Chapter 17 - Excited

328 17 2
                                    

Ethan's POV

Hindi ko mapigilan ang tawa ko habang pinapanood si Abo na kausapin si Sawako-san. Hiyang hiya yung mukha niya. Sinabihan ko si Sawako-san na kapag tanungin ni Abo kung nasaan ako. Nalaman kong wala siyang dalang pera kaya naman naka isip ako ng pang inis sakanya.

^____________^

Kapag nakikita kong naiinis si Abo ay napapangiti ako at napapasaya. Ang ganda niyang asarin. Nakakatuwa yung mukha niya kapag ganoon dahil pumupula ng masyado ang maputing mukha niya at nagsasalubong ang kilay niya. Basta nakakatuwa siyang maasar.

Kinontsaba ko si Sawako-san na kung sasabihin Abo na wala siyang pera ay sabihing maghugas siya ng mga pinagkainan at pinaglutuan. At kung may nahugasan na si Abo ay papatigilin niya at sasabihing wag ng gawin iyon dahil nabayaran ko na ang kinain namin.

Ang saya ng naisip ko diba? Sigurado magbubunganga na naman sa akin mamaya tong si Abo. Hahahahahaha

Pinanood ko lang siyang maghugas at ng nakakarami na siya ay binigyan ko ng signal si Sawako-san. Lumapit si Sawako-san kay Abo at nagsimula ng magsalita. Nang makita kong tapos ng magsalita si Sawako-san san ay napatingin naman ako kay Abo. At expected! Namula ang mukha niya at nagsalubong ang dalawang kilay niya!

Nagpakita na ako sakanya at sumugod naman siya sa akin. Hahahahahahaha nakakatawa talaga yung mukha niya. PRICELESS!!

"Hello Abo! Kamusta ang paghuhugas? Masaya ba?" Pang aasar ko sakanya

"Oo napaka saya nga eh! Gusto mo ikaw rin?!?!" Sarkastiko niyang tugon at ibinato sa akin yung gloves na gamit kapag naghuhugas pero malas niya dahil nailagan ko yun.

"Hoy! Kung balak mong asarin ako ngayon pwes makikita mo ang ganti ko sayo. Masama akong gumanti!" Malakas na sabi niya tsaka nag walk out.

Hahahahahahaha pa walk out walk out wala naman siyang dalang sasakyan at wala rin siyang dalang pera at ang bagsak niya ay makiki sakay siya sa akin. Nag pasalamat muna ako kay Sawako-san at lumabas na. Naabutan kong naglalakad palayo si Abo.

"Hoy Abo!" Sigaw ko sakanya pero hindi siya nalingon. Tinignan ko lang siyang naglalakad palayo at biglang tumakbo siya.

Ano naman kaya ang nasa utak nitong babaeng to at nagtatakbi sa lugar na ito at hindi naman doon ang daan papunta sa kanila. Mabilis akong tumakbo para abutan siya at swerte dahil naabutan ko siya.

"Hoy Abo ano bang ikina takbo-takbo mo dito?" Tanong ko sakanya habang tumatakbo pa rin.

Hindi niya ako sinagot at mas binilisan niya ang takbo. Tsk! Ano naman kaya ang kabaliwan ng babaeng ito? Sinundan ko pa rin siya at sumuot siya sa isang eskinita. Pagkadating ko doon ay nabulangtad ako sa nakita ko. Si Abo ay sinusuntok niya yung lalaki at ng natumba na ang lalaki ay kinuha niya ang isang bag mula rito. Wala naman siyang dala. Kanino yung bag? Aalis na sana ako ng may marinig akong mga yapak. Napatingin ako sa kinaroroonan ni Abo at Wow! May mga lalaking mukhang adik ang lumalapit sakanya. Hindi muna ako lumapit at pinagmasdan muna sila.

"Mahusay Rine! Mahusay!" Sabi ng isang lalaki na mukhang leader ng mga ungas na kasama niya.

Rine? Sinong Rine? Don't tell me si Abo iyon

"Wala ka pa ring pinagbago at parang mas lumakas ka pa" dagdag nung lalaki

"Ano bang kailangan niyo?" Angas na sabi ni Abo. Magka kilala kaya sila? At kung magka kilala sila, paano sila nagka kilala? Mukhang gangster yung mga lalaki na naka alibot kay Abo.

Hindi ko narinig yung sinagot ng mukhang adik na lalaki dahil sa dumaan na motor.

"Tsk. You're just wasting my time. Sige alis na ako" mayabang na usal ni Abo at tumabi naman yung mga ungas at nag bow pa ang mga ito kay Abo! Bakit sila nag bow? Kaano ano nila si Abo? Bakit ganon ang kinilos nila?

Gusto kong malaman kung bakit kaya naman ng ma check kong wala na yung mga lalaki ay mabilis akong nagpunta sa kinaroroonan ni Abo.

"Abo!" Sigaw ko pero hindi siya lumingon

"Asha!" Sigaw ko ulit at lumingon naman siya. Lumapit ako sakanya.

"Sino yung mga yun? Kilala mo? Bakit sila nag bow sayo?" Mabilis na tanong ko

"None of your business" tipid nitong at pinara ang taxi

Akala ko bang walang pera tong dala? Sumakay siya sa taxi at nang aalis na sana ito ay pinigilan ko.

"Akala ko ba wala kang pera?" Tanong ko sakanya

Hindi siya sumagot at pinakita sa akin ang 500 peso bill at sinenyasan niya yung taxi driver na pumayo na. Naiwan ako doon at mag isang nag lakad papunta sa kotse ko. Habang naglalakad ay nag fla-flashback ang nakita ko kanina. Ang malakas na pagsuntok ni Abo na para bang wala ng bukas, yung ma angas na pagsagot niya sa lalaking mukhang adik na mukhang gangster at yung pag bow ng mga lalaking nakapalibot sakanya.

Hindi ko mapigilan ang curiosity ko. Ang weird lang kasi. Si Abo ay napaka girly tignan pwera na lang kung parang panlalaking outfit ang suot niya at yung mga lalaki ay mukhang gangster. Babaeng babae tignan si Abo kaya naman hindi ko maisip na kasali siya sa mga lalaking iyon at may part naman sa utak ko na nagsasabing baka myembro si Abo sa kanila.

Pumasok na ako sa kotse ko at nag iisip pa rin ng mag ring ang phone ko. Tinignan ko ito at si Maze ang tumatawag.

"Oh?" Panimula ko

"Bro punta ka dito sa pad. Mag ce-celebrate tayo" masigla niyang sabi

"Sige sige, papunta na ako"

"Okay, bye!"

Cinonnect ko yung phone ko sa radyo ko at nagpatugtog. Nag simula na akong mag drive papunta sa pad namin. Ano kayang i ce-celebrate namin? Sumasagi pa rin sa isip ko yung mga nasaksihan ko kanina pero pinili kong wag nang isipin yun. Dahil kung sino o ano man talaga si Abo ay wala na akong paki alam doon.

Ang paki alam ko lang ay ako ang Dakilang taga asar niya. Inisip ko yung mukha niya kaninang sumugod siya sa akin galing sa hugasan. Nakakatawa talaga at gusto ko pa siyang asarin. Maka pag isip nga ng pang aasar ko sakanya bukas. Hehehehe

Excited na ako!

-----------------------------------
Thanks po sa pagbabasa 😘

A/N: Short update lang po ito pero sana nagustuhan niyo. Abangan po yung mga twist dito sa story. Salamat!

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon