Chapter 23 - Bitter

360 13 2
                                    

Ethan's POV

Hindi pa rin ako maka paniwala na wala pang naging hoyfriend si Abo at yung sinabi niya daw kay Aling Rosa. Parehas pala kami ng pangako na kapag in relationship na ako sa tamang tao ng buhay ko ay ipapaalam ko. Masarap naman ang mga kinain namin. I wonder why kung bakit ang close nila Abo at Aling Rosa. Pagkatapos naming mag kwentuhan at bayaran ang kinain namain ay lumabas na kami. Sinabihan ako ni Abo na umuwi na.

Napag desisyonan na wag na munang umalis at hintaying umalis si Abo. Hindi ko rin alam kung bakit basta gusto ko siya ang maunang umalis. Tinignan ko siya habang ini start ang motor niya pero sa isang banda ay napakunot ang noo nito at pumasok sa turo-turo. Pagkaraan ng ilang minuto ay lumabas na siya doon at nilagpasan yung motor niya at nagpunta sangilid ng kalsada.

Lumabas ako ng kotse at patakbong lumapit sakanya.

"Abo! Bakit ka andito eh andoon yung motor mo?" Tanong ko

"Empty tank eh kaya andito ako" sagot niya

"Sumabay ka na lang sa akin"

"Wag na. Maghihintay na lang ako dito"

"Tignan mo oh, madalang lang ang dumadaan na pampasaherong sasakyan dito oh" kontra ko naman.

Tinignan naman niya ang daan at muling binaling sa akin ang tingin niya.

**Lunok**

Nakita ko na naman ang mga mata niyang napaka ganda at naramdaman ko ulit ang mabilis na pagtibok na puso ko.

^_____________^

Waaaa! Saan nanggaling ang thought kung yun?!? Hindi naman ako ganito ah! Di ko na talaga alam ang nangyayari sa sarili ko!

>_____________<

"Mag papasundo na lang ako. Sige na Ethanol umuwi ka na" tugo niya

Nag dial si Abo sa phone niya at hindi ako umalis kahit pinapaalis na niya ako. Madaming times na nag dial siya at halatang walang sumasagot sa mga tawag niya. Nag simula na siyang maglakad kaya naman patakbong lumapit ulit ako sakanya.

"Oh, hindi ka pa umaalis?" Tanong niya. Grabe naman 'to hindi nga ako umalis sa tabi niya eh. Hindi man lang ako nakita psh

"Oo, sabay ka na lang sa akin" alok ko ulit sakanya

"Ayoko nga. Ayaw kong makisabay sa kaaway ko no. Baka pag tripan mo na naman ako" Sus, arte nito. Kung ako sakanya mas gugustuhin ko na lang na pag tripan ng kaaway kaysa naman mapag tripan ng mga adik sa daan. -_-

"Think Abo. It is better na makisabay ka sa kaaway mo ngayon than  maglakad mag isa dito. Tsaka hindi na kita pag tri-tripan no"

"Oh bakit naman hindi mo na ako pag tri-tripan?" Tanong ni Abo

Hindi ako sumagot sakanya. Hindi ko naman cline- claim na hindi ko na siya pag tri-tripan pero kung pag tri-tripan ko ulit siya eh hindi na gaya nung dati. Kaunti na lang hehe. Sinabi ko yun sakanya para makuha yung assurance niya. Ako kasi ang nag aya sakanya kaya naman cargo ko siya. Kung may masamang mangyari sakanya ay yari ako kaya pilit ko siya ipapasabay sa akin.

"Basta sumakay ka na lang" bawi ko na lang at hindi naman niya pinaabot yung pagtalon ng bato bago sumakay. Buti naman at napa payag ko siya. Sinabi niya sa akin  kung anong address niya. Liliko na sana ako sa papunta sa bahay niya pero naalala ko na wala pala akong stock ng pagkain sa bahay. Dineretso ko lang ang pagmamaneho papuntang supermarket.

"Hoy Ethanol! Saan tayo pupunta ha?!? Hindi dito ang daanan papunta ng bahay ko!" Malakas na tanong ni Abo at hindi ko naman sinagot.

"Hoy! Hoy! Hoy! Ethanol!!!" Sigaw niya sa akin pero hindi ko ito inalintana. Ngumiti na lang ako na para bang walang naririning at binuksan ang radyo ng kotse ko.

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon