Chapter 10 - No Choice

322 31 2
                                    

Chapter 10

Asha's POV

Nagising ako dahil sa ingay na narinig ko at dahil sa naramdaman kong may humahaplos sa ulo ko. Pagkadilat ng mata ko, nakita ko si Daddy na naka upo habang si Mommy naman ang siyang humahaplos sa ulo ko. Iginala ko ang paningin ko at sure akong hindi ito ang kwarto ko.

"Hon! Si Asha gising na!" Malakas na sabi ni Mommy

Tumayo naman si Dad at lumapit sa akin. Kinamusta ako ng parents ko at sinagot ko naman sila na okay na ako. Andito pala ako sa ospital at sinabi nila na nag trigger ang heart disease ko dahil sa pagod.

"Bakit ka kasi nagpagod? Alam mo namang bawal sayo?!?" Si Mommy

Hindi ko siya sinagot dahil maiinis lang ako masyado. Maiinis ako dahil sa pinagawa sa akin ng MOKONG na yun! May araw lang talaga siya sa akin, makikita niya.

"Ano? Hindi ka sasagot!" Lakas na sabi ni mommy. Nakakatakot ang tono ng pagsasalita niya. Para siyang Dragona!

"Hon, wag mo ng kulitin. Ang mahalaga okay na siya" si Daddy

Hayss. Buti na lang talaga andito si dad dahil kung hindi kukulitin ako ni mom na sabihin sa kanya. I love you dad! Hehehe

Pinakain muna nila ako tsaka ako pina inom ng gamot ng nurse. Hindi masarap yung pagkain. Lasang gamot! Gusto ko ng umuwi ang pangit pangit dito. Tch.

"Dad, Mom. Kailan po ako uuwi?"

"Your doctor said that you can go home tomorrow basta wag kang magpagod" si daddy

Ano ba naman yan! Akala ko uuwi na ako hindi pa pala. Ayaw ko na dito, ang pangit ng environment. Sinabi ko dati sa sariliko na hindi na ako babalik dito sa ospital para i confine pero wala na ang goal ko na yun! Kasalanan to ni MOKONG!

"Daddy, can I talk to you?"

"Sure Princess"

"Daddy ayaw ko na pong ituloy ang project between OGC and NM Corporations. I want that project be terminated"

"Bakit Anak?"

"I'm not interested na Daddy and besides madami pang pending offers sa company ko na mas malaki kaysa sa OGC"

"I'm sorry to say this Princess but you can't do that. We cannot do that because it can affect our business and personal relationship between OGC at masasayang lang ang pera na inilabas natin for this project"

"But dad!"

"No buts Princess. Bakit ba hindi ka na interesado? As I remember you are very eager to handle this project"

"Okay sasabihin ko na kung bakit ayaw ko na yung project na yun. I don't want to continue that project because I don't like the person who's incharge in it. He's so annoying at masyado siyang nagmamagaling!"

"Si Naethan?"

Tumango ako. Ramdam ko ang pagsasalubong ng kilay ko at kunting kunti na lang sasabog na ako sa sobrang inis! Wala sana ako sa ospital na to kung hindi ko siya tinulungan! Bawas bawasan ko na nga ang pagiging matulungin! Kainis!

Tok tok tok tok

Binuksan ni Bebang ang pintuan at nakita ko ang isang lalaki na mukhang ka edad ni daddy.

"Good Morning Henry and Tina" bati nito

"Good Morning Jay" sabay na bati nila daddy and mommy

Sino naman kaya to?

"Hello Iha. Are you okay now?" Tanong niya sa akin

Tumango ako at nag smile sakanya. Hindi ko siya sinagot in words dahil ugali ko na kapag hindi ko kilala ang isang tao hindi ako magsasalita.

"Princess, he's Chairman Jay Orence of OGC. Daddy siya ni Naethan"

"Ang laki mo na ah. Lumaki kang napakagandang dalaga. It's been a decade na hindi ka namin nakita" sabi niya sa akin

Kilala niya ako? Bakit niya sinabing ang laki ko na? Kung kilala niya ako, bakit hindi ko siya maalala?

Ngumiti ulit ako sakanya at tsaka sila nag usap-usap nila dad and mom. At noong OGC at NM Corporations na ang pinag uusapan nila, isinali na nila ako doon. Sasabihin ko sanang i terminate na yun pero habang tinitignan silang tatlo ang saya saya nilang pinag uusapan ang plans kapag naitayo na ang project na yun.

No choice.

Tatapusin ko ang project between OGC at NM Corporations

-----------------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘
Sorry guys short UD's lang muna. Busy busy eh.

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon