ZAIA'S POVHindi alam ni ZAIA kung bakit sumakay sya sa sasakyan ng estrangherong lalaki na humablot sa kanyang film camera. She is a doctor at ang sugat nya sa palad ay kaya naman nyang gamotin pag uwi sa bahay. Kaunting gasgas lang naman ito. Pero wala syang nagawa nang hinawakan ng lalaki ang kamay nya at pinasakay sya sa sasakyan nito. Lihim na sinulyapan ni Zaia ang lalaki na tahimik na nag mamananeho.
CALEB MONTICELLO-DE SILVA
Sino kamukha? Si Lolo Nix ba o Lolo Duke?😂Ang gwapo nya at bumagay talaga sa kanya ang kulay ng mga mata nya. Nag-aagaw kasi ang asul at berde na kulay. His thick brows and perfect jawline when he is on a side view. He has a heart shape red thin lips. Sya kaya ang may-ari ng Hacienda na sinasabi ni Mommy? Umiwas ako ng tingin ng tumikhim sya. Tumingin ako sa harapan at namangha sa nakikita.
"Wow!"
Humarap ulit ako sa lalaki na ngaun ay nakatingin pala sa akin.
"Can I take a videos? I want to post it on my Instagram reels."
Paalam ko sa kanya. Ang ganda kasi ng mga bulaklak sa gilid ng daan. Ang ganda ng pagkakalandscape nito at dahil summer ngaun namumukadkad ang mga bulaklak na iba't iba ang kulay. Lalo na ang mga bougainvilleas na iba't iba ang kulay ng bulaklak.
"Yeah."
Maikling tugon ng estranghero na lalaki. Ang tipid naman nya mag salita. Kinuha ko ang cellphone sa aking sling bag at nag simulang mag video gamit ng isa ko na kamay na walang sugat. Kita ko na lumingon sya sa akin at nagulat ako ng tumigil kami sa daan.
"I will take photos of you."
Di na ako nakaimik ng basta na lang nya kinuha ang cellphone na hawak ko at nauna ng bumaba sa sasakyan. Nagulat pa ako pinagbuksan nya ako ng pinto at hinawakan ulit sa braso para alalayan na bumaba. Medyo mataas kasi ang sasakyan nyang dala. I am not familiar with the car brands pero alam ko na mahal ang sasakyan nya.
Lalo akong namangha ng malapitan ang mga bulaklak. Sa Benguet kasi na inlove ako sa mga cactuses and succulents na tinatanim ng mga tao don at e binibenta. Di ko napigilan na hawakan ang mga bulaklak.
"Hey!"
Marahan akong lumingon sa lalaki ng tinawag nya ako. Nangunot ang nuo ko nang makita na kumukuha na pala sya ng picture ko. Lalo ako nagtaka ng hindi naman cellphone ko ang gamit nya. Sarili nyang cellphone ang gamit nya. Dahil ang case ng phone ko ay kulang dilaw. Yung hawak nya ay phone with grey case.
"Wait, I am not still ready." reklamo ko sa kanya.
"Let's go. We need to treat your wounds." aniya at nauna ng bumalik sa sasakyan. Naiwan ako napakamot sa batok
Akala ko ba kukuhanan nya ako ng litrato? Inalalayan nya ulit ako sumakay sa sasakyan nya. Pagkasakay nya ay iniabot nya sakin ang cellphone ko. Gusto ko sana syang tanongin kung bakit sarili nyang cellphone ang ginamit nya kanina pero ng makita ko screen ko ang litrato ko ay nangiti ako. Nakuhanan nya rin pala ako ng litrato gamit ang phone ko at ang ganda nag pagkakakuha nya. Naka sideview ako habang ang isang kamay ko ay nakahawak sa isang bulaklak. Tumatama ang papalubog na sinag ng araw sa aking mukha kaya parang nag kulay pula ang aking mga pisngi. Parang sunkissed blush ang effect! Nag scroll pa ako ng photos at lahat puro stolen shots pero ang ganda nang pagkakakuha nya.
YOU ARE READING
The Enemy's Daughter (On-going)
RomanceZanaya Aliane (Zaia). She is 28 and a Doctor. Buong buhay ni Zaia, Ilang beses na silang palipat-lipat ng lugar na matitirahan. Hindi maintindihan ni Zaia kung bakit ganon ang naging set-up nila. Napapaisip sya tuloy na para bang nagtatago sila. Sa...