Chapter 18 - The Prediction

333 17 1
                                    

Ethan's POV

Pagkadating ko sa pad ay agad na bumungad sa akin ang madaming pagkain na naka handa sa center table ng living room namin.

"Ang dami namang pagkain dito? Aning meron?" Tanong ko sakanila

"Ahh, s-si Mark kasi pffft hahahaha n-na b-b-basted! Hahahahahaha" sambit ni Maze na tawang tawa.

"Hoy tumigil ka nga Maze upakan kita dyan eh" sabi ni Mark

"Sino naman ang lucky girl Bro? Hahahaha! So na break na ang record mo na walang basted? Hahahahaha" dagdag ko.

Ito pala ang i ce-celebrate namin. Ang unang pagka basted ni Mark. Gago talaga si Maze mukhang depressed na nga si Mark eh nakuha pa niyang mag pa celebrate. Totoong kaibigan nga naman! Kahit maganda man o pangit ang nangyari sayo ay mag ce-celebrate pa rin! Chupi! Hahahahaha!

"Nasan pala si Zac?" Tanong ko at kumuha ako ng pizza

"Nasa kwarto niya bro, naglilinis! Hahahahahaha! Joke lang. Papunta pa lang siya dito" tugon sa akin Maze.

Kinamusta ko si Mark kung anong feeling at i-kwinento naman niya. Habang nag kwe-kwento siya ay hindi ko napigilang tumawa. Ginamit niya daw kasi sa babae yung pamatay na technique niya sa pag akit ng babae pero hindi iyon tumalab. Tinapunan pa daw niya si Mark ng upos ng sigarilyo at sinabihan siya na pangit daw siya. Nainis si Mark sa babae kaya naman hinila niya ito at hinawakan ng mahigpit. Kinorner niya daw yung babae, hahalikan na niya sana iyon pero dinuraan siya nun. Hahahahahaha! Astig na babae yun ah. Wala pang nakakagawa ng ganon kay Mark. Walang wala pa! Siya lang! Hahahahahaha!

Nag kwentuhan kami nila Maze at Mark at ilang minuto ang nakalipas ay dumating na rin si boy linis, si Zac.

"What's up guys?" Hyper nitong sabi at nilapag ang binili niya.

"Buti naman Zac at hindi ka umiyak ng ibigay mo sa cashier ang bayad nito" turo ni Maze sa binili ni Zac na frappe ng Starbucks

"Hindi no! May pera ako kaya hindi ako iiyak kahit isang libo pa ang bayad nito isa-isa" paliwanag ni Zac

"Okay, okay. Wag ka ng magpaliwanag bro. Hahahahahahaha" tawang sagot ni Maze

"So anong i ce-celebrate natin?" Tanong ni boy linis at uminom siya nung binili niya

"Ang unang lagka basted ni Mark!!" Sabay naming sigaw ni Maze at naibuga naman ni Zac yung ininom niya. Tumingin kami kay Mark at parang wala siyang narinig kaya nagtawanan kami. Grabe palang ma basted nitong best friend ko na ito? Tindi!

"Seriously?" Tanong ulit ni Zac

"Oo nga" sabay ulit naming sagot ni Maze. Nagtawanan kaming tatlo tsaka kami lumapit kay Mark.

"Bro, babae lang yan! Cheer up! Ikaw pa nga nag sabi na wag problemahin ang mga babae dahil dapat sila ang mamroblema sa atin" seryosong sabi ni Maze

"Eto bro, uminom ka na lang nito at kumain ka ng pizza dahil hindi ka babastedin ng mga yan" birong sabi ni Zac at iniabot niya kay mark ang frappe at pizza. Kinuha naman ito ni Mark at sinimulang kainin iyon.

"Hayaan mo bro, tatawag ako ngayon ng mga babaeng magpapasaya sayo" sabi ko. Mag da-dial na sana ako ng pigilan ako ni Mark.

"Wag na bro. Gusto ko muna kayong makasama" sambit ni Mark

"Makasama? Yuck! Ang bakla bro!" Angal ni Maze.

