Weight Over You - Chapter 11
"Ano ba ang bibilhin mo?" tanong ni Var habang nag-babike kami.
Kulay Pink ang pinahiram niya sa akin na bisikleta, samantalang ang sa kan'ya ay kulay Blue.
"Illustration board," sagot ko. "May pair activity kasi kami.
"Sino partner mo?"
"Si Axel. Kilala mo?" tanong ko.
Nailang ako nang kaunti dahil hindi siya sumagot.
"May alam akong bilihan na mura lang." Nauna siya kaya ako ang nasa likuran niya dahil hirap pa ako mag-pedal. "Bibili rin ako ng merienda roon."
Hindi na rin ako sumagot at hinayaan siyang manguna para ituro ang daan.
Ano kaya ang iniisip niya? Bakit kaya siya lapit nang lapit sa akin? Nais niya ba akong kaibiganin dahil nag-tratrabaho ang nanay ko sa mansyon nila?
Ang weird naman na ang anak ng amo ay kaibigan ng anak ng katulong. Naaawa ba siya sa akin?
Nag-parada ng bisikleta si Var sa tapat ng isang mini grocery sa may talipapa kaya pinarada ko ang bisikleta ko hindi kalayuan sa kan'ya.
Pagkapasok namin sa mini grocery, may sari-sariling cart din sila. Natuwa ako dahil ngayon lang ako nakapasok sa ganito. Airconditioned ang mini grocery na ito.
Ang babaw ng kaligayahan ko.
Sa palengke lang kasi kami ni mama kadalasan bumibili. Kailanman hindi ako nakapasok ng grocery dahil mahal ang bilihin doon.
"Hiraya?" tawag sa akin ni Var na nagpabalik sa akin sa realidad.
"Ah, sorry." Nahihiyang saad ko. Inangat ko ang tingin ko sa kaniya, may cart na siyang tinutulak. "Bakit nga pala may naka-kabit sa tainga mo? Hindi ka na ba nakaka-rinig ng maayos kaya kailangan mo na ng hearing aid?"
Hindi ko inasahan ang reaksyon niya. Tumawa siya nang tumawa na para bang wala nang bukas. Natulala tuloy ako sa kaniya. Lalo siyang gumag'wapo kapag nakangiti o 'di kaya ay tumatawa.
Tinanggal niya ang naka-kabit sa tainga niya. "Hiraya... hindi ito hearing aid. Earbuds ang tawag dito." Nag-lakad siya papalapit sa akin at kinabit sa tainga ko ang isa.
Lalo na naman akong namangha dahil sa tugtog na narinig ko. "Wow! Para siyang headphone na walang kable."
Nangangamba na kanta ni Zack Tabudlo ang tumutugtog.
"Right." Ngumiti siya.
Hindi na niya kinuha ang earbud na nasa tainga ko at hinayaan akong hiramin ito. Nakikita ko pa sa gilid ng aking mga mata ang palihim na pag-sulyap niya sa akin na para bang nagagalak siya sa reaksyon ko.
"Nga pala, ang illustration board nando'n sa dulong aisle. Sa may school supplies," saad niya sa akin.
Tumango-tango ako at nag-lakad sa tinuro niyang daan.
Puro mga intermediate paper, bond paper, ruler, crayons, at kung ano-ano pang mga school supplies ang nakita ko. Ang naka-akit sa paningin ko ay ang iba't-ibang kulay ng highlighters. Mahilig ako mag-calligraphy gamit ang highlighters ni Mutya. Alam kong panget ako, pero ang maipagmamalaki ko naman, maganda ang sulat ko. Alam ko sa sarili ko na kaya kong maging Secretary dahil sa ganda ng sulat ko kaso wala naman akong kaibigan na boboto sa akin kapag class elections. Napanood ko kasi kung paano ito gawin sa Youtube noong naka-hiram ako ng phone ni mama.
Ayun nga lang, wala akong sariling highlighters. Mahal ang mga ito.
Pinagmasdan ko na lang ang mga highlighters na nasa harapan ko. May glitters ang iba, may pastel, may neon, at may iba ring dark colors. Nakaramdam ako ng awa sa sarili ko.
The heaviest weight for me... was poverty. Aminin na natin. Mahirap ang maging mahirap.
Hindi ako naniniwala sa kataga na money can't buy you happiness.
Masakit makita ang mga magulang ko na tinitignan ang presyo ng bilhin at naibabagsak na lang nila ito dahil hindi namin kayang bilhin. Gusto kong mabili ang aking pangangailangan sa paaralan nang walang pag-dadalawang isip. Gusto ko mabili ang gusto ng magulang ko. Wala nang higit na makakapagpasaya sa akin kundi ang maiahon ang pamilya ko sa kahirapan.
Sumulyap ako sa kabilang shelf at doon ko nakita ang illustration board na tinutukoy ni Var. Nang tignan ko ang presyo, kulang na lang malaglag ang mga mata ko.
Singkwenta para lang sa ganito?!
Nag-alangan ako kung kukunin ko ba iyon o hindi. Bente na lang ang pera ko.
Habang naka-tulala sa mga school supplies, napansin ko na hindi na tumutugtog ang earbud na nasa tainga ko. Kahit anong pindot ko sa mga button na andoon, wala pa rin!
Hindi kaya... nasira ko ito?!
Nag-simula akong mataranta.
Wala na nga akong pera, nasira ko pa ang gamit ni Var!"Hiraya?"
Halos maluha ako nang marinig ang boses ni Var. Nag-lalakad na siya papalapit sa akin.
"Var, sorry..." Tumulo ang luha ko.
Nagulat ako nang hapitin niya ako palapit. "Huwag kang lumayo sa akin," bulong niya na may halong pag-aalala.
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasyWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...