Chapter 9 - Exhausted

336 32 1
                                    

Chapter 9

Asha's POV

Letcheng lalaki! Hindi lang talaga ako marunong makisama at tumulong, pinabayaan ko na siya. Pagkatapos kong i park ang kotse niya agad kong kinuha ang bag ko at mabilis na umalis sa bahay ng MOKONG na yun. Nakakainis talaga! Halatang halata na nag e-enjoy siya sa panonood sa akin habang nag lilinis. Hindi na lang sana ako naawa. Psh. Bakit ba kasi ang bilis kong maawa? Kainis!

"Good evening Miss!" Bati sa akin ni Bebang kasama ang ibang maids.

"Anong good sa evening?!? Ihanda niyo yung pagkain ko at sa kwarto na lang ako kakain"

"O-okay po Miss" sabay nilang sabi at sumibat na sila

Pagod na pagod ako. Ang bigat ng pakiramdam ko buti na lang naayos na yung elevator dito sa bahay kay sumakay na lang ako doon instead na maglakad sa stairs. Pagkadating ko sa floor kung saan andoon ang kwarto ko, mabilis kong hinabol ang paghinga ko. Hindi ako makahinga ng maayos at blurry na rin ang paningin ko. Pagewang gewang ako sa paglalakad at kumakapit na lang sa handles na nakakabit sa wall.

"Gamot... G-gamot k-k-kailangan ko... g-gamot" mahinang usal ko dahil nagbabasakali ako na may maid o sino man ngayon dito. Hindi ko na kaya. Hinang hina na ako sa pag hinga at naging mas blurry ang paningin ko.

Hanggang sa humandusay na lang ako sa floor.

"Miss! Miss! Miss!" Rinig kong sigawan nila

"Ihanda niyo yung kotse, dadalhin natin si Miss sa ospital! Ikaw tawagan mo sila Chairman at President! Bilis!"

Narinig ko ang mga nagmamadaling footsteps hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.

Third Person's POV

Mabilis na itinakbo si Asha sa ospital ng kanyang mga katiwala. Bakas ang pag a-alala ng mga ito sa kanilang amo. Tinawagan rin nila ang dad at mom ni Asha.

Mayroong heart disease si Asha at hindi dapat siya napa pagod ng grabe at alam nilang alam niya naman yun. Nagtataka sila kung bakit biglang nagkaganon si Asha.

"Where's my daughter!?!" Sigaw ng mommy ni Asha

"What is her name Ma'am?"

"Natasha Maurine Millan. Bilis nurse! I need to see my daughter immediately!!" Nag aalalang sigaw ng Mom ni Asha

"Hon, calm down" kalmadong sabi ng dad ni Asha.

"Ma'am, Sir nasa Room 301 po siya"

Mabilis na pumunta ang parents ni Asha sa kwarto niya. Na abutan nila si Bebang na naka bantay sa dalaga at nakita rin nila ang anak nilang wala pang malay. Lumapit ang mom ni Asha sa kanya at nagsimulang umiyak. Pinakalma ulit ni Mr. Millan ang asawa niya.

"What happened to our daughter Yaya?" Tanong ni Mr. Millan

"Serr, pagkauwe niya po kanena eh namomola ang moka niya at senabeng sa kwarto na niya lang siya komaen. Tapos nong eebebegay na namen yung pagkaene ni Miss, naketa namen na nakahandusay na siya sa saheg. Ang pateware ko po ay pagod na pagod siya" pagpapaliwanag ni Bebang.

"Ano ba kasi ang pinag gagawa ng batang 'to! Alam na ngang hindi pwede ang mag pagod sakanya ginawa niya pa rin!" Galit na sabi ni Mrs. Millan

"Hon, please calm down. Hindi yan makakatulong sa anak mo at baka mapahamak ka pa. Kaya please calm down" sabi ni Me. Millan

Pagkalipas ng ilang minuto pumasok ang doctor ni Asha at isang nurse.

"Nurse, check her vital signs" Utos ng doctor

"Yes Doc"

"Good evening Mr and Mrs Millan. I'll get straight to the point. According to the results we gathered a while ago, you're daughter's heart disease triggered. Buti na lang ay mabilis na naipunta siya dito at naagapan. This time, she's stable now at hintayin na lang natin ang paggising niya"

"Thank you Doc"

Tumango ang Doctor ni Asha bago lumabas sa room nito. Hindi pa rin nagigising si Asha kaya naman nag aalala pa rin ang parents niya.

----------------------------------------
Thanks sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon