Chapter 30 - Sweet Dreams

300 13 1
                                    

Third Person Point of View

Dumeretso si Asha sa kitchen ni Ethan at nilapag niya yung mga pinamili niya sa island table. Habang si Ethan naman ay sumunod at napapangiti siya kasi bamalik si Asha at the same time naguguluhan dahil sa sinabi ni Asha na 'perfect' dahil hindi pa siya kumain.

"Magluluto ako ng dinner. Sit there, tatawagin na lang kita kapag tapos na"

"Ayoko. Maghapon na akong naka hilatag and yet you want me to sit there? Are you kidding?"

"Eh malay ko ba kung anong ginawa mo maghapon" tugon ni Asha

Hindi na nag salita ang dalawa. Abala sa pag prepare ng ingredients si Asha habang si Ethan naman ay pinapanood ang dalaga.

Napapangiti ito habang patuloy na pinapanood si Asha. He can feel his racing heartbeat pati na rin yug kaka-ibang feeling na nadarama niya tuwing malapit sakanya si Asha.

Naguguluhan si Ethan sa sarili niya dahil hindi naman siya ganoon kung maka react kung malapit si Asha. Hindi niya mawari kung kailan nag iba ang pakiramdam niya kaya mas lalo pa siyang naguguluhan.

Dingdong dingdong

Pupunta na sana si Asha para pagbulsan ng pinto yung nag door bell ngunit nag prisenta ang binata na siya na lang.

Katulad ng nakaraang oras, paika ika pa rin sa paglakad ang binata at patuloy sa pag doorbell ang tao sa labas.

"Hoy! Kung sino man yan, kaunting tiis naman!" Sigaw ni Ethan at tumigil yung nag do-doorbell

Pagkabukas niya ng pinto, tawanan ng mga kaibigan niya ang tumbad sa kanya.

"Ayos sa get up bro, pwede ka ng sumali sa catwalk show! Hahahahahahaha" pang aasar ni Maze at nagtawanan sila Zac at Mark.

"Ge tawa pa. Kung pumunta kayo dito sa para asarin ako, umalis na kayo" sambit ni Ethan

"Eto naman, masyadong seryoso. We're here to make you happy bro! Nagdala kami ng foods at manonood tayo ng movie" sabi ni Zac

"Wag na. Wala ako sa mood"

"Wew, ngayon ka lang ata tumanggi sa amin ah at nakakapagtaka hindi mo kami pinapasok ngayon" tugon ni Mark

"B-basta alis na kayo dito. I'll call you kung nasa mood na ako"

"Weh? Hindi kami naniniwala. May tinatago ka no?

"Wala ah!"

Nag pangiwi-ngiwi ang tatlo at saka ngumisi kay Ethan.

"Bro, alam mo kabisado ka na namin eh. Kung sasagot ka ng mabilis at nakataas ang boses, may kung ano ang mayroon sayo" pang huhuli ni Maze

"Spill it up bro para naman kaming iba sayo"

"Basta. Umalis na kayo" pagtataboy ni Ethan

"Not so fast boy hahahahaha" sambit nilang tatlo

Nakapasok sila sa bahay ni Ethan at prenteng umupo sa couch. Nag masid masid sila sa bahay at sila'y nagtaka. Tinanong nila kung anong bago sa bahay ni Ethan. Feeling kasi nila nag iba. Hindi sila sinagot ng binata at naki upo na rin.

Patuloy pa rin sila sa pag distinguish ng tinawag na ni Asha si Ethan.

"Aha! Sabi na nga ba eh! May tinaago ka"

"Who's the girl bro?" Tanong ni Mark

Hindi ulit sumagot si Ethan at nagbigay ng sign na doon lamang sila. Naglakad ng paika ika si Ethan papunta sa dining room at ang mga lokong kaibigan naman niya ay sumunod.

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon