Chapter 15 - Kain

337 20 3
                                    

Ethan's POV

Nagsimula na ang construction ng building na project ng OGC at NM. Ito ay ay magiging extension ng working place ng OGC at NM, hotel, auditorium, at iba pa.

Ngayong araw na ito ay magkakaroon sa Construction Site ng isang Welcome Ceremony sa lahat ng mag tra-trabaho doon. Maaga akong nagtungo roon dahil ako ang mangunguna sa programa na mag uumpisa at exactly 8:30 AM.

Pinasinayaan ko na ang programa. Pinakilala ang sarili ko at ang mga tao na mamamahala sa Project. Binanggit ko na rin ang lahat ng kailangang malaman ng mga trabahador at nang turn na ni Abo ay wala pa rin siya.

Nasaan na kaya yung Abong yun?

Alam na man niyang dapat maagang pumunta, nag pa late pa. Kainis paimportante. Para hindi masayang ang oras kakahintay sakanya ay sinabihan ko munang kumain ang lahat bago ituloy ang programa.

Brooooooooom brooooooooomm broooooooooom brooooooooooom

Maingay sa tunog na isang motor. Sino naman kaya ang hambog na driver ng motor na yun. Ang ingay! Akala mo kung race track dito! Napatingin ang lahat sa motor na papalapit sa amin. Dahil sa pagdaan ng motor na yun ay naging maalikabok ang paligid.

Nakatingin pa rin ang lahat sa babaeng bumaba sa motor. Pati rin ako nakatingin sakanya. Sino naman kaya tong babae na to at may lakas siyang gumawa ng eksena? Napaka alikabok pa rin ng paligid dahilan kung bakit hindi ko siya makita ng lubusan at naka helmet pa ito.

Naanonag ko lang ang suot niya. Naka suot siya ng knee-length na pants tapos naka leather jacket siya na kulay black. Para siyang gangster sa itsura niya. Tinanggal niya ang helmet niya at tumakbo siya papuntang stage. Lahat ng mata ay naka tutok sakanya at nang makarating siya sa stage ay napag tanto ko na ang hambog na driver ng motor ay si Abo!

"Sorry to interrupt you guys" paunahg sabi nito

Interrupt interrupt. Eh kanina pa siyang nakaka interrupt dahil sa pagiging late niya. Tsk

-,-

"I am Natasha Maurine Millan, CEO of NM Corporations. Unang una sorry dahil na late ako but I promise that this will be the last time na ma le-late ako. I guess nasabi na ni CEO Orence ang dapat niyong malaman kaya magbibigay na lang ako ng greeting sa inyo. Sa inyo pong lahat, nag papasalamat po ang NM Corporations dahil tinanggap niyo ang trabahong inalok namin. We're very blessed dahil ang mga magtra trabaho sa project na ito ay mga skilled and smart workers. I hope na maging successful ang project na ito kasama kayo. Welcome to all of you! Mabuhay!" Sambit niya.

Pagkatapos na kumain ng mga workers ay nag resume na ang program. Napag usapan namin ang kontrata ng bawat trabahador, sahod, at benefits na makukuha nila. Maaga itong natapos kaya naman nagsimula na silang mag trabaho. Kasama ko ngayon si Abo na nag che-check sa mga materials at manpower kung sapat at kumpleto na. Kinausap rin namin ang Architect at Engineers na mamamahala dito.

Past 1 PM na nung matapos kami sa pag che-check ng mga kailangan doon. Gutom na ako. Gutom na rin kaya tong si Abo?

Niyaya ko siya para kumain at hindi naman siya umayaw. Sa ngayon hindi ko muna siya aasarin dahil gutom na gutom na ako. Mamaya na lang.

^_______________^

"Ethanol andoon yung motor ko. Kunin ko lang"

Ethanol? Tae naman oh. Kung siya si Abo ako si Ethanol?

"Wag na Abo, nagugutom na ako masyado. Sumakay ka na lang sa kotse ko at balikan na lang natin yan"

"Okay" tipid na sagot niya.

Siguro nagugutom na rin ito dahil hindi rin siya nakikipag asaran katulad ko. Iba na talaga ang nagagawa ng kagutuman no?

Sumakay na kami sa kotse ko at napili kong sa paborito kong Japanese Restaurant kami kakain.

------------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘
Sa taas or gilid po ay picture ni Miel at Asha

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon