Chapter 21 - Carinderia

412 15 1
                                    

Ethan's POV

Nung tinanong ako ni Lea kung girlfriend ko si Asha ay natigilan ako. Nakalimutan ko pala na may pangako ako sakanya na kapag may girlfriend na akong seseryosohin ko ay ipapakilala ko  personally. Matapos niyang sabihin iyon ay naramdaman ko ang mabilis na pagkabog ng dibdib ko. Napatingin naman ako kay Asha na parang wala lang sakanya. Tch

Sinabi pa niyang sana si Asha ang ligawan ko dahil gusto niya ito at bagay kami na dahilan kung bakit mas kumabog po ng malakas ang puso ko. The h*ll anong nangyayari sa akin? Pagkatapos naming kainin yung dessert ay nagtungo na kami sa library at itinuloy ang paggawa ng ppt. Fininalize ko muna yung inoutline ko bago binigay kay Abo.

Pagkatapos kong ibigay yun ay nag command na naman siya. Ipinasulat niya sa akin yung mga important details para sa presentation. Pagkatapos ko iyong gawin ay minemoroze ko ito. Dito ako mahina, ang mag memorize. Sanay kasi akong analysis at practical ang ginagawa ko at yun ang madali sa akin.

"Aiiiichh!" Daing ko. Hindi talaga pumapasok sa utak ko ang minememorize ko.

"F! Kinakabahan ako. Paano kung mag kamali ako? Baka tawanan nila ako. Andoon pa si lolo. Hindi ko pa ma memorize masyado ito!" Dagdag ko

"Don't be paranoid Ethanol. Wag kang matakot magkamali dahil part talaga yan ng buhay and don't worry meron naman ako. Just relax. Wag mo ring i memorize yan. Basahin at intindihin mo lang ang nilalaman niyan ay ayos na" tugon niya sa akin.

Dahil sa sinabi sa aking ganon ni Abo ay nawala ng bahagya ang kaba ko. Ginawa ko ang suggestion niya at so far ay naging maganda naman ang result. Binasa ko ulit iyon at hindi namalayang naka tulog na pala ako.

"Ethan... Ethan... Ethan..." Rinig ko sa pangalan ko kaya naman napamulat ako at nakita si Manang Wilma. Iginala ko ang paningin ko at hindi ko nakita si Abo.

"Manang saan na po si Abo?"

"Abo?"

"I mean si Asha po"

"Ah umuwi na siya kanina. Pinapasabi niya pala ay sa kwarto ka daw matulog"

"Tch, hindi man lang nag paalam sa akin..." Mahinang usal ko

"Alam mo Ethan, siguro hindi ka na ginising ni Asha dahil nakita niyang tulog na tulog ka. Yung mga ibang babae kasi ay gigisingin ka pa at magpapahatid kahit alam nila na pagod ang isang lalaki. At kita mo inalala ka pa ni Asha at pinasabing dapat sa kwarto ka matulog. Kaunti na lang ang babaeng ganyan Ethan. Kaunting kaunti" si Manang Wilma

"Bakit mo naman po sinasabi yuon?"

"Kasi bilib ako sa tulad niya at alam mo bang bagay na bagay kayo?"

Naiuntog ko naman ang ulo ko sa headboard ng upuan dahil sa sinabi ni manang Wilma

"Ang joker niyo naman po hahahahaha! Magpahinga na po kayo at gayun din ako" kinuha ko na yung mga gamit ko doon at dumeretso sa kwarto ko. May lumipad na isang bagay papel pero hindi ko na yun pinansin

Hindi muna ako natulog at inulit sa utak ko ang sinabi sa akin kanina ni manang Wilma at naabutan ko na lang na naka ngiti na pala ako. 

KINABUKASAN

"Good morning sa inyong lahat!" Masayang bati ko kina Manang Wilma, Lea at Boboy

"Maganda ang gising mi ngayon ah" si Manang Wilma

"Hehehehehe" yan na lang sinagot ko. Hindi ko rin alam kung bakit ang saya ko ngayon. Feeling ko umaapaw ang happiness ko.

^________________^

Kumain ako kasama nila at kinuwentuhan ko sila sa mga nangyayari sa buhay ko.

"Sige po Manang Wilma, Lea at Boboy. Alis na ako" nakangiting sabi ko sakanila

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon