ZAIA'S POVMaaga na sinundo ni Caleb si ZAIA para sa kanilang Baguio Tour. Plano nya na mag private plane na lang sila papunta sa Baguio. Masaya talaga si Zaia dahil pumayag ang mga magulang nya at ipinagkatiwala sya kay Caleb. Pagkarating nila sa airport ay kaagad na tinulongan sila ng isa sa mga crew para ayusin ang mga gamit nila at mga papeles na rin ng Private plane para maakalis sila ng maaga.
"Hey!"
Tawag sa akin ni Caleb sabay akbay. Kanina pa kasi ako tahimik. Paano ba naman inaantok pa ako. Kagabe lang ako nag ayos ng mga dadalhin ko at ang usapan namin mga 10am pa kami aalis pero ito 5:30am pa lang nasa airport na kami. Masaya ako at pumayag si Dad na sumama ako kay Caleb ngaun. Alam ko na mag aalala sila dahil sa mga tao na gustong manakit sa akin. Pero mukhang panatag naman ang loob nila kay Caleb.
"I am still sleepy. Akala ko ba 10am pa tayo aalis?"
Sumbat ko sa kanya. Inirapan ko sya ng pinisil nya ang pisngi ko.
"The private plane needs to go back para e hatid naman si Dad at Emerald mamaya pabalik sa Manila."
Ang layo nga naman talaga ng estado namin sa buhay. Di sila worried sa gasoline ng private plane nila e.
"We will wait for our papers to fly, then you can take a nap, okay?"
Aniya at ramdam ko ang paghalik nya sa nuo ko. Iniyakap ko ang mga kamay ko sa bewang nya.
"I'm hungry already!"
Gusto ko sana kumain na muna kami ng agahan bago umalis.
"I know baby! I already prepared foods for our breakfast, okay?"
"Ano nga pala ang pinag-usapan nyo ni Dad pagkatapos natin mag dinner?"tumingala ako ng hindi sya kaagad sumagot.
"About my work."
Matipid na sagot nya. Hinarap ko sya at tinaasan ng kilay. Is he being selective in aswering again? Hinila nya ako palapit sa kanya at kinurot sa pisngi.
"We talked about my project in Qatar, baby. Your Dad is into construction business right? He is an Architect too. We shared ideas about my project. Your Dad's company will rise a hotel soon in Palawan. We shared ideas since I shared to him that my project in Doha is hotel too."
"G-anon ba?"
Sa kanya ko lang din nalaman ang tungkol sa mga bagay na to. Bakit pati mga ganitong bagay kailangan e lihim sa akin ni Dad? I already knew that Dad is a businessman but being an Architect, I don't know about it! Nakakasama ng loob na sariling mong Ama ay hindi mo pa rin talaga lubusang kilala. Even my Mom keep secrets from me hanggang ngaun.
"Sana mabilis lang kayo mag kasundo ni Dad."
Ayoko ko na mahalata ni Caleb na hindi ko alam ang tungkol dito. Parang bigla na lang sumama ang pakiramdam ko sa nalaman. Nanghina bigla ang mga tuhod ko. Nakakasama naman talaga sa loob na maraming inililihim ang mga magulang ko sa akin.
"Are you okay, baby?"
Tanong nya ng maramdaman na humigpit ang pagkakahawak ko sa bewang nya.
"I'm fine. I just need to eat and take a nap, Love."
Alibi ko sa kanya. Mabilis naman sya kumilos at inalalayan ako na maupo muna habang hinihintay namin bumalik ang lalaking inutosan nya kanina na mag ayos ng gamit namin.
Ilang minuto pa lang kami nakaupo ng dumating ang tauhan ni Caleb. Kaagad kami sumakay ng private plane nila. It is my first time to fly in a private plane. Kumain kaagad kami at pagkatapos ay nag paalam ako ng Caleb na iidlip muna. Habang nakapikit ang mga mata ko ay ramdam ko ang paghalik nya sa pisngi ko at inakbayan ako para makasandal ako sa kanyang dibdib. Lihim na lang ako nangiti sa ginawa nya. He is such a gentleman and clingy! Kahit paano na bawasan ang sama ng loob na nararamdaman ko sa mga magulang ko.
YOU ARE READING
The Enemy's Daughter (On-going)
RomanceZanaya Aliane (Zaia). She is 28 and a Doctor. Buong buhay ni Zaia, Ilang beses na silang palipat-lipat ng lugar na matitirahan. Hindi maintindihan ni Zaia kung bakit ganon ang naging set-up nila. Napapaisip sya tuloy na para bang nagtatago sila. Sa...