Chapter 13 - Inis

378 24 1
                                    

Asha's POV

"Bye Mr. Orence!" Sabi ko na pilit ang ngiti ko. Nakaka inis na mokong, ang kapal ng mukhang mag puna ng pangit dito sa teritoryo ko. Madami namang flaws doon sa OGC hindi ko lang sinasabi. Ang kapal ng mukha ni mokong!

Kating-kati na kanina ang dila ko na sumbatan siya pero pinili ko na lang na manahimik at gawin ang The Art of Deadma.  Mula sa Conference Room hanggang sa lobby, salita ng salita si mokong. Salitang hindi kanais nais sa tenga ko na pakinggan. Ang sarap niyang ihampas sa pader!

Bago ko simulan ang pagbabasa, pag re-review at pag pipirma ng contracts ay tinawagan ko muna ang bestfriend kong pabebe. Si Miel.

"Hoy pabebe" sabi ko

"Wow pabebe talaga! Ang ganda ng greeting mo sa akin besh! Super ganda! Oh bakit napatawag ka?" Sarkastiko na sabi nito.

"Pabebe ka naman talaga. Let's hangout mamaya, libre ko. I'll just message you where we'll meet up"

"Sure Besh! Sabi mo yan ah. Libre mo ako" walang atubiling sabi niya

"Okay bye" tsaka ko inend yung call ko kay Miel. Basta talaga libre hindi umaayaw. Tsk

Hindi ko namalayan ang oras dahil sa dami ng trabaho na natambak sa akin. Natigilan na lang ako nung tumawag ang pabebe kong best friend. Tinapos ko muna ang ibang paperworks bago pumunta sa meeting place namin ni Miel. Past 8:00 na rin kaya wala ng masyadong tao dito sa company. For sure, magbubunganga na naman yun mamaya.

Sumakay na ako sa motor ko at nagtungo sa Starbucks.

Pagkapasok na pagkaoasok ko pa lang ay nakita ko na si Miel na salubong ang kilay. Lumapit ako sakanya ng naka ngiti pero salaubong pa rin ang kilay niya.

"Kanina ka pa?" Tanong ko

"Obvious ba besh! Alam mo bang nabura na ang makeup ko sa katagal kong nag hihintay sayo! Kung hindi ako tumawag siguro, namaga na ang pwet ko sa pagkaka upo!" Sambit niya with nagagalit na pabebeng boses.

-,-

"Sorry, hindi ko kasi namalayan ang oras at imbes na magbunganga ka dyan magdamag, tumayo ka na at papakainin kita" bossy na sabi ko.

"Pasalamat ka gutom na ako" inis pa rin niyang sabi at hindi nawala ang pabebe na boses niya.

Lumabas na kami sa Starbucks

"Asaan yung kotse mo?" Tanong ni Miel

"Wala"

"So anong sasakyan natin? FYI, ayokong mag commute. Baka ma hold up, kidnapped, o ano pa ako dyan" dagdag niya.

"Wag ka ngang praning dyan! Hindi tayo mag co-commute. Sasakay ka sa motor ko"

"Whaaaaaat! Ayoko nga, I don't like. Tignan mo nga tong suot ko oh"

Naka tiptop shirt siya at skater skirt.

"Kung ayaw mo, mag commute ka na lang" sabi ko at pumunta na sa motor ko. I-start ko na sana ng sinabi niyang umangkas na lang siya.

"Bakit ba kasi nag motor ka? May kotse ka naman" sambit niya

"Pina carwash ko eh" binigay ko sakanya yung helmet at kinuha ko naman yung akin. Isusuot ko na sana nang magsalita ulit siya.

"Meron ka pa namang spare na kotse. Nag motor motor ka pa" arte niyang sabi

Kinuha ko yung helmet sakanya.

"Ayokong gamitin yung isa kong kotse ngayon dahil mas feel kong mag motor ngayon at pwede ba Miel wag kang umarte dyan. Kung ayaw mo mag commute ka na lang" sabi ko

"Okay fine hindi na ako mag iinarte" sabi ni Miel at umangkas na sa motor ko.

Ducatti ang motor ko kaya ang cool cool tignan. Hindi yung katulad ng honda, yamaha o kahit na anong brand ng motor sa tabi tabi.

^________^

Sinuot ko na ang helmet ko at gayun na rin si Miel. Mabilis kong pinatakbo ang motor ko kaya agad kaming nakarating sa MOA kung saan kami gagala nitong pabebeng best friend ko. Pinatk ko ang motor ko at inalis na ko na rin ang helmet na suot ko.

"Ang bilis mo namang magpatakbo besh. Mas domible pa ata ang bilis mong magpatakbo kayasa dati. Makalaglag puso!" Si Miel

"Okay, okay Miel. Go on with your non stop talking. So, saan mo gustong kumain?"

"Uhm I want to eat in Sbarro besh"

"Well then, tara na"

Habang papunta sa Sbarro, daldal ng daldal si Miel. Kahit ano ang sinasabi niya sa akin. Mayroong about sa work niya, bahay, friends, fashion, pet, foods, at marami pang iba. Wala rin naman na akong nagawa at nakinig na lamang.

Pagkadating namin sa Sbarro, nag order na kami ng food at nag simulang kumain. Na e-enjoy ko na ang food hanggang sa may nakita akong masamang damo na gumagala at pumasok pa dito. Wrong timing!

Hindi ko siya pinansin at kumain ulit pero nawalan na ako ng gana. Nag iinit ang ulo ko tuwing nakikita ko si mokong!

Si Ethan Orence a.k.a. Mokong lang naman ang masamang damo na nakita ko!

"Hey besh! Salubong ang kilay mo dyan" si Miel

Hindi ko siya pinansin dahil nakita kong papalapit na ang grupo ni mokong sa kinaroroonan namin. Umupo sila sa table na katapat namin. Kainis! Sa dinami dami ng table doon pa sila umupo!

"Hey besh, alam mo kumain ka na dahil baka makain ko na yan"

Hindi ko ulit pinansin si Miel. Kumukulo ang dugo ko! Letse!

"Hoy Miel, tara na"

"Wait hindi pa nga ako tapos kumain eh" angal niya

"Wag mo nang tapusin or else I will not give you a ride at mag co-commute ka" bossy na sabi ko.

Hindi na siya nag hesitate at tumayo na. Makakalayo na sana kami sa table namin ng magsalita ang masamang damo

"Uy si Abo pala to eh!" Sambit niya

Abo? What the heck!

Hindi ko siya pinansin at lumakad pa alis pero naramdaman kong may humawak sa braso ko. Tinignan ko kung sino ito at si mokong ang nadatnan ko. Na feel ko na nagsalubong ang kilay ko.

"What!" Inis na sabi ko

"Come, join us here. Sigurado akong gusto mo rin" mayabang na sabi niya

"No, I'm not interested"

"Sus! May pa I'm not interested, I'm not interested dyan. Alam kong gusto mo rin naman or nahihiya ka sa akin dahil gusto mo ako"

Grabe ang hangin ni mokong! Katumbas ng kahanginan niya sa hangin ng isang super typhoon!

"Ang kapal naman ng mukha mo! Halika na nga Miel, we're just wasting our time here"

Nakalayo na kami sa Sbarro pero kumukulo pa rin ang dugo ko! Kainis na lalaki! Ang sarap talaga niyang ihampas sa pader o anumang matigas na bagay!

"Hoy besh, sino yung pogi na guy kanina? Ang hot niya wew!" Si Miel

"Isang masamang damo"

"Weh?!? Boyfriend mo no?" Chismosa niyang sabi

"Boyfriend mo ang mukha mo!!"

"So boyfriend mo nga. Ayieee si besh luma love life na!" Pang aasar niya.

"Hoy! Wag ka ngang assuming. Hindi ko yon boyfriend! Magpapakamatay na lang ako kapag ganon! Ang hangin sobra, nakakainis!"

Hindi siya naniwala kaya naman pinag patuloy niya ang pang aasar sa akin. Nang marindi na ako, humarap ako sa kanya at tinignan siya ng masamang masama. Tumigil naman na siya dahil alam niyang kapag tumitig ako ng ganon ay hindi totoo ang pinagsasabi at malapit na akong sumabog ng dahil sa inis.

>________<

-------------------------------
Thanks po sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon