Chapter 22 - Anghang

344 13 1
                                    

Third Person's POV

Naisipan ni Asha na kumain na lang sila ni Ethan sa isang turo-turo na kanyang paboritong puntahan. Ang mga tao doon ay malapit sakanya. Sila ang nag aruga sakanya noong pina moved out siya sa bahay nila. Yung bang tinuruan ng aral dahil sa ugali niya. Dati kasi ay sobrang bratinella si Asha. Ang lahat ng gusto niyang bagay ay nakukuha niya. Nabibili niya ang mga bagay na gusto niya sa isang pitik lang ng kamay niya. May time nga na ginamit niya ang private plane nila at nagpunta sa Japan para lamang mag shopping. Ang isang libong piso ay barya lang sa kanya.

Dati rati ay ayaw niyang makihalubilo sa mga so called mahirap, ayun sakanya. Kapag sinasama siya ng mommy niya sa mga medical mission ay nagmamaktol siya. Ayaw niya daw kasi madikitan ng mga may sakit. Isa siyang dakilang bully noong elementary at highschool siya at kasali din siya sa isang underground group. Si Asha ay isang babae na girly mag ayos ng katawan pero boyish ang galaw at ugali. Pati mga lalaki sa school niya dati ay takot sakanya. Madaming kalokohan ang hinawa ni Asha na nagpa highblood sa parents niya kaya naman napag desisyonan nilang bigyan ng aral si Asha. Kinuha nila ang mga gadgets nito, pera at atm cards. Lumabas si Asha sa mansion nila na walang kadala-dala. Ang suot niyang pang mahirap na damit lang ang nakuha niya.

Pinaubaya siya ng pamilya niya sa isang katiwala nila na may ari ng turo-turo na pinuntahan nila ni Ethan. Noong una siyang napadpad sa lugar na iyon ay nag inarte siya pero nagawa naman niyang pakisamahan ang lugar kung nasaan siya. Ibang iba ito sa buhay na kinagisnan niya sa mansion nila. Doon niya naranasan ang mag igib, mag luto sa kalan, kumain ng tuyo, makihalubilo sa mga taong nakakababa sa antas ng buhay niya at maging kaibigan, uminom ng tubig na galing poso, matulog sa matigas na higaan at walang aircon. Sa pag stay niya doon ng halos isang taon ay natutunan niya kung ani ba talaga ang buhay.

Masaya naman pamilya niya dahil maganda ang naging resulta ng spdesisyon nila para kay Asha. Nag aral ang dalaga ng mabuti at nag graduate na Suma Cum Laude sa Yale University. Ang kinuha niya ay Business Administration.

(Okay tapos na ang flashback hehe)

"Magandang hapon po Nay Rosa!" Masiglang sabi ni Asha at bumati rin si Ethan

"Ikaw pala Asha! Magandang hapon rin masaya akong makita ka dito. Hali kayo at umupo na" si Aling Rosa

Umupo sila Asha at Ethan sa paboritong pwesto ni Asha sa kainan nila Aling Rosa. Hindi na tinanong ni aling Rosa kung ano ang order ni Asha at si Ethan na lang dahil alam na niya ang gusto ni Asha. Napag desisyonan naman ni Ethan na yung order na lang rin ni Asha ang sakanya. Habang hinihintay yung pagkain nila ay nag kwentuhan sila.

Hindi na masyadong inaasar ni Ethan ang dalaga kaya naman na we-weirduhan ito. Hindi kasi sanay si Asha na hindi siya inaasar ng binata. Madami kasing ginawang hindi maganda si Ethan kay Asha. Madaming madami!

^________^

Kumain na rin sila kaagad ng ihanda sa kanila ang pagkain. Ito ay isang rice na may topping na mga gulay na pang chapsuey, beef at chicken. Sa loob loob naman ni Ethan ay na we-weirduhan siya sa pagkain. Napapatingin siya kay Asha at nabulangtad siya dahil naka ngiti ito habang kumakain. Hindi niya namalayan na naka titig na naman siya sa dalaga. Napansin naman siya ni Asha at sinabing itigil ang pagtitig sakanya.

Pinagpatuloy niya ang pagkain at nasarapan naman siya. Nag stay muna sila ng kaunti doon at naki pag kwetuhan kay Aling Rosa. Nagpakilala na rin si Ethan at madami silang napag usapan at may isang scene na nagpataas ng balahibo ni Ethan.

"Siya nga pala Asha, si Ethan ba ay nobyo mo?"

Nagulat si Ethan sa tanong ni Aling Rosa. Noong una ay tinanong siya kung girlfriend niya ba si Asha ng pangalawang beses at ngayon naman ay si Asha ang tinatanong. Tumingin siya kay Asha.

"Ah hindi po Nay Rosa hahahahaha" sagot ni Aling Rosa

"Akala ko kasi nobyo mo siya. Ang sabi mo kasi sa akin ay ipapakilala mo sa akin ang una mong boyfriend" pagpapaliwanag ni Aling Rosa

Napaisip naman si Ethan sa sinambit ni Aling Rosa.

'Unang boyfriend? Edi wala pang naging nobyo itong si Abo' sabi ni Ethan sa utak niya at naka pag patayo ng balahibo niya. Kung titignan kasi si Asha ay ang ganda ganda niya at aakalain mo na madami na siyang naging ex pero ang totoo ay hindi pa siya non nakakaranas maski isa.

Pagkatapos ng usapan nila ay nagpaalam na silang dalawa. Nagka paalamanan na sila at nagtungo na sa kotse si Ethan at sa motor naman si Asha. Hindi pa umalis si Ethan at pinanood si Asha na paandarin ang motor niya.

Pinaandar na ni Asha ang motor niya pero hindi ito nag i-start. Pinaandar niya ulit ito sa pangalawang pagkakataon at hindi pa rin ito umandar. Napansin niya na lang na empty tank na pala ang motor niya. Bumalik ito sa loob ng turo-turo at nagpaalam na doon muna ang motor niya at pumayag naman sila Aling Rosa. Hindi pa rin umalis si Ethan at nagtataka siya kung bakit lumuob ulit si Asha sa kinainan nila. Makalipas ang ilang minuto ay lumabas na rin ang dalaga at dumeretso sa gilid ng highway. Mistulang nag aabang ito ng masasakyan kaya naman bumaba si Ethan at lumapit kay Asha.

"Abo! Bakit ka andito eh andoon yung motor mo?" Sabi ni Ethan

"Empty tank eh kaya andito ako" sagot ni Asha
"Sumabay ka na lang sa akin"

"Wag na. Maghihintay na lang ako dito"

"Tignan mo oh, madalang lang ang dumadaan na pampasaherong sasakyan dito oh" baling ni Ethan.

Tumingin naman si Asha sa daan at nahinuhang madalang nga ang pampasaherong sasakyan ang dumadaan doon. Halos wala nga siyang makita eh

"Mag papasundo na lang ako. Sige na Ethanol umuwi ka na"

I- denial ni Asha ang phone number ng druver nila pero out of coverage area ito. Tinawagan niya ang lahat ng makakasundo sa kanya pero ni isa walang sumagot. Puro out of coverage area, busy line, at unattended. Maglalakad na sana siya pero tumakbo palapit sakanya si Ethan.

"Oh, hindi ka pa umaalis?" Tanong ng dalaga

"Oo, sabay ka na lang sa akin" alok ulit ni Ethan

"Ayoko nga. Ayaw kong makisabay sa kaaway ko no. Baka pag tripan mo na naman ako"

"Think Abo. It is better na makisabay ka sa kaaway mo ngayon than  maglakad mag isa dito. Tsaka hindi na kita pag tri-tripan no"

"Oh bakit naman hindi mo na ako pag tri-tripan?" Tanong ni Asha

Madami kasing ginawa si Ethan kay Asha. Maliban sa mga nabanggit na ginawang pan tri-trip ni Ethan kay Asha ay madami pa itong kabaliwan na ginawa. Isa na rito ang pagpapainom sa kanya ng suka instead ng water. Lunch nila noon at nagpakain si Ethan ng fried chicken sa site nila. Iniabutan ni Ethan si Asha ng isa at tinanggap naman niya ito. Ang hindi alam ng dalaga ay isinawsaw ni Ethan yung chicken sa chili sauce hanggang manuot yung anghang sa chicken at binudburan pa niya ng maraming chili powder. Pagka kain ni Asha ay napa takbo ito sa anghang!

Nag si-sigaw siya ng 'tubig! Tubig! Tubig!" At ang lokong si Ethan naman ay iniabot ang isang bote ng tubig at ang laman non ay sukang puti. Hindi na napansin ni Asha ang laman ng binigay ni Ethan at ininom ito! Ibinuga ng dalaga ang nainom niyang suka at tatawa tawa naman si Ethan gayun na rin yung ibang workers na kasabay nila. Nagalitsi Asha kaya naman tinapon niya ang natitirang suka sa damit ni Ethan.

Pag may gagawin nippsi Ethan na hindi maganda kay Asha ay nababalik din sakanya. Aba! Amazona kaya ang kalaban niya. Ang palaging talo sakanilang dalawa ay ang binata.

"Basta sumakay ka na lang" hindi sinagot ni Ethan ang tanong ni Asha

Hindi na nag atubili si Asha at sumakay na siya sa kotse ni Ethan. Sinabi niya ang address nito pero napansin niyang ang dinaanan nila ay hindi papunta sa bahay niya.

"Hoy Ethanol! Saan tayo pupunta ha?!? Hindi dito ang daanan papunta ng bahay ko!"

Hindi siya sinagot ni Ethan at ngumiti lang ang binata.

"Hoy! Hoy! Hoy! Ethanol!!!" Daing ni Asha. Hindi pa rin nagparindi si Ethan at binukasan ang radyo ng kotse niya at nag patuloy pa rin si Asha sa pagsasalita

-----------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

A/N: ayan nakilala niyo na ng unti si Asha at makikilala niyo pa siya as this story go on. Gayun rin si Ethan 😄
Saan kaya sila pupunta?

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon