Chapter 20 - Laban

352 15 2
                                    

Asha's POV

Kanina pa tingin ng tingin sa akin si Ethanol. Akala niya siguro hindi ko ramdam. Magmula noong nag simula akong mag research ay naramdaman ko ng may tumitingin sa akin at yun ay si Ethanol. Sa una ay ayos lang sa akin pero nagtagal ay feeling ko ay nakatitig pa rin siya sa akin at dahil doon ay bahagya akong nailang.

"Stop staring at me. Don't you know staring is rude" banggit ko

"Hindi ko maiwasan eh" sagot niya dahilan para tignan ko siya. Ang weird ng sagot niya -,-

"Hindi ko maiwasang mapa titig kasi na di-distract ako sa mga black heads mo!" Dagdag niya. Akala niya siguro bebenta sa akin ang sinabi niya. Alam ko kayang wala akong blackheads kasi alagang alaga ako sa face ko. Lumapit ako sakanya at tinanong kung saan. Hindi siya kaagad nakasagot.

"D-dyan oh!" Utal na sabi niya. Mas nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya at tinanong ulit kung saan. Tumingin ako ng deretso sa mata niya at makaraan ng ilang segundo ay inilayo niya ang tingin niya sa akin.

"Tsk. I caught you, you're lying. Alam ko namang wala akong blackheads eh" usal ko at pumunta ulit sa table at ipinag patuloy ko ang ginagawa ko. Lumipas ang ilang minuto ay naramdaman ko ulit na nakatingin siya sa akin. Ano bang trip ng lalaking to at panay tingin?

-__________________-

Mula sa peripheral view ko ay nakitang sinampal niya ang mukha niya. Mukha siyang tanga sa ginawa niya at napa tawa ako ng walang sound. Hindi ko na siya pinansin at pinagpatuloy ulit yung ginagawa ko hanggang may kumatok sa pintuan.

"Ethan, Asha baba na muna kayo at kayo'y maghapunan" sabi ni Manang Wilma

"Sige po" sabay naming sabi ni Ethanol kaya napatingin ako sakanya at napatingin rin siyasa akin kaya naman ngumiti ako. Ngumiti ako sakanya dahil naalala ko kanina yung pagsampal niya sa mukha niyang parang ewan.

"Halika na" alok ko sakanya at natungo na sa dining room.

Pagkadating ko doon ay nakita ko ang dalawang bata. Isang babae at isang lalaki. Wari ko ay magkapatid sila.

"Maupo ka na Asha at kumain na" sabi ni Manang Wilma

Sumunod naman ako at umupo na. Napatingin ako sa dalawang bata at nakitang naka tingin sa akin yung babae na para bang pinag aaralan ako at yung batang lalaki naman ay busy kumain. Hindi ko na yun inintindi at sumandok na ako ng pagkain. Napatingin ulit ako sa batang babae at nakatingin pa rin siya sa akin. Walang pinag bago ang mukha niya na mistulang pinag aaralan ako.

"Bata, anong pangalan mo? Ako si Asha" Tanong ko sakanya. Hindi siya sumagot kaya inulit ko ulit yung tanong ko.

"Lea. Lea ang pangalan ko" suplada niyang sagot. Tsk, sabi ko na nga ba suplada to.

"Hello Lea! Anong grade mo na?" Alam kong suplada ito pero mas gusto ko kasing kausap ang mga suplada kaysa sa hindi. Pag kausap ko kasi ang mga suplada ay na cha-challenge ako. Na cha-challenge ako sa pagtiklop ng ka supladahan nila.

"5" Tipid niyang sagot

"Ano naman ang mga hilig mo?" Tanong ko tsaka sumubo ng pagkain

"Madami. Mahilig akong sumayaw, mag draw ng mga fashion design at mag suot ng iba't ibang trends ng damit"

"Woah! Parehas pala tayo sa hilig mo na mag draw ng mga fashion design at mag suot ng mga damit na pang fashion. Actually may malaki akong closet sa bahay at may collection ako doon ng iba't ibang trends ng damit. You want to check it out?" Sambit ko.

Nakita ko namang kuminang yung mga mata niya. Ahahahahaha ang dali namang tiklopin ang ka supladahan nito!

^____________^

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon