Chapter 16 - Kakayanin ko kaya ito?

335 18 2
                                    

Asha's POV

Gutom na gutom na ako. Late akong nagising kaya hindi ako nakapag breakfast dahil dumeretso kaagad ako sa Construction Site. Madami kaming inasikaso doon at past 1 na noong matapos. Kumakalam na ang sikmura ko. Gutom na gutom na ako masyado kaya hindi na ako nag alinlangan noong yayain ako ni Ethanol na kumain.

Kukunin ko pa sana yung motor ko pero sabi niya ay babalikan na lang namin mamaya. Tahimik lang kami sa buong byahe. Nakakapanibago dahil hindi siya nang aasar. Siguro gutom na rin ito.

"Andito na tayo" sabi niya

Tinignan ko ang paligid at nakitang nasa harap kami ng isang Japanese Restaurant. Bumaba na kami sa kotse niya at pumasok sa loob ng restaurant.

"Konnichiwa!!" Masiglang bati ng receptionist ng restaurant. Ngumiti naman ako sakanya tsaka ko sinundan si Ethanol.

Pumwesto kami sa tabi ng bintana. Ilang minuto rin ang lumipas at dumating ang isang babae na ang patiwari ko ay nasa 40 ang edad.

"Moshi moshi Ethan-sama!" Sabi ng babae kay Ethanol.

"Genkideshita ka? Sore wa koko de futatabi oaidekiteureshidesu!" Dagdag nito. Ano kayang pinagsasabi nito? Di ko maintindihan.

*Translation: How have you been? It's nice to see you again in here*

"Watashi wa itsumo Sawako-san daijobudesu. Watashitachicha chushoku no tame kaiseki setto o motsu koto ga dekimasu shite kudasai" tugon ni Etha. Hindi ko pa rin maintindihan

-__________________-

*Translation: I'm always okay Sawako-san. Can we have Kaiseki set for our lunch please*

Tinignan ko lang silang dalawang nag uusap at napatingin naman sa akin yung babae at ngumiti naman ako sakanya.

"Kore wa anata no garufurendodesu ka? Kanojo wa utsukushidesu!" Baling niya sa akin habang nakatingin kay Ethanol.

*Translation: Is she your girlfriend? She's beautiful*

Bwisit! Hindi ko talaga maintindihan. Ano naman kaya ang pinagsasabi nito? Tsk

"Masaka! Kanojo wa utsukushide wa arimasen!" Pataas na boses na sambit ni Ethan.

*Translation: No! She's not beautiful!*

"Okay, okay. Akala ko kasi... Hahahaha" natatawang sabi ng babae at bumaling ulit sa akin

"Anong pangalan mo ganda?" Tanong niya sa akin. Nag tatagalog naman pala ito eh! Sana nagtagalog na lang sila kanina para maintindihan ko. Tsk

"Asha po" sagot ko

"Nice name. Sige, hintayin niyo na lang ang lunch niyo" sabi niya at tumango naman ako. Si Ethan naman ay nakabusangot. Bakit kaya ito naka busangot?

"Hoy!" Tawag ko kay Ethanol pero hindi siya namansin kaya tumingin na lang ako sa labas.

Pagkaraan ng ilang minuto ay inihanda na rin sa amin ang inorder ni Ethan. Hindi ko alam kung anong pangalan ng mga pagkaing nasa harap. Madami ito at mukhang masarap! Nagsimula ng kumain si Ethan gamit ang chopsticks at ako naman ay hindi pa dahil hindi ko alam gamitin ang chopsticks. Iginala ko ang paningin ko at nakitang may spoon at fork kaya naman kinuha ko ito. Magsisimula na sana akong kumain ng magsalita si Ethanol"

"Bayaran mo mamaya yang kakainin mo"

"Oo naman!" Mabilis na sagot ko. Susubo na sana ako ng mapansing wala yung purse ko. Letsugas! Naiwan ko pala yung purse ko sa motor ko at ang resulta ay wala akong pera na dala! Paano ko'to mababayaram? Kumakalam na masyado ang sikmura ko.

TT____________________TT

Tuloy tuloy lang ang pagkain ni Ethan. Ako naman ay napapatingin na lang sa labas para ma divert ko ang atensyon ko. Habang tinitignan ko kasi yung mga pagkain parang sinasabi nila kainin ko na sila. Gusto kong kumain pero wala akong pera! Huhuhuhu

"Hoy Abo! Kain ka na kung hindi kakainin ko na yan" turo ni Ethan sa pagkain ko. Nahihiya akong sabihin pero no choice ako.

"W-wala kasi akong dalang p-pera" mahinang usal ko.

"Edi mag hugas ka na lang ng mga pinggan dito bilang bayad hahahahahaha" letse tong lalaki na to. Tinawanan pa ako! Inisip ko ang sinabi niya na maghuhugas ako ng pinggan bilang bayad. Hindi sa ayaw kong maghugas pero kasi parang nakakahiya. Nakakahiya dahil kakain-kain ako dito at wala naman pala akong pera. Hindi ko na mapigilan ang gutom ko kaya kumain na ako. Kahit maghugas ako ng tambak na plato ayos lang.

Unang subo ko pa lang ay nasarapan na ako. Sobra! Ang sarap sarap!

^__________________^

"Wash Room lang ako" sabi ni Ethan at ako naman ay tumango na lang dahil abala ako sa pagkain. Gutom na gutom na gutom kasi ako. Hehehehe

Natapos na akong kumain pero hindi pa rin bumabalik sa Ethan. Hinintay ko siya pero wala pa rin. Pumunta ako sa babae kanina na nag entertain sa amin at tinanong kung nasaan si Ethan at ang sabi niya ay hindi niya daw alam. Nasan na kaya yung lalaking 'yon! Uutang na lang sana ako sakanya eh paramay pambayad ako at ngayon wala siya. Kainis!

No choice maghuhugas ako

TTT________________TTT

"Uhm, Miss n-nakakahiya naman pong s-sabihin pero k-kasi po ay w-wala akong perang p-pambayad m-mag huhugas na lang po a-ako" mahinang sabi ko

"Sige, sige punta ka na lang sa kusina at umpisahan mong hugasan lahat ng pinagkainan at pinag lutuan" natatawang sabi ng babae.

Shet! Nakakahiya! Tinawan pa ako ni Manang waiter. Nagtungo na ako sa kusina at tumambad ang napakaraming hugasin!

Oh my! Kakayanin ko kaya lahat 'to?

----------------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon