Chapter 7 - Stay

454 33 3
                                    

Chapter 7

Asha's POV

Buhay naman talaga oh! What a life!

Makikita ko na naman ang walang modong lalaki na yun. Ayaw ko sanang pumayag na ituloy ang project with OGC pero wala akong magagawa. Tatay ko na ang nagsabi eh.

"Bebang!" Tawag ko sakanya. Siguro nagtataka kayo kung bakit si Bebang ang palagi kong tinatawag. Siya lang naman kasi ang 'Head ng mga maids ko'. Taray ni Bebang no! Hahahaha!

"Miss ano po ang ipag uutos niyo?"

"Sabihin mo kay Mang Kanor o kay Mang Pedro na ihanda yung kotse at pupinta kami ng OGC"

"Got it Miss!" Waah grabe nag english si Bebang. Iba na talaga ang impluwensya ko sakanya! Mga 5 years na siyang naninilbihan sa akin at 10 years sa family namin.

Makalipas ang kalahating oras naka ready na ang lahat at nagpunta na ako sa OGC. Pagkarating namin doon as usual may mga staffs na nag abang sa akin at bumati at ang kaiba lang ay andon si asungot. Sino pa ba? Wala ng iba kundi ang lalaking walang modo. Si Pitan? Si Mitan? Athan? Ah, Ethan pala.

Nang tumingin ako sakanya ay saktong napatingin naman siya sa akin. Tinaasan ko siya ng kilay at siya naman ngumiti. Ngiting may masamang balak. Nakakainis talaga ang pag mumukha niya! Mukhang ewan!

Imbes na pumunta sa conference room dumeretso kami sa office niya. Maayos naman ang office niya pero mas maayos ang sa akin. Walang nagsasalita sa amin hanggang binasag ko ang katahimikan.

"So where's your proposal para mapirmahan na?" Mataray kong sabi

Hindi siya nag respond sa akin kaya inulit ko yung tanong ko. Hindi pa rin siya umimik kaya inulit ko yung tanong but this time pasigaw na. Marunong pa lang hindi umimik ang lalaki na ito. Ano kayang sumasapi sa katawan niya at hindi siya ngayon naimik?

Hindi pa rin siya naimik kaya naisipan kong umalis na. Huhugutin ko na sana yung door knob ng magsalita siya.

"Wait! Please tulungan mo ako!" Napatingin ako sakanya at nakita kong hawak niya ang ulo niya. Hindi naman gaano kasama kaya nilapitan ko siya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ko

"Please tulungan mo ako. Ang sakit ng ulo And I think na hindi ko kayang ma discuss sayo ang contract" mahina niyang sabi

"So ano ang gagawin ko?"

"Can you drive me home?"

Hindi na ako nag hesitate na ipag drive siya sa bahay niya. Wala namang mawawala eh at kahit na naiinis ako sakanya kailangan ko siyang tulungan. Aral kasi ng parents ko na kahit kaaway mo dapat mong tulungan. Inakay ko siya hanggang parking lot, ang bigat niya pero in all fairness ang laki ng muscle niya. Tapos nung hinawakan ko yung bewang niya kanina para ipatayo siya naramdaman ko lang naman ang abs niya. Ang tigas! I wonder kung ano yung itsura niya kapag labas ang abs niya? Oh nagsasabi lang ako ng tama ah. Observant kasi ako. Wag kayong mag isip ng iba dyan. Hahahahaha!

Isasakay ko na sana siya sa kotse ko at magpapahatid na lang sa druver ko pero sinabi niya na i drive ko na lang ang kotse niya. Pinasok ko siya sa kotse niya at nilagyan siya ng seatbelt.

"Saan ba bahay mo?"

""

Malayo layo rin ang drinive ko hanggang makarating sa bahay niya. Isa itong Modern- styled glass house. Malaki siya at may malawak na garden. Inakay ko pa rin siya hanggang sa front door. Hindi susi ang ginamit niya para mabuksan ito. May nilagay siyang passcode at nilagay niya rin yung thumb niya sa detector.

"Naihatid na kita dito kaya makaka alis na ako. Bye"

"No! Wag ka na munang umalis please. Wala akong kasama dito kaya walang mag aalaga sa akin. Masakit pa kasi ang ulo ko. Ouch!" Sabi niya sabay hawak sa ulo niya.

Ano kaya ang meron sa lalaking to? Ang arte. Inihatid ko na nga, sinabi pa niyang mag stay ako at alagaan? Ano ako babysitter!! Hindi ako sumagot sakanya.

"Please Maurine..."

Aba! Tinawag pa akong Maurine. Wala ngang tumatawag sa aking ganon except sa family at minsan ang bestfreind kong si Miel. Akala mo close kami. Tsk!

"Hoy lalake! Una, wag mo akong tawaging Maurine. Hindi tayo close! Pangalawa, hindi ako babysitter para alagaan ka! Pangatlo, kung masakit yang ulo mo bakit hindi ka pumunta sa ospital? At pang huli, wala ka bang pamilya na mag aalaga sayo? Hindi tayo friends para alagaan kita at kung magkaibigan tayo hindi pa rin kita aalagaan!" Mahaba kong sabi.

Napalingon ako sakanya dahil hindi siya nag re-react sa sinabi ko at nakita ko siyang nakahandusay sa floor.

"Oh my! What I gonna do?!?!" Natataranta kong sabi habang chineck siya. Tae naman nito oh! Wala akong choice kung hindi akayin ulit siya hanggang sa loob ng bahay niya. Pagkadating namin sa loob, tumambad ang napaka duming paligid! Ang dumi dumi dumi!! Paano kaya siya nabubuhay sa filthy house na ito?

Pinunta ko siya sa sofa at aalis na sana ako pero sinabi niyang mag stay ako para tignan siya. Wala na akong nagawa dahil nag soften ang puso ko. Pagdating kasi sa pagtulong hindi ako nandadamot.

"Okay, I'll stay" sabi ko

-----------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon