Chapter 37 - Great News

236 13 1
                                    

Chapter 37 - Great News

First of all I want to send you all my greeting, Merry Christmas! Let's rejoice and give love to one and all!

----------------------

Makaraan ang dalawang linggo patuloy na hanap hanap ni Ethan si Asha. His baliw mode went down ng bahagya pero nadagdagan naman ang paghahanap niya sa dalaga. He wants to see her to receive a confirmation kung gusto na ba talaga niya si Asha or not.

"Guys in a minute by now darating na si Asha!" Sigaw ni Miel

Nasa bahay sila ni Asha. They created a simple welcome party for her.

"Yun oh bro! You can look at her pretty face finally!" Sambit ni Mark at inirapan lang siya ni Ethan

Inayos nila ang ibang mga gamit. A minute later bumusina ang isang kotse ni Asha.

"Guys andyan na siya!" Hiyaw ni Maze

"Go to your places tapos in a count of three, we'll pop the party poppers!" Masayang sabi ni Tracy

Pumwesto sila ng semi circle sa harap ng pintuan and they are all handed with party poppers!

"1...2...3... Welcome Home Asha!" Bati nila at sabay sabay na pinaputok ang mga party poppers maliban kay Ethan na na-late sa pagpapaputok sa party popper

Asha was surprised! Halatang halata sa mukha niyang may mga sugat. Mabilis na lumapit ang kanyang mga kaibigan at yinakap siya ng mahigpit except for Ethan. He remained standing like a rock.

"What is this all about?" Tanong ni Asha

"Malamang para i-welcome ka. Diba obvious?" Sambit ni Ethan

"Ha ha ha ha taanungin ko ba kung alam ko. Malay ko bang nagka saltik lang kayo kasi hindi naman ganito ang mga best friend ko" tugon ni Asha at hindi na naka imik si Ethan.

"Oh kakarating lang ng isa nagbabangayan ulit kayo. Bro, hanap hanap mo lang yan last week ngayong andito na sinisimulan mo na naman yang pangit na ugali mo hahahaha peace!" Sabi ni Maze

"What do you mean?" Tanong ni Asha kasunod naman nito ay kumanta sila Maze ng what do you mean ni Justin Bieber.

"Guys may sasabihin ako" pangunguna ni Maze

"Ano?"

"Ano ang introduction ni Miss Yemen sa pageant?"

"Ano?"

"Edi ganito, 'from the land of Justin Bieber! What do YEMEN!' Hahahahahaha!" Sambit ni Maze with malakas na tawa. FYI, siya lang ang tumatawa sa kanilang lahat.

"Ang corny mo Maze! Self supportive ka pa!" Sabi ni Miel

Magsusumbatan pa sana ang dalawa pero inawat na sila ni Mark and they headed to the dining place. In there nakalagay ang mga paboritong pagkain ni Asha. Habang kumakain hindi nawala ang endless na kwentuhan. Endless dahil mas nagugol ang oras nila sa pagsasalita kaysa sa pagkain.

They asked her what happened in her battle pero hindi niya ito sinagot. Bakas sa mukha niya ang mga sugat na natamo niya at nang mahawakan ito ni Miel accidentally, napa hiyaw ito. Medyo sariwa pa kasi ang mga sugat niya.

Kwentuhan lang sila ng kwentuhan habang si Ethan ay na-OP. Paano ba naman kasi hindi ito nakiki join.

In his point of view, he thinks the way he acted noong mga nakaraang linggo. Nagmistula kasi siyang baliw kakahanap kay Asha at noong hinihintay ang pagbabalik ng dalaga kanina ay mas bumilis yung tibok ng puso niya at nang dumating na si Asha ay naging normal ang heartbeat niya. Naging heartbeat regulator tuloy si Asha ^^

When Ethan saw Asha's face, feeling niya siya na ang pinaka masayang tao. No word can describe the feeling he felt. Masyado siyang masaya up to the point na gusto nitong yakapin but it turned out na tumugon ito ng sarcastic answer.

Naiinis siya sa sarili niya dahil sa nasabi niya. Halata na ngang pagod si Asha dinagdagan pa niya ng pagkainis. Kumunot kasi ang noo ng dalaga ng masabi niya iyon. Nag aalala din si Ethan dahil sa mga sugat na natamo ni Asha.

"Miss meron pong natawag sa inyo. Marcus Choi po ang pangalan" sabi ng Chief maid ni Asha na si Bebang

"Akin na yang phone!" Sabi ni Asha

Nagtinginan ang magkakaibigan especially sina Zac, Mark, Maze at Ethan. They wonder kung sino ang Marcus Choi na iyon at kung ano siya ni Asha because when Asha heard that name na-enlighthen ang mukha niya.

Curious ang apat lalong lalo na si Ethan kung sino si Marcus Choi kaya tinanong nila sina Miel.

"Marcus Choi or Marcus Stanley Choi. We call him Marcus but Asha calls him Stan. Childhood best friend siya ni Asha"

"Wag kang mag alala Ethan, best friend lang naman pala eh" sambit ni Zac

"Best friend lang siya sa atin but we don't know kung ano talaga sila. Hindi ma-kwento si Asha kaya hindi namin alam kung ano talaga ang current relationship nila"

"Ay ano ba yan! Hindi pa nga nakaka gawa ng moves to eh, naunahan na!" Sabi ni Maze habang nakaturo kay Ethan.

"Anong pinagsasabi mo dyan Maze?" Nagmama angang sagot ni Ethan

"Sus denial ang isa dyan! Di pa kasi aminin ang nararamdaman eh" sabi ni Maze

"Shut up Maze!" Tugon ni Ethan

Napatingin silang lahat kay Asha because she started jumping dahil sa tuwa!

"When? I'm excited Stan!" Masayang sambit ni Asha sa kausap niya sa phone

"Oh really! I can't wait to see you again! Sige, baba mo na tong phone call and do your stuffs! I'm really excited alam mo yon! Sige na bye Stan, I love you!" Dagdag ni Asha

"Ano daw I love you?" Tanong ni Mark at nag shrug lang sila bilang sagot.

Nag hu-hum na lumapit si Asha sa kanila and she even hugged her best friends ng dahil sa saya. Kagaya ng kanina si Ethan pa rin ay parang puno na walang imik habang ang mga kasama niya ay nag e-enjoy. They stayed an hour in Asha's home before going home.

Nagpaalam na sila Maze,Zac, Mark at Ethan. Nauna na rin si Tracy dahil may gagawin pa daw ito sa shop niya at si Miel naman ay nag paiwan pa. Tinanong ni Miel kung ano ang pinag usapan nila ni Stan. Asha is too happy kaya sinabi ni ito kay Miel.

"Uuwi kasi dito si Stan the next day! Finally, makakasama ko ulit siya!" Sambit ni Asha

"Asha may tanong ako. Ano ba kayo ni Marcus?"

"Mag kaibigan" sagot ng dalaga

"Weh? Mag kaibigan nga ba o magka-ibigan?" Tanong ulit ni Miel but Asha didn't answer it sa halip ay nag punta na ito sa kwarto niya at nagpahinga.

"Paano ko kaya natagalan tong best friend kong walang paki alam? Grabe! Iniwan ba naman ako dito" reklamo ni Miel at lumabas na siya ng bahay ni Asha.

-------------------------
Thanks sa pagbabasa 😘
Ayan lalabas na ang isa pang twist sa story na to. Abangan ang susunod na chapter. Merry Christmas ulit!!

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon