Chapter 15

24 1 0
                                    

Weight Over You - Chapter 15


"Aray!" 


Napa-sigaw ako sa sakit at napaupo sa sahig nang sinubukan kong mag-buhat ng mas malaking barbell kaysa sa mga nakasanayan kong buhatin. Ang sakit pala kapag pinipilit mong buhatin ang mga bigat na hindi pa kaya ng katawan mo.


Habang may kinukuha kasi si coach, sinubukan kong mag-buhat ng barbell na nakita ko sa sahig. Maliit lang ito pero hindi ko inaasahan na sobrang bigat pala.


Pawis na pawis ako at namamanhid na ang aking paa at mga kamay. Pagkagaling na pagkagaling ko sa paaralan, hinatid ako ni papa at nag-simula na agad kami mag-training ng kakilala niyang propesyonal para sa weightlifting try outs.


"Hindi ka kasi nag-iingat." Lumapit sa akin si coach na may dala-dalang athletic bandage tape. "Alam mo ba ang pinaka-importante sa weightlifting, Diaz?" 


"Ano po?" sagot ko kahit namimilipit na ako sa sakit.


"Patience and skills. Huwag mong buhatin ang bigat na hindi akma para sa iyo. And also, when lifting weights, move through the full range of motion in your joints." Ibinalot ni Kuya Paeng ang athletic tape sa kamay ko na nasugatan kaya napadaing ako nang mahina. "The better your form, the better your results, and the less likely you are to hurt yourself."


"Sorry, sir," saad ko at nag-buntong hininga.


Iniwan ako ni papa sa training center at pinakilala sa kakilala ng kaibigan niya na si Kuya Paeng. Maalam siya sa sports, hindi lang sa Weightlifting, kundi pati sa Swimming at Archery din. Kilala siyang coach dito sa bayan. Nais pa nga sana ni papa manatili at hindi na mag-trabaho ngayong araw dahil gusto niya raw mapanood ang anak niya pero pinilit ko siyang pumunta na lang sa construction site. Sa tingin ko kasi, hindi rin ako makakapag-focus kapag andiyan si papa, sa sobrang supportive pa naman niya, kahit mali-mali ang ginagawa ko, andiyan pa rin siya at cheer nang cheer.


"Ano ba? Kaya mo ba 'to o susuko ka na?" Napatingin ako kay Sir Paeng nang makarinig ako ng galit sa kaniyang boses.


Umiling ako at yumuko, pinipigil ang luha. 


"Kung hindi ka susuko, bakit naka-upo ka pa rin diyan?" Napatayo ako dahil sa kan'yang sinabi at sinundan siya dahil mukhang may ipapagawa pa siya sa akin.


Akala ko pagpapahingahin manlang niya ako dahil na-injured ako pero hindi pala!


"Ito ang subukan mong buhatin." May hawak-hawak si Sir Paeng na homemade concrete barbell at kinuha ko iyon mula sa kaniya.


Madali lang iyong buhatin para sa akin dahil nakapagbuhat na ako ng ganoon sa construction site, dahan-dahang naitaas ko pa ito sa bandang ibabaw ng ulo ko habang naka-squat.


"See? May potential ka naman talaga." Nag-lakad siya paikot para pag-masdan ang postura ko. "Mag-simula ka sa simula, huwag ka roon sa mabigat agad. Walang shortcut para matuto."


Pagkatapos akong pagbuhatin ng concrete barbell, tinuruan ako ni Coach Paeng ng techniques para ma-balanse ko ang bigat. "Squat down, bending at the hips and knees only. Then slowly... lift."


Kasunod namang pinabuhat sa akin ni Coach ay ang med'yo malaking barbell na nasa sahig. Tinitignan ko pa lang ito, parang gusto ko na mag-backout.


10 seconds ang ibinigay sa akin ni Coach Paeng para iangat ang 20kg barbell above the head pero wala pa ngang limang segundo, nabagsak ko ang barbell sa sahig dahil sa sobrang bigat at manhid ng kamay ko.


"Sir, ayoko na po..." bulong na sabi ko at napaupo, nakasandal sa pader. Isang araw pa lang ang pag-eensayo ko pero tila babagsak na yata ako sa pagod.


Naupo si Coach Paeng sa tabi ko at siya'y nag-salita. "Alam mo bang nag-bayad ang papa mo para turuan kita? Nais ko sanang hindi na siya pag-bayarin pero ako ay nag-hahanap buhay din na nangangailangan ng pagkain na maihahain sa mesa para sa pamilya ko." pag-kwekwento niya. Parang nakaramdam ako ng guilt dahil hindi naman pala-gastos si papa... pero gumastos siya para lang dito dahil alam niyang pangarap ko ito. Nakatitiyak ako na hindi mura ang bayad dito dahil propesyonal na training coach si Sir Paeng. "Huwag mong sayangin ang tiwalang ibinigay sa'yo. Naniniwala ang tatay mo sa kakayahan mo, kaya sana huwag mo siyang biguin."

Weight Over YouWhere stories live. Discover now