Chapter 26 - Landfill

332 12 0
                                    


Third Person's POV

Naka busangot na nag drive pauwi si Asha habang si Ethan naman ay abot tenga ang ngiti niya. Inis na inis ang dalaga sa inakto ni Ethan kanina sa restaurant at na triple pa ito dahil nakita niyang andoon ang isa sa kasosyo niya business.

Hindi na niya pinatulan ang binata kanina dahil una sa lahat ayaw niyang mag eskandalo doon at ayaw niyang mapasama sa kasosyo niya sa negosyo.

"Kainis na Ethanol 'yan oh! Kung hindi lang sana ako mapapahiya ng lalo eh, pinatulan ko na siya! Pakshet!" Sigaw ni Asha habang naghihilamos siya.

Sa sitwasyon naman ni Ethan ay tuwang tuwa ito. Halos abot langit na ang ngiti niya at may pasipol sipol pa habang nag dra-drive. Pagkarating niya sa bahay niya ay tumambad ang isang mini landfill.

Maganda ang mood ng binata kaya naman nakuha nitong maglinis ng kakarampot dahil wala pang sampung minuto ay tumigil na ito. Hindi pa rin maalis ang bakas ng ngiti sa mukha niya at ngayon nama'y kumakanta na siya. Gabi rin kaya nagtungo na siya sa higaan niya para magpahinga.

Asha's POV

Nag dra-drive ako kasama ng isang lalaki. Hindi ko mawari kung sino ito. Masaya kaming nag kwe-kwentuhan. Feeling ko ang close-close naming dalawa. Napapakanta rin kami pero hindi ko rin masabi kung anong kanta ang ina awit namin.

Mabilis akong magpatakbo ng kotse at mag o-overtake pa. Yung kasama ko naman ay naghihiyaw sa saya. Pinagpatuloy ko lang ang mabilis na pagpapatakbo hanggang sa...

'Beeeep beeeeep beeeeep beeeeeeep'

Na alimpungatan ako sa ingay at naramdaman ang matinding sakit sa binti ko gayun na rin ang kamay ko. Napahawak ako sa ulo at naramdaman ang isang likido galing dito. Napatingin ako sa katabi ko at nakitang naka salampak siya at umaagos ang dugo sa katawan niya. Hindi ko alam ang gagawin ko! Ipit na ipit ako sa posisyon ko, gusto ko siyang tulingan pero hindi ko magawa!!!!

"Young Lady! Gising Young Lady! Gising po!" Napukaw ako sa isang sigaw kaya iminulat ko ng kaunti ang aking mata. Patuloy pa rin ito sa pagsigaw kaya naman bumangon ako.

"Ayos lang po ba kayo?" Tanong ni Bebang siya lang pala. Umaagos ang pawis sa mukha kahit na malamig naman dito sa kwarto ko at nag hahabol din ako ng hininga.

"Ayos lang po ba kayo Young Lady? Ito po tubig. Nag alala po ako kasi nagsisigaw na kayo kanina kaya pumasok na ako't gisingin kayo"

Ininum ko muna yung tubig na binigay niya tsaka ako nagtungo sa banyo ko. Napahawak ako sa dibdib ko, parang totoo yung nangyari. Panaginip lang pala. Panaginip na nakakatakot!

Ano kaya ang ibig sabihin non? Tanong ko sa sarili ko.

Pagkatapos kong gawin ang aking usual morning routine ay nagtungo na ako sa Construction Site. Hindi pa rin maalis sa isipan ko yung panaginip na iyon at ramdam ko na ang bigat bigat ng pakiramdam ko. At isa pa ay hindi ko matukoy kung sino yung kasama ko.

Isip ako ng isip at hindi ko namalayan na nakarating na pala ako. Naka kotse ako ngayon, pinark ko lang ito sa isang tabi at tumungo na sa office. Maaga pa kaya nagsisidatingan palang ang mga trabahador. Bumati sila sa akin at sinuklian ko naman ito na ngiti. Finocus ko lang ang atensyon ko sa trabaho pero sumasagi sa isip ko ang panaginip ko kanina. Hindi ko maintindihan kung ano at bakit ko iyon napanaginipan. Nakakagimbal! Ayokong mangyari yun

•_______________•

"Hoy Abo! Anong gagawin mo sa bakal na 'yan? Hahahaha" napatingin ako sa nag salita. Si mokong pala. Tch

Pero ano daw? Hawak ko ay bakal?

Napatingin ako at waaaaaa bakal nga! Ano nang meron sa utak ko at hinugot ko iyon? Tatawa tawa si Ethanol kaya naman lumapit ako sakanya.

"Oh kunin mo" walang ekspresyon na sambit ko sakanya at iniabot yung bakal. Maliit maman ito pero mabigat siya. Binigay ko iyon ng walang tingin tingin sa kanya tsaka umalis.

"Ha ha ha aw aw aw aw" sambit ni Ethanol

Ano naman ang trip neto at ganun ang sinabi niya? Hindi ko na siya nilingon at nag tuloy lang ng lakad.

"Waaaaaa annngg s-saaaaakkiiiiit!! T-tulong! Awwwww" sigaw ni Ethanol. Tch para siyang bakla -,-

Naglakad lang ako at hindi ko pa rin nililingon si Ethanol. Nakita ko na lang na yung mga trabahador sa gawing iyon ay napatakbo. Napatingin ako sa destinasyon nila at nakitang...

Si Ethanol nakahandusay. Nilipat ko yung tingin sa hinahawakan niya at nagulat ako dahil yung bakal na hawak ko kanina ay nakadagan sa paa niya!

Mabilis akong tumungo doo at sinabihan yung mga trabahador na buhatin siya at isakay sa kotse ko. Waaaaah! Ako ang may kasalanan kung bakit naaganan siya.

Mabilis kong pinatakbo yung kotse ko pero naalala ko yung panaginip ko. Napatingin ako kay Ethanol, sumesenyas siya na bilisan ko. Inalis ko muna yung thought kung yun at nag focus sa pag dra-drive.

Nang makarating kami sa ospital ay agad na inasikaso si Ethanol. F! Ayokong ako yung dahilan ng insidente. Feeling ko kasi eh, pasan ko yung nasaktan. Sa case ni Ethanol eh ako ang may kasalanan and I feel that he owes me and I have the responsibility para alagaan siya.

I hate this feeling!

>____________________<

"Doc kamusta po yung kasama ko?" Tanong ko sa kakalabas na doctor mula sa quadrant ni Ethanol.

"His fine now. Ipapabigay ko na lang yung mga kailangan mamaya" sambit niya.

Nang umalis na siya ay pumasok na ako sa quadrant ni Ethanol. Nakatulog ata siya kaya nama'y umupo ako sa gilid.

"Sorry" sambit ko. Nilabas ko yung phone ko at tatawagan sina tita para ipaalam yung nangyari kay Ethan.

"He----------" naputol yung sasabihin ko.

"Kung tatawagan mo ang parents ko wag mo nang ituloy" sambit ni Ethanol at inoff yung caller.

"Bakit naman?"

"Ayoko silang mag alala and its just a minor injury kaya no need ng tawagan mo sila"

"I'm sorry" sinserong sabi ko

"Bakit mo ba kasi naisipan yun? Ayan tuloy hindi ako makakalajad ng ilang araw. Psh" parang naiinis ang tono ng boses niya.

"Actually, hindi ko rin alam. My mind a while ago is not in its mood. I'm sorry"

"Hindi ako makakalakad ng ilang araw. Paano na lang ako makakagalaw sa bahay? Paano na lang makakapag trabaho? Paano na lang ako mabubuhay ng hindi nakakalakad?" Mahabang sabi niya

"I'll will take care of you, don't worry"

"Ha! Baka naman tuluyan mo na ako pagnagkataon?"

"Shunga ka ba? Hindi naman ako mamamatay tao para gawin yun. Wag kang maging boboshet Ethanol"

"Excuse me po. Doc Valdez said that pwede na po kayong ma discharge. Thank you" sabi ng nurse

"Ayan pwede ka ng ma discharge. Just wait here and I'll pay your bill"

Ito na. Ito na talaga ang part na ayokong ayoko, ang mag ke-care of sa taong nasaktan ng dahil sa akin and worst makakasama ko ang nakakainis na si Ethanol at sa bahay pa niyang landfill!!

Now, this is great

-______________-

-----------------------------
Thanks sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon