ZAIA'S POVKanina pa kinakabahan at hindi mapakali si ZAIA. Tatlong araw na kasi ang lumipas pero wala pa syang tawag na natatanggap mula sa HR Department ng Arguelles Hospital at sa isang hospital na pinag-applyan nya. Nag sinungaling pa naman sya sa kanyang Dad na natanggap na sya at mag sisimula ng magtrabaho. Di pa sya siguro nakaschedule for interview. Ilang minuto na syang palakad-lakad sa terrace ng kanyang kwarto habang hawak ang cellphone nya. Pag nalaman kasi ng Dad nya na nag sinungaling sya ay baka hindi na ito papayag na tuluyan sang mag trabaho sa Arguelles Hospital at ipilit na lang ang gusto na sa Hospital sya ng kaibigan ni Mommy nya mag tatrabaho.
Pikit mata na tumawag sya kay Deziree. Ayaw nya talaga humihingi ng pabor sa mga tao pero wala na syang choice kundi ang tawagan si Deziree. Nakakahiya lang dahil kakakilala pa lang nya kay Deziree at baka iisipin nito na pinagsasamantalaha nya ang kabaitan sa kanya.
Ilang ring na pero walang sumasagot. Pinatay na lang ni Zaia ang tawag at pabagsak na humiga sa kanyang kama.
"Haist! Nakakahiya baka busy si Ate Deziree."
Di kasi nya sinasagot ang tawag ko. Ilang minuto pa lang ako nakahiga sa kwarto ng tumunog ang cellphone ko.
Unknown number ang tumatawag.
Sino kaya to? Mabilis ko na sinagot. Baka kasi staff nang Hospital ito.
"Hello?"
"Zanaya."
Si Caleb ba to? Bakit nya kaya alam ang buo ko na pangalan?
"Caleb, ikaw ba to?"
"I'm glad that you recognized my voice. By the way, Deziree texted me di nya masagot ang tawag mo. She is in the middle of meeting right now."
"Ah g-anon ba. Nakakahiya at naisturbo ko pa yata si Ate Deziree."
Paano na? mukhang busy si Ate Deziree ngaun. Nakakahiya at naisturbo ko pa pati itong si Caleb.
"What's the problem?"
"Uhm. . A-no kasi—"
Sasabihin ko ba sa kanya? Kung bakit naman kasi nag sinungaling ako kay Dad. Binigyan ko lang ng problema ang sarili ko ngaun. Mabilis ako na bumalik sa terrace para walang makakarinig sakin.
"Zaia? Is there a problem?"
"Ahm! May favor lang sana ako na hihinginin kay Ate Deziree. Mukhang busy sya."
"Zanaya baby!"
Nakuh si Dad! Dinig ko ang yabag nya papasok sa kwarto.
"Dad I'm here at the terrace!" sigaw ko.
"Your Mom is so excited for you to work in Arguelles Hospital."anya habang papalapit sa terrace.
"Ah, ganon ba D-ad!" sagot ko ng makalapit si Dad sa akin. Inakay nya ako maupo sa sofa na nasa terrace.
"By the way baby, I need to go in Manila. 2 weeks ako don. Take good care of your Mom okay? Papupuntahin ko dito si Manolo para bantayan kayo."
"For business again?"tumango sya sakin "O-kay Dad don't worry I will take good care of Mommy!"
Honesty, wala akong idea sa business ng mga magulang ko. Sa tuwing mag tatanong ako ang sagot lang nila ay nasa Manila and abroad ang business nila.
"Thank you baby. You know how much I love you both. Take care also baby. Gusto ko sana e pahatid sundo kita kay Manoloi kapag nag umpisa kana mag trabaho sa Hospital but then I change my mind. I know you hate it."
YOU ARE READING
The Enemy's Daughter (On-going)
RomanceZanaya Aliane (Zaia). She is 28 and a Doctor. Buong buhay ni Zaia, Ilang beses na silang palipat-lipat ng lugar na matitirahan. Hindi maintindihan ni Zaia kung bakit ganon ang naging set-up nila. Napapaisip sya tuloy na para bang nagtatago sila. Sa...