Hello everyone! May kaunting edits lang po sa mga chapters! Enjoy reading!❤️
La Trinidad, Benguet
ZAIA'S POV"Zaia? anak?!"
Mabilis ko na itinago ang hawak ko na litrato ng isang babae sa drawer ng bedside table ko nang marinig ang pagkatok ni Dad sa kwarto. Humarap ako nang marinig ang pagbukas ng pintuan.
"Baby, are you done packing with your things?"
Tanong nya at napadako ang tingin sa mga nagkalat pa na gamit ko sa ibabaw ng aking kama.
"Almost Dad!"
Ngumiti ako sa kanya at mabilis na tumayo at isa-isa na ipinasok sa bakanteng karton ang mga gamit ko nakakalat pa sa ibabaw ng kama ko.
"The driver I hired will fetch us at 7:30am. Just bring your important things with you, baby. Pagkatapos mo magligpit e sabay na tayo mag almusal." aniya at lumabas din kaagad sa kwarto ko.
Napabungtong hininga ako pag-alis nya. Ngaun ang huling araw namin dito sa La Trinidad, Benguet. Lilipat na ulit kami ng matitirahan na bagong bahay and this time, sa Legaspi, Albay naman. Napatingin ako sa mga karton na nasa harap ko.
"Haaay...."
"Is this the 5th time? 6th time? or 7th time? I'm gonna miss Benguet. I promise to visit here again!"
Binilisan ko ang pag impake dahil ayoko ko na maghintay sila ng matagal ni Mommy sa kusina. Habang nag-iimpake ako hindi ko na mabilang kung ilang beses na ako napabuntong hininga. Kinuha ko ang litrato na itinago ko sa beside table kanina. Inilagay ko ito sa aking sling bag. It's a 4x4 size photo kaya kasya sa sling bag ko. Nang matapos sa pag impake ay bumaba kaagad ako para sumabay sa mga magulang ko na mag almusal.
Habang kumakain kami panay naman ang remind ni Dad sa akin ng mga bagay-bagay. Everytime na lilipat kami paulit-ulit lang nya sinasabi ang mga ito kaya saulado ko na rin.
"Zaia, don't forget your medicine kit. Importante yon mamaya pag nasa byahe na tayo. Your passport, and ID's."
Tango lang ang sinasagot ko kay Daddy. Imagine, I am already 28 then here's my Dad keeps on reminding me like I am a 5 yrs old kid.
"Baby are you really listening to me?"
May kaunting iritasyon na sa kanyang boses ng mahalata na wala sa kanya ang atensyon ko.
"Dad we've been doing this for like 5th, 7t or is it 10th times already? I know what to do and what to bring, okay?"
"I am just reminding you and It's the 5th time, sweetheart."
Di na ako sumagot at pinagpatuloy na lang ang pagkain.
5th time? Is he sure about that? Sa pagkakatanda ko e ilang beses na akong nag transfer ng school from kinder to College and now that I am a licensed Doctor. Lilipat ulit kami? Kinaya ko taposin ang pag-aaral ko sa Bagiuo City kahit labag sa loob ng mga magulang ko na mag-aral ako sa isang University. Gusto nila kasi na homeschooling ako. I know nagtataka kayo bakit palipat-lipat kami ng lugat na titirahan for the 5th time according to my Dad. Honestly, I don't even know the reason. Everytime na mag tatanong ako ang sagot nila lagi ay business matter daw.
YOU ARE READING
The Enemy's Daughter (On-going)
RomanceZanaya Aliane (Zaia). She is 28 and a Doctor. Buong buhay ni Zaia, Ilang beses na silang palipat-lipat ng lugar na matitirahan. Hindi maintindihan ni Zaia kung bakit ganon ang naging set-up nila. Napapaisip sya tuloy na para bang nagtatago sila. Sa...