Chapter 8

43 2 3
                                    

Weight Over You - Chapter 8


"Ngiting-ngiti ka ata riyan." Natanggal ang abot-tengang ngiti na naka-ukit sa labi ko nang mag-salita si mama. 


Nakauwi na kami, mag-hahapunan na ng dilis at tuyo.


"Ah, may naalala lang po," palusot ko.


Hindi naman ako shunga, alam ko naman na ang ngiting ito ay dahil kay Var. Siguro ay napapangiti lang ako sa kabaitan niya.


"Napakag'wapo ng anak ng mag-asawang San Gaspar, 'no?" pag-kukwento ni mama habang nag-hahanda ng kakainin namin sa papag. "Nakita ko rin ang trophy case ng mansyon nila, nag-iisang anak pala si Ivaryolo... lahat ng medalya at tropeyo na naka-display ay lahat sa kaniya. Ni hindi ko nga mabilang kung ilan ang nakita kong mga parangal."


"Sinong Ivaryolo iyan?" tanong ni papa na kakarating lang. Pawisan siya at may nakasukbit na tuwalya sa kaniyang balikat. "Ang panget naman ng pangalan."


"Ang ganda kaya ng pangalan niya, 'Pa!" reklamo ko.


Napatingin si mama at papa nang sabay sa akin. Napaiwas tuloy ako ng tingin.


Hindi sila nag-salita pero kita ko sa gilid ng aking mga mata ang kanilang mapanuksong mga tingin.


"Kailan nga pala ang try-out mo sa weightlifting?" tanong ni papa habang kumakain. Kamay lang ang gamit namin sa pagkain. Madali lang, itutulak mo lang ang pagkain gamit ang iyong hinlalaki. "Sumama ka sa'kin sa construction site. Mag-simula tayo bukas dahil kaunti na lang ang gagawin namin."


"Eh, sasama po ako kay mama," pag-tanggi ko. Hindi ko alam bakit ako nagkakaganito, plano ko naman talaga na magpapaturo ako kay papa pero ito ako ngayon, tumatanggi.


"Aba." Nag-tawanan sina mama at papa. "Himala."


Sumunod na araw, nanlaki ang mga mata ko dahil si Var ang sumalubong sa akin pagkalabas ko ng bahay namin. Wala na si mama dahil pumunta na sa mansyon ng mga San Gaspar at si papa naman ay nasa construction site na. Maaga silang pumasok sa trabaho.


Handa na sana akong pumasok sa paaralan pero heto si Var sa harapan ng bahay namin, may dalang bisikleta. Pawisan siya at suot ang uniporme naming puting polo at itim na shorts. May Herschell siyang backpack na kulay itim.


"Sabay na tayo, Hira," pag-anyaya niya. Nakagilid na ang bisikletang dala niya.


Nahiya ako dahil sa bahay naming barong-barong lang. Nahiya ako dahil sa masangsang na amoy sa paligid ng komunidad namin. Nahihiya ako na mayaman si Ivar at abot niya ang kalangitan samantalang ako ay parang lupa lang kapag ikinumpara sa kaniya.


"Ano pang hinihintay mo, Hira?" Natauhan ako nang tawagin niya ako. "Nag-dala ako ng bike para sa'yo. Para sabay tayo."


"Bakit nag-abala ka pa, kuya?" Napailing ako. "Nakakahiya, bakit dumayo ka pa sa amin?"


"Ano namang nakakahiya?" He smiled. It was a genuine smile. With that smile, parang nawala ata ang hiya at pagdududang nararamdaman ko. "Kaibigan mo ako. Wala kang dapat ikahiya."


Weight Over YouWhere stories live. Discover now