Chapter 13

32 2 2
                                    

Weight Over You - Chapter 13


"Kailan nga ulit ang deadline nito?"


Tapos na ang klase pero narito kami ngayon ni Axel sa classroom namin. Nagpaiwan kami dahil gagawin nga namin ang poster namin.


"Next week pa," sagot ni Axel.


"Huh?!" Napatayo ako. "Next week pa pala, bakit ginagawa na natin agad?"


"Ayaw mo bang maaga nating ipasa?" Tumatawa niyang sagot. "Pasensiya ka na. Sanay talaga akong ipasa ang mga gawain nang maaga. Pinapahalagahan ko kasing mauna palagi sa deadline. Gusto kong maging responsible."


"Ah, okay..." Umupo ako ulit. "Ano ang maitutulong ko sa'yo?"


"Umupo ka lang diyan," tugon niya. Nag-ddrawing na siya sa illustration board namin nang hindi manlang sinasabi sa akin ang plano niya.


"Sandali nga... sino ang maitim na babae na 'yan?" Turo ko sa drawing niya. "Ako ba iyan?"


"Tama. Ikaw nga." Ngumiti siya at nag-patuloy sa pag-guhit.


"Ampanget ko naman!" reklamo ko. "Bakit ako ang drinawing mo? Akala ko ba tungkol sa Earth ang poster?" Nag-liyab ang mga mata ko dahil nasa gitna pa talaga ako ng illustration board at sa likuran ko ay ang hugis ng Earth na bilog, kulay berde na ang lupa at bughaw na anyong tubig.


"Ang gagawin kong theme ng poster natin ay ang pangangalaga sa Earth," pag-papaliwanag niya. "Ikaw ang parang tatayo na guro rito na mag-sasabi ng mga paraan kung paano mapapangalagaan ang kalikasan."


"Bakit ako ang nasa gitna at ang Earth naman ang nasa likuran?" Naka-taas na ang isang kilay ko.


"Dahil gusto kong iparating sa poster natin na ang pagbabago ay nag-sisimula sa sarili. Kung nais natin ng pagbabago, dapat matuto rin tayong magbago."


"Bakit naman ako?" reklamo ko muli. "Ikaw na lang! Ang panget ko. Ang itim ko."


Kumukulo ang dugo ko dahil brown ang ginamit niyang crayola para sa balat ko. Totoo namang maitim ako pero naiinsulto ako na ako pa talaga ang naisip niyang i-drawing! Nakakahiya dahil i-rereport pa naman namin ito sa harap ng klase.


"Hiraya..." mahinahong pag-tawag ni Axel kaya tinignan ko siya habang naka-simangot. "Maganda ka."

Weight Over YouWhere stories live. Discover now