"Baklain mo yang mukha mo" tugon naman ni Mark

Nag kwentuhan, kumain, nag lokohan, nag laro ng video games. Yan ang ginawa naming mag be-best friend hanggang gabihin na kami doon. Makalipas ang ilang oras na yun ay unti unting nawawala yung bad trip na mukha ni Mark. Hay, salamat naman. Sino naman kayang babae ang gumawa kay Mark non? Gusto ko tuloy siyang makilala at mapasalamatan man lang. Dahil alam kong may epektong maganda ang ginawa niyang oam ba-basted kay Mark.

Tumungo si Zac para mag luto ng dinner namin. Napag desisyonan namin na dito na mag palipas ng gabi. Nagpatuloy sila Mark at Maze na maglaro ng video games habang ako naman ay inopen ang phone ko at nag browse. May napansin akong nahulog sa sahig na papel kaya naman pinulot ko ito. Nang buklatin ko iyo ay nqkitang number pala iyon ni Asha na binigay sa akin ng staff niya kaninang wala pa siya sa Welcome Ceremony.

May naisip ako!

Aasarin ko siya through text. Hindi ko sasabihin kung sino ako at siya ang manghula. Sigurado naman akong mahuhulaan niya kaagad. Hehehehehe

^______________^

Hoy Abo, ang ganda palang maghugas ng mga pinag kainan at pinaglutuan?
< Sent >
Naghintay ako ng ilang minuto at may nakuha naman akong reply galing sakanya.

Text Message namin ni Abo

Abo: Pwes hindi ako interesado -,-

Me: Anong ginagawa mo?

Abo: Wala kang paki alam

Me: Feeling ko naghuhugas ka ng pinggan ngayon... Hahahahahaha

Abo: Tae mo Ethanol!

Me: Alam mo nakakatawa yung mukha mo kanina. Para kang strawberry dahil sa pula ng mukha mo na parang MAALAT NA ITLOG!! Hahahahahahaha

Abo: Wtf! Anong maalat na itlog ang pinagsasabi mo dyan? Pucha! >_< Humanda ka sa akin bukas!

Natawa naman ako sa reply niya! Hahahahaha! Isa siya napakalaking MAALAT NA ITLOG! Hahahahahaha, ang lakas ng impact nung word na yun sakanya! Beside sa Abo ang tawag ko sakanya ay tatawagin ko rin siyang Maalat na Itlog!

^___________^

Me: Ikaw mukha kang maalat na itlog. Abo ka na nga naging maalat na itlog ka pa! Hahahahaha
Reply ko sakanya. Hindi konalam kung saan ko nakuha ang word na yun para sabihin sakanya. Basta nag pop out na lang sa isip ko.

Abo: Kung ako si Maalat na Itlog pwes ikaw yung sirang itlog!

Me: Hahahahaha! Good night Maalat na itlog slash Abo

Abo: Sirang itlog slash Ethanol!

Natawa ako sa reply niya. Kumuha ako ng pizza at kinain yun habang naka ngiti pa rin. Basta nakakatawa yung convo namin ni Abo a.k.a. Maalat na itlog! Sigurado akong nag hihiyaw na yun dahil sa inis. Yeah! Panalo na naman ako!

"Hoy Ethan! Anong nginingiti mo dyan?" Tanong ni Maze

"Yung convo namin ni Abo na maalat na itlog hahahahaha" sagot ko

"Huh?"

"Yung convo namin ni Asha yung partner ko sa bagong project"

"Oh ganun ba"

"Siya di ba yung palagi mong inaasar?"

"Oo" mabilis kong sabi

"Hala baka sa mga pang aasar mo na yan ay ma develop ka sakanya. Madami nang nangyaring ganyan bro!"

"Pwes ibahin mo ako! Hindi ako magkakagusto sakanya no! No way! Hintayin mo munang tumalin yung bato bago mangyari yan psh"

"Sabi mo yan ah! Sus, kilala kita Ethan. Hindi ka nagka ganyan sa mga past na babae mo"

"Iba nga to! Hindi siya babae! Babae lang siya mag damit pero ugali hindi!"

"I know you too well Bro basta susbaybayan kita hehehe. Hindi mo ma pre-predict ang future" si Maze

Hindi ko na lang siya pinansin at tinawag na rin kami ni Zac para kumain ng dinner. Hindi mangyayari yung sinabi ni Maze. Tsk tsk tsk.

--------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon