ZAIA'S POVMasayang bumalik si ZAIA sa kanilang family medicine room pagkagaling sa HR Department. Tinawagan kasi sya para ipaalam na approved na ang leave nya. Mabuti na lang at mababait naman ang kanyang mga kasamahan at pumayag naman na maging reliever nya muna habang naka leave sya. Kahit bago pa lang sya sa Hospital e nakakasundo naman nya kaagad ang mga kapwa nya Doctor.
Kinaumagahan pag katapos nila mag almusal ay kaagad nyang kinausap ang Mommy nya tungkol sa pag punta nya sa Manila.
"Mom, did you already talk to Dad about my trip to Manila?"
"He said yes."
Di ako kaagad makapaniwala na ang bilis pumayag si Dad.
"Really?! Pumayag sya kaagad?!" I can't hide my happiness and excitement.
"I know you're an adult now Zanaya. Are you sure, we can trust him? Why don't you want us to meet him? Di ko rin alam sa Dad mo kung bakit ang bilis ka nya payagan."
May himig ng tampo ang boses ni Mommy. Kahit ako din naman ay hindi din makapaniwala na pumayag agad si Daddy. Knowing him being so strict when it comes to me.
"Mom, I assure you. You can trust Valeb. Uuwi din naman kaagad ako. I promise, tatawagan ko kayo ni Dad and I will update everything para mapanatag ang loob nyo okay?"
"Fine! You go and talk to your Dad bago ka umalis bukas. Andon sya sa likod at tinitingnan ang mga tanim nila ni Manolo na gulay."
"Thanks Mom!" I kiss her at cheek bago puntahan si Dad.
Pagdating ko sa likod ay nakita ko kaagad si Dad. May bitbit sya na basket at mukhang namimitas sila ni Manolo ng gulay.
"Dad!"
Kumaway sya sa akin ng makita ako. Lumapit kaagad ako sa kanya at kinuha ang bitbit nyang basket.
"Look at our tomatoes baby. Pwede na kainin." Aniya at nag patuloy sa pag pitas ng mga kamatis.
"Dad! Thank you for allowing me to visit Manila alone."
Yumakap ako sa kanya sa sobrang tuwa. Humarap sya sa akin na magkasalubong ang mga kilay.
"Manila? Pupunta ka ba don, baby?"
Nagkasalubong ang mga kilay ko sa sinabi nya. Nakalimotan na naman ba nya?
"Y-es Dad! Mommy told me pumayag ka na?"
Ngumiti sya at inakbayan ako.
"I was just joking, baby."
Kinabahan naman ako. Akala ko nakalimutan na naman nya ang tungkol dito.
"Alam ko ayaw mo na e pa bantayan kita kay Manolo. I'll give you the address and number of the care taker of our condo unit in Manila. Don ka mag stay if you want okay?"
"Okay! Thank you Dad! I promise to take care of myself kasi alam ko na mag aalala ka ng husto sakin. I love you, Dad!"
Niyakap ko sya ng mahigpit sa sobrang tuwa. Simula ng lumipat kasi kami dito sa Albay di na sya masyadong strikto pagdating sa akin. Kahit pa-paano ay nararamdaman ko na ang freedom ko.
Tumagal pa ako sa harden ni Daddy at ang dami pa namin napag usapan habang tinutulongan ko sya mamitas ng mga gulay. Sa susunod na araw pa dapat ang flight ko pero dahil gusto ko e surpise si Caleb ay nag rebook ako ng mas maaga na flight bukas. Nakausap ko din si Emerald kung saan ko pwede puntahan si Caleb at ipinaalam ko sa kanya ang plano ko. Binigay ni Emerald sakin ang work address ni Caleb. May e binigay din sya na black card na gagamitin ko daw na pass para makapasok sa building kung saan nag tatrabaho si Caleb. Ipinadala nya ito kay Inessa ng umuwi ito sa Hacienda kahapon. Idinaan naman ni Inessa sakin sa hospital.
YOU ARE READING
The Enemy's Daughter (On-going)
Lãng mạnZanaya Aliane (Zaia). She is 28 and a Doctor. Buong buhay ni Zaia, Ilang beses na silang palipat-lipat ng lugar na matitirahan. Hindi maintindihan ni Zaia kung bakit ganon ang naging set-up nila. Napapaisip sya tuloy na para bang nagtatago sila. Sa...