang gustong kalabanin. Ayaw ko sana pero pinagbantaan nila ako"

"Eh ano naman ang pagbabantang sinabi niya ha!" Napalakas na sabi si Miel

"Basta..." Tipid na sagot ko

"Sabihin mo Besh. Sabihin mo sa amin kung ano yun" si Miel

Hindi ko siya sinagot kaya naman inulit niya ulit yung tanong niya pero this time tumayo siya sa harapan ko. Hindi ko ulit siya sinagot at salamat kay Tracy dahil inawat na niya si Miel the pabebe.

Pagkadating ng pagkain ay nilantakan na namin iyon. Habang kumakain ay nag kwe-kwentuhan kami hanggang sa may umepal na nilalang.

"Woi! Hindi ko akalain magkikita pa pala tayo dito! Hahahahahaha! Hi Maalat na itlog!"

Nainis ako lalo sa dahil sa sinabi niya. Letche talaga siya kahit kailan! Buiset! Akala ko ba hindi na niya ako aasarin? Pakeningsh*t siya. Hindi ko siya pinansin at pinag patuloy ang aking pagkain. Itinungo ko lang ang tingin ko sa pagkain hanggang sa inangat ko na ito. Nagulat ako sa sumunod na nangyari dahil nakalapit ng masyado ang mukha ni Ethanol. Bahagyang nakayuko siya dahilan para magtapat ang mga labi namin. Kaunting kaunti na lang ay dadampi na ang mga lqabi namin sa isa't isa. Tinitigan niya ako kaya naman tinitigan ko rin siya, aba hindi ako magpapatalo sa mokong na 'to no! ASA siya!

=__________________=

Sa ilang segundong pagtititigan namin ay siya rin ang natalo. Paano ba yan, panalo na naman ako! Hahahahahahaha! Wala talagang panama si Ethanol sa akin eh! Hahahahaha. Agad siyang umalis at nagtungo sa table nila. Itinuloy ko ang aking pagkain at napansing parang ako lang ang gumagalaw ng inorder namin kaya naman napatingin ako sa kanila.

^__________________^ ----- mukha nilang dalawa

-___________________- ----- mukha KO

Peste 'tong dalawang 'to. Ano na naman kaya ang pumasok sa kukute nila at ganyan makangiti? Mga ngiting nakaka inis sa aking paningin. Mga ngiting WALANG KWENTA!

"Oh, kayong dalawa anong nginiti-ngiti niyo dyan? Alam niyo itigil niyo na 'yan kasi ang papangit niyo at lalo pa kayong pumapangit!" Sabi ko sakanila

"Sa ngayon besh titiisin na muna nami at tatanggapin ang mga masasama mong salita. Hahahahahaha, alam mo nakilig ako kanina dito! Waaaaaaaah para akong nanonood kanina ng movie!" Sabi ni Miel Pabebe

"Tell us your story Ash, or should I say your story with him. I agree sa sinabi ni Miel, para rin akong nanonood ng movie kanina! So keleg hahahaha" nakaka asar na sabi ni Tracy.

"Muntikan na kayong mag kiss kanina eh! Sana itinulak ko siya hahahahaha!" Malakas na sabi ni pabebe

"Subukan mo at uupakan kita!" Mariin kong sabi at nagtawanan naman sila. Ano naman ba kasi ang naisip ni Ethanol at umasta ng ganun?

Bago kami maka alis doon ay humirit pa ang mokong, inasar asar niya ako at ipinagsigawan doon ang mga salaitang pinag aasar niya. Pasalamat siya at may matinding dahilan ako ngayon para hindi ko siya patulan. Buiset! Biruin mo para siyang baklang maharot sa mga pang aasar niya! Tch

------------------------------
Thanks sa pagbabasa 😘
Pag pasensyahan niyo po dahil matagal na walang UD at ganun rin po ang susunod. Pero sana po ay suportahan at hintayin niyo po. Maraming Salamat!

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon