Chapter 23

55 2 0
                                    

Weight Over You - Chapter 23


"Sa palagay ko... gusto ka ni Var." 


Napatingin ako nang sabihin iyon ni Mutya. Matapos ang pangyayari sa labas kasama sina Arnel, Jericho, at Var... pumasok kami ng classroom at wala manlang umimik. Nanatili kaming tahimik pero si Mutya ang bumasag sa katahimikan dahil sa sinabi niya.


"Kaibigan lang talaga ang tingin niya sa akin." Ngumiti ako.


Alam ko naman na kaibigan lang talaga ang tingin sa akin ni Var. Palagi nga niyang nasisingit na tawagin akong kaibigan niya. Kulang na lang marindi ako sa kakasabi niya ng kaibigan.


"May kaibigan bang..." Nag-hintay ako ng kasunod niyang sasabihin pero hindi tinuloy ni Mutya ang kaniyang sasabihin. "Kung mag-kaibigan kayo, p'wede mo ba akong tulungan para mapalapit sa kan'ya?" Ngumiti siya.


Wala ako sa sariling tumango at tipid na ngumiti.


"Pinaka-unang nag-pasa ng project nila ay si Warren Axel at Hiraya. Imbis na isipin kong minadali nila ito... masasabi kong napaka-responsable nila dahil maaga na nga silang nag-pasa, napakaganda pa ng kanilang gawa na ipinasa. Palakpakan naman natin sila," saad ng teacher namin dahilan upang mag-palakpakan ang mga kaklase namin. Kinantiyawan pa si Axel ng mga kaibigan niya na manlibre kaya natawa ako.


"Axel at Hiraya, hali kayo rito sa harapan." Nanlaki ang mga mata ko nang pinatayo kami ni ma'am. I-rereport na pala kaagad ang proyekto?! Akala ko sabay-sabay kami ng mga kaklase kong hindi pa nag-papasa! "Talakayin ninyo ang konsepto ng in'yong poster sa harapan ng in'yong mga kamag-aral na mukhang sabik na sabik makinig."


Nilipat ko ang aking tingin sa aming mga kaklase na nag-hihintay sa aming sasabihin. Parang nanigas ang katawan ko dahil sa mga titig nila sa amin.


Nag-aalala akong tumingin sa mga mata ni Axel dahil sa kaba. Marami akong kahinaan katulad ng pag-aaral, pero isa pang kahinaan ko ay ang pag-sasalita sa harapan!


Tinignan lang ako ni Axel na para bang pinapagaan niya ang damdamin ko. Swabe niyang nilagay ang kaniyang mga kamay sa bulsa. Alam kong confident siya dahil matalino siya, kaya niyang mag-paliwanag kahit pa hindi niya napaghandaan. Kahit nga sa quizzes, kahit din hindi siya handa, kayang-kaya niyang makakuha ng mataas na marka katulad ni Mutya. Sa akin niya na lang pinahawak ang poster namin bago siya nag-simulang mag-paliwanag.


"Today, let's look at how we can take care of our environment, as well as the reasons why we should protect the earth and the environment. Although some of us may take this lightly, it is critical to know that we don't have anywhere else we can run to. If we spoil what we have here, we will suffer the consequences of our actions. If we take care of nature, then nature will also take care of us in return. When we pollute the water sources, we are the ones who will lack clean water. If we cut down all trees for our short-term goals, we will suffer global warming, lack of rainfall to grow our food, and many other adverse situations." Natulala ako kay Axel dahil wala manlang siyang kabang nararamdaman. Napatingin ako sa kamay niya nang tapikin niya ang kamay ko at may inabot na papel. Kinuha ko ito at tila pinapabasa niya sa akin.


Kinuha ko ang papel at napaubo bago basahin ang papel kaya nag-tawanan ang mga kaklase ko. "Uh... Therefore, if we love our lives, we must love nature. The more we take care of our environment, the more we can have a cleaner and habitable home. If, on the other hand, we neglect nature and undertake actions that harm it, the more difficulties we will have to access clean essentials like water, food, and shelter. Polluted water sources and air will bring about devastating effects like diseases, such as cancer and various respiratory illnesses. Everyone, therefore, has a role in ensuring they maintain a clean environment we can all live in."


"What makes this poster really special... " Tumingin sa akin si Axel. "Is Hiraya."


"Uy! Ano 'yan, ha!"


"Yie!"


Nag-simulang mag-asaran ang mga kaklase ko pero pinatahimik sila ng teacher namin. Ako ay napayuko dahil bukod sa pang-aasar nila, naririnig ko rin ang pabulong na pang-lalait nila sa akin.


"I used Hiraya as a model in front of our poster because I want to remind everyone that change starts with thyself." He explained. "We can never improve our surroundings, the atmosphere of the Earth, and everything else, if we are not willing to improve and let our mindsets have growth and love for our environment."


Natapos ang reporting namin sa palakpakan ng mga kaklase namin. Kahit si Ma'am ay natuwa dahil sa pag-papaliwanag ni Axel.


Masaya ako na sa wakas ay tapos na kami sa reporting. Wala na akong ibang iisipin bukod sa Weightlifting Club try-outs.


"Ngayon ang huli nating training dahil Linggo na bukas," sabi ni Coach Paeng. "Kaya lubos-lubusin mo na ang training ngayong araw dahil sa Lunes na ang try-outs mo, 'di ba?"


I was mastering to carry a 20kg. barbell for 2 days straight already. Nalungkot ako na ngayon na ang huli kong training kay Coach Paeng. Sa Weightlifting Club, may trainings din naman araw-araw pero paano kung hindi ako makapasa?


Hindi p'wede.


Kailangang makapasa ako.


Hahawakan ko na sana ang barbell na nasa sahig pero...


"Ah!" Tumulo ang dugo sa kamay ko at nag-simula itong humapdi. Nagkaroon ng maliit na hiwa ang gitna ng aking kamay dahil sa maliit na patalim na naka-dikit doon sa barbell. 


"Hiraya! Ano'ng nangyari?" Tumakbo si Coach Paeng at hinawakan ang kamay ko na may sugat. "Hindi p'wede ito... paano ka makakapagbuhat ng barbell sa try-out mo?"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 16, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Weight Over YouWhere stories live. Discover now