Chapter 25 - Ngiti

302 12 0
                                    

Ethan's POV

Pauwi na ako galing sa Mall ng tumawag si Mark. Nagyaya daw si Maze na kumain. Hindi sana ako pupunta ngunit naisip ko na masama mag tampo si Maze kaya napilitan akong magtungo roon. May kalayuan rin yung restaurant kaya nag soundtrip na muna ako.

Pagkarating ko roon ay nakita ko kaagad sina Mark, Maze at Zac kaya naman binilisan kong i-park yung kotse ko. Ano naman kaya ang trip ngayon ni Maze at naisipan niyang manlibre? Pumasok na ako sa loob at nakita naman nila ako ay sinenyasang bilisan ko. Sa hindi ko inaasahang pagkakataon ay nakita ko si 'maalat na itlog slash abo' este si Asha kasama ang dalawang babae na patiwari ko ay kaibigan niya. Napa isip ako at lumapit sakanila.

"Woi! Hindi ko akalain na magkikita pa pala tayo dito! Hahahahahaha! Hi maalat na itlog!" Mapang asar na bati ko sakanya at kita ko ang pagkunot ng nok niya. Hahahahaha nakakatuwa! Ang bilis niyang maasar yeah! Makalipas ang ilang segundo ay akala ko eh susumbatan niya ako pero hindi. Itinuon niya lang yung tingin niya sa kinakain niya. Kayanaman mas lumapit ako at bahagyang yumuko. Ginawa ko yun para ma distract siya. Yun bang ma co-conscious siya. Patuloy pa rin siya sa pagkain at ako naman ay nilapit ko yung mukha ko. Nakaka inis naman 'to ang tagal ma conscious! Matagal ding ganon ang pwesto ko hanggang sa iniangat niya ang mukha niya.

*blink blink blink blink*

Kumurap kurap ako. Masyadong malapit ang mga mukha namin sa isa't. Malapit na malapit sa isa't isa ang labi namin at isang maling move ko lang ay mahahalikan ko siya! Napatingin ako sa labi niya at napalunok ako dahil pulang pula ito. Naka ka-attract. Inilipat ko naman yung tingin ko sa mata niya at naramdaman ko na naman yung pagbilis ng tibok ng puso ko. Ang amo ng mata niya at mistula itong tala sa langit.

Ganoon pa rin yung posisyon namin at tinitigan ko lang siya. Para bang magnet yung mata niya na humihigop sa mata ko para titigan pa ito. Mas bumibilis yung pagkabog ng dibdib ko dahil masinsinang nakipag titigan siya sa akin. Hindi ko alam kung gaano katagal yung pagtititigan namin, iniwas ko na yung tigun ko sakanya dahil para akong natutunaw. Para akong yelo na natutunaw ng dahil sa titig niya.

Mabilis ako pumunta sa table namin at winelcome naman ako ni Maze ng kanyang mga pang aasar. Malapit lang kasi yung spot nila sa amin kaya kitang kita nila yung ginawa ko kanina.

"Wala ka pala bro e! Talo ka sa pagtitig niya! Hahahahaha" daldal ni Maze

"Cute scene bro" usal naman ni Zac

"Is Miss Beautiful's eyes are mesmerizing? I wanna look at it too" sabi ni Mark

Hindi ko sila pinansin at kumain na lang ako. Patuloy lang sila sa pang aasar

"What is the reason why you called us out of a sudden Maze? Tanong ko

"Wushu pinapalitan ang topic. Pero sorry na lang pre walang effect hahahahaha" sagot niya

"Hindi nga kasi. I just want to know why. Bakit hindi ba pwede?"

"Well I have no reasons hahahaha. Feel ko lang man libre"

Nag kwento-kwentuhan lang kami habang kumakain. Napapatingin ako kina Abo at para bang nag ple-play yung scene kanina. Tumayo na sila at nawari kong aalis na sila kaya naman may naisip ulit ako. Tumayo ako sa table namin.

"Bro san ka pupunta?" Tanong nila sa akin pero hindi ko na sila sinagot.

Nagtungo ako sa pwesto nila at sinimulang asarin si Abo. As usual kumunot yung noo niya pero hindi siya gumanti. Bakit kaya? Inasar asar ko siya up to the point na ipinag kalandakan ko na doon yung mga asar ko. Hahahaha! Yung mga tao ay napapa hagikhik sa mga sinasabi pati na rin yung mga kasama niya. Siya naman ay poker face. Itinigil ko na yung pang aasar at umalis na rin sila.

Bumalik na ako sa table namin at sinalubong ulit nola ako ng pagka rami-raming tanong. Para dilang mga reporters sa pagtatanong.

"Ano naman ang naisip mo at ganon ang ginawa mo Ethan? Hahahaha alam mo ba nakakatawa kang tignan kanina para kang baliw!" Sabi ni Maze at nag second the motion naman sina Mark at Zac habang tumatawa.

Hindi ko nga rin alam kung bakit eh. Basta pagkakita ko sakanya kanina eh pumasok kaagad sa utak ko na gusto ko siya, na gusto ko siyang ASARIN.

"Are you falling in love with her dahilnag papa pansin ka sakanya?" Dagdag niya

"Hahahaha anong fallig in love dyan? Hahahaha tae ka ba pare. I'm not and it will not happen. Basta gusto ko lang na inaasar siya" tugon ko

Ipinagpatuloy ko ang pagkain ko pero sila ay nakatingin sa akin.

"What?" Sabi ko sakanila

"You're smiling bro. You're smiling kahit wala namang dapat ika smile. Dati eh ang hirap mong mapangiti, kahit nakaka ngiti ang isang bagay at ngayon naman e wala namang nakakatawa ngumingiti ka" sambit ni Zac

"Bakit masama na bang ngumiti? Hahahaha, kumain na nga lang kayo dyan"

"Is she the reason why you're smiling that way? hahahaha" tanong ni Mark.

Hindi ko siya sinagot at ipinagpatuloy ang pagkain ko. Napapa isip ako sa mga kalagayang inaaasar ko si Abo kaya naman napapangiti ako. Ewan ko ba kung bakit. Hindi naman ako sanay ngumiti dati araw-araw pero nahuhuli ko ang sarili ko na nakangiti habang iniisip siya.

---------------------------

Thanks sa pagbabasa 😘

Complete the Incomplete [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon