Prologue

280 18 20
                                    

Weight Over You - Prologue

Para sa'kin, ang barbell ay sumisimbolo ng mga problema at pagsubok natin sa buhay. May mga barbell na magaan at madaling buhatin. Mayroong mga tama lang ang timbang. Mayroon namang mga barbell na mahirap dalhin kaya kailangan mo ng iba upang iahon at tulungan ka.


We had our own barbells and baggages to carry. We have our own problems in life that we have to face. The Almighty created the world in such a way that everyone is equal. Everyone has their fair share of strengths and everyone has their fair share of weaknesses. But somehow, it appeals to me that I was weaker than others. I couldn't manage lifting my barbell unlike the others who seem like they're getting the hang of it, while me... I was out-weighted. Instead of lifting the barbell, I felt like I was the barbell itself. I was the problem. I was lost, waiting for someone else to carry me. Because I was weak. Naka-tatak na sa isip ko simula noon, na mahina ako.


"May nam-bully sa'yo, Hiraya? Bakit hindi mo sinasabi sa akin, anak?"


Napa-yuko ako nang dumako sa akin ang tingin ni papa nang maka-alis saglit ang teacher namin para ipatawag ang nang-bully sa akin kaya kami na lang ang natira. Narito kami sa Guidance Office ng school dahil ipinatawag siya. Sa tagal kong tinatago, malalaman niya lang din naman pala. "Bakit may pasa ang katawan mo? Bakit ang gulo ng buhok mo? Tuwing umuuwi ka naman, okay ka at wala ring gasgas ang katawan mo. Bakit mo hinayaang saktan ka nila?"


Nanatili akong tahimik dahil wala rin naman akong masagot. Tinakot ako ng mga nam-bubully sa akin na kapag nag-sumbong ako, hindi nila ako titigilan at mas sasaktan pa nila ako. I'm weak. I'm frightened. I don't have the guts to tell anyone, yet they found out in due time anyway.

"Pagkauwi natin, may ipapakita ako sa'yo," he declared. Napasimangot na ako lalo, ano naman kaya 'yun?


Sabay kaming umuwi ni papa, tahimik lang ang aming pag-lalakad kaya nag-kukunwari akong amazed sa ilog na lagi kong nadadaanan pauwi ng bahay at papasok ng school, hindi naman convincing ang acting ko na amazed ako dahil puro basura ang ilog na iyon. May mga bula pa dahil doon nag-lalaba ang iba naming kapit-bahay.


Sa barong-barong lang kami nakatira, maraming naka-kalat na asong kalye, mayroon ding mga manok na tila'y naka-takas sa kanilang mga amo, puro kanal ang madadaanan, mga nasa labas ang mga tao at nag-chichismisan, at may masangsang din na amoy. In short, sa squatter's area.


Nang makarating kami sa isang construction site, may kinuha si papa mula sa sahig. Isa siyang construction worker na assigned sa lot na ito kaya malaya niya iyon na ginagawa.


"Papa, ano iyan?" Salubong ang kilay ko dahil ang inabot sa'kin ni papa ay isang reinforced concrete pipe na maliit pero mukhang mabigat.


"Buhatin mo," he commanded.


"Hindi ko kaya iyan, Papa. Mukhang mabigat po!" reklamo ko. "Tsaka, para saan po ba?"


Gusto niya rin ata akong maging construction worker, ah!


"Hindi mo pa nga nasusubukan... umaayaw ka na kaagad." Kahit pa sinabi kong ayaw ko, marahang inabot ni papa sa akin ang concrete pipe, binuhat ko iyon habang nakatingin sa mga mata niya nang may pag-aalinlangan.


Ilang segundo lang ang lumipas, nabitawan ko rin kaagad ang pipe at napahiyaw dahil hindi ako sanay mag-buhat no'n lalo na't may kalawang pa. Kaya ko naman mag-buhat ng galon ng tubig tuwing mag-iigib, pero kakaiba iyon. "Sabi ko na sa'yo Papa, e. Hindi ko po kaya. Hindi naman po ako malakas."


"Hindi mo malalaman ang limitasyon mo, kung hindi mo itutulak ang sarili mo patungo rito." My dad did a squat in front of me, trying to keep our height equal and he messed with my hair. "Hindi porket babae ka, mahina ka na," he said.

From that day on, I loved the smell of metallic barbells. I loved the feeling of... being strong even if is just in the weightlifting field.


---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Weight Over YouWhere stories live. Discover now