Chapter 27 - Comfortable

301 12 3
                                    

Sorry guys, ang tagal kong hindi nag update hehe.

At salamat sa paghihintay :)

Asha POV

Galaw dito, galaw doon. Ang dami daming pinapagawa tong Ethanol na 'to. Maski magluto, magpakain sa aso niya, diligan daw ang oh-so-lovely niyang mga halaman, at madami pang ka ek ek kan. Magtatawag sana ako ng maglilinis pero pinigilan niya ako. Bawal daw ang ibang tao na humawak sa mga gamit niya kaya ako ang naglinis ng mala landfill niyang bahay. Ang arte niya grabe.

Boung araw na akong nagiging maid ng lalaking 'to at nakakainis iyon. Uupo lang ako mag re-react na siya at isusumbat na ako ang dahilan kung bakit hindi siya maka kilos kaya naman daw ako yung papalit.

Nakakainis talaga. Nakakainis na nakakainis. Wala pang laman ang food storage niya pati ang ref. Sus maryosep! Gutom na gutom na ako! Maka labas nga para bumili ng makakain.

"Ethanol lalabas na muna ako para bumili ng pagkain kasi naman ang dukha ng may ari ng bahay na to" pag paparinig ko sakanya.

Pipihitin ko na sana yung door knob ng umeksena ang magaling ng senyorito.

"Hep hep hep! Bawal kang lumabas"

Ano naman kaya ang problema ng mokong na to?

"Hoy! Papatayin mo ba ako sa gutom?" Iritang tanong ko.

Magsasalita pa sana siya pero lumabas na ako. Pumunta ako sa convenience store at namili doon ng makakain at aking lulutuin mamaya.

Habang nag dra-drive ay kumakain ako hehe. Hindi ko na talaga mapigilan ang gutom ko. Mantakin mo buong araw kong inayos o should I say ibinalik sa katinuan ang bahay ni Ethanol.

Naka ilang supot ako ng pinamili kaya naman nahirapan ako ng kaunti sa pagpapasok ng mga ito sa loob. Nadatnan ko si senyorito de mokong Ethanol na nakatulog sa sofa.

Nilagay ko yung mga pinamili ko sa kitchen at nag tungo sa kwarto ni Ethanol para kuhanan siya ng kumot. Inilapat ko sakanya yung kumot at nagtungo ulit ako sa kusina para ayusin ang mga pinamili ko. Naisipan kong mag luto na para maka uwi na ako mamaya.

Mag luluto ako ng sinigang na baboy. Prinepare ko na lahat ng kakailanganin ko at nag simula ng magluto. Makalipas ang ilang minuto ay malapit ng itong maluto. (Gie. Rhyming words yun) Napatingin ako kay Ethanol at himbing na himbing pa rin siya sa pagtulog.

Inoff ko na yung burner at pumunta sa sala at kinuha sa bag ko yung phone. Nag browse na muna ako sa facebook at twitter. Naka browse na ako ng matagal at na prepare ko na rin yung pagkain niya pero naka tulog pa rin si señorito.

"Hoy Ethanol gising" sabi ko at inalog alog siya.

"Ethanol, gising" pag uulit ko dahil  tulog na tulog siya. Inalog alog ko siya ng pa ulit-ulit.

"Hmm"

"Aalis na ako. Andito sa table yung pagkain mo then call me if you need me. Bye"

"Wait Asha"

Woah, nakakapanibago! Tinawag niya ako gamit ang aking pangalan.

"Oh? May kailangan ka pa?"

"Hmm, can you stay with me tonight?"

"I have work to take care Ethanol. Tsaka ayos ka naman na except the fact that you can't walk"

"Please? Promise I won't bother you this time"

"Weh? Dati nga eh sinabi mo na hindi mo na ako guguluhin but it turned out na ginawa mo na naman. You can't fool me this time Ethanol, basta if you need help just call me"

"Please Asha, promise hindi kita kukulitin. I just need someone to accompany me right now, hindi ko naman pwedeng tawagan sina manang kasi malayo sila dito"

Ayaw ko pa sanang mag stay but seeing Ethanol na ganyan, I'm convinced. Sana nga ang pag stay ko dito tonight eh hindi ko pagsisihan.

"Fine, I'll stay. May tanong ako. Bakit ba kailangan mong may kasama dito sa bahay mo eh sanay ka naman diba?"

"Yeah, sanay ako mag isa. Pero kailangan kong kasama ngayon kasi hindi ko magagawa ang mga usual kong ginagawa bago matulog. Hmm, Asha pwede bang mag stay ka dito sa bahay ko hanggang sa magaling na tong paa ko?"

"Wait, una sa lahat hindi ako sanay nat tawagin mo ako sa pangalan ko hahahaha and for your favor let me think of it and check out my schedule first"

"Thanks Asha hahaha kung hindi ka sanay I will call you Abo hahahahahaha"

"Better hahahahahaha"

Nagtawanan kami hanggang sa marinig ko ang kumakalam niyang sikmura.

"Oh, sorry for that hahahaha" tawa pa rin niya

"Kumain ka na" sabi ko at nilapit yung plate sa kanya.

"hmm, sinigang na baboy! I've been craving this for weeks" masayang sabi niya

Para siyang batang kumain and I think miss niya talaga ang sinigang na baboy. I'm happy for that.

"You know Abo, ang sarap ng luto mo. You're a great cook!" Sambit niya at naka approve sign pa. Meron pala siyang ganitong side, I thought mahangin siya merong dark personality gaya ng typical boy pero I was wrong. He's a very light-hearted person. Sa simpleng luto ko lang eh ang saya saya niya.

I can see in his eyes that he's very happy and grateful right now. I can feel his sincerity on the way how he acts. Kaya naman ako napapangiti na lang.

"Gusto mo pa?" Tanong ko

"Sure hahahaha, matagal na rin kasi akong hindi nakakain ng madami eh" kinuha ko yung bowl at nilagyan ulit ito.

"Thanks Abo!" Masaya niya ulit na sabi

"Anytime Ethanol" kinuha ko na yung mga pinagkainan niya at nilagay sa lavatory area.

"Have you eaten Abo?"

"Hmmm, hindi pa"

"Tama na muna yan at ika'y kumain"

"Oh, bakit ka tumayo doon, baka mapaano ka dyan. Go back in there manood ka ng tv. Kakain lang ako tapos tatapusin ko lang tong mga hugasin"

"Ayoko doon. Ang boring and besides I'm not fond in watching tv. Mag stay na lang ako dito"

"Okay, sabi mo eh"

Kumuha ako ng pagkain ko at umupo. Napatingin ako kay Ethanol at nakatayo pa lang siya.

"Umupo ka kaya"  sabi ko

"I want to seat but I can't, you know my condition hahahaha" sambit niya at napatingin sa paa niya

"Oh, sorry I forgot" tumayo ako sa pagkaka upo at tinulungan siya.

"Ingat sa pag upo"

"Thanks"

Inumpisahan ko na ang pagkain ko at inumpisahan ko rin ang pagtatanong sa kanya.

"Ethanol, bakit hindi ka kumuha ng taga linis mo dito sa bahay mo? Ang weird"

"Diba sinabi ko na dati"

"Kayanga pero I want a much profound answer"

"Di ko nga rin alam eh, funny is it? Hahahahaha, iba kasi yung feeling ko kapag nahahawakan ng iba yung mga gamit ko eh"

"Yeah, it's funny and weird at the same time. Eh kung ganon bakit mo pinapa hawak sa akin ang mga gamit mo?"

"Hindi lang naman ikaw ang pinapahawak ko sa mga gamit ko eh. My family and best friends can touch and use them. Pinapahawak o pinapagamit ko ang mga gamit ko sa mga taong komportable ako"

"So, komportable ka sa akin?"

"Yeah, I think so hahahahaha" sagot niya habang naka ngiti

-----------------------------------------------
Thanks sa pagbabasa 😘
Sana nagustuhan niyo 'tong late, very late na UD ko 😁😄

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon