Weight Over You - Chapter 18
"Warren Axel Tuazon."
"Present, ma'am." Nilingon ko si Axel na nasa likuran. Hindi maaliwalas ang mukha niya na para bang hindi siya masaya sa araw niya.
Nang marinig ko ang pangalan niya, naalala ko na naman ang sinabi niya sa akin... na maganda raw ako. Bihira ko lang marinig iyon at kadalasan kina mama at papa ko pa naririnig kaya hindi ako naniniwala na tunay ngang maganda ako.
"Tapos na agad kayo?" bulong sa akin ni Mutya nang mag-simula ng mag-discuss si ma'am. "Nasa armchair ni Axel ang poster niyo. Ang ganda! Kabog!"
Ngayon ko lang naalala na ngayong araw na nga pala ipapasa ni Axel ang proyekto namin. Siya kasi ang nag-uwi ng gawa namin noong isang araw.
Matapos ang first subject namin, nag-tungo ako sa may armchair ni Axel at pinagmasdan ang final output.
Tama nga si Mutya. Maganda nga. Magaling pala mag-drawing at paint si Axel.
"Maganda ba?" tanong ni Axel.
"Oo. Maganda," tugon ko. "Mukhang pinag-effort-an talaga. Sorry ah, hindi ako gaanong nakatulong."
Napakamot ako ng ulo. Hindi naman kasi ako magaling mag-drawing, lettering lang ang naitulong ko at ang pag-bili ng illustration board na hindi rin naman ako ang nag-bayad.
"'Yung nandiyan ka lang, inspired na ako." Tila nasamid ako sa sagot ni Axel kaya napaiwas ako ng tingin.
"Ano'ng kalandian 'yan, Axel?!" pang-aasar ni Mutya na ngayon ay naka-upo sa may teacher's table sa harapan dahil siya nga ang president, ayaw niya ng mas'yadong magulo. "Ikaw, ha!"
"Inspired na akong manaksak," dugtong ni Axel. "Hindi mo kasi ako pinapatapos."
Hindi ko alam kung matutuwa ako o hindi sa sinabi ni Axel kaya hindi na lang ako nag-salita. Mas okay na sigurong laitin niya ako kaysa kung ano-anong sinasabi niya.
Hindi naman kami ganoon ka-close ni Axel. Basta ang alam ko lang, matalino siya.
Pero mas matalino pa rin si Ivar.
"Nandito pa ba si Hira?" Napatingin ako sa pintuan ng classroom nang may marinig akong pamilyar na boses.
"Sinong Hira?" tanong ni Mutya na nakatayo na ngayon sa may pintuan, ka-harap si Var.
"Si Hiraya. Hiraya Diaz," sagot naman ni Var habang nililibot ang paningin niya sa classroom namin.
"Ayun siya, oh." Tinuro ako ni Mutya kaya agad akong napaiwas ng tingin at dinako ang tingin ko sa bintana. Kunwari pa-tulala effect muna ako ngayon.
"Sino ang class president niyo?" Narinig ko ang boses ni Var.
"Ako," tugon ni Mutya.
"P'wede ba akong pumasok?" ani Var.
Hindi ko na narinig ang sagot ni Mutya. Basta pagka-lingon ko lang, nasa harapan ko na ulit si Ivaryolo. Napakabilis niya talaga.
"B-Bakit ka nandito?" utal na tanong ko.
"Eh, kasi..." Nag-labas siya ng silicone tape. "Kanina ko pa iniisip ang mga kalyo mo sa kamay. Dapat ginagamot ito agad-agaran."
Lumuhod si Var sa harapan ko kaya nakatingin sa amin ang mga kaklase ko. Kinuha ni Var ang kamay ko at binalutan ng silicone tape.
"Maalam ka pala sa ganito..." saad ko nang mapansin na parang ang galing niya sa panggagamot. Marahan lang siyang gumalaw pero tumpak.
"Nag-volunteer ako sa Red Cross dati," saad niya sa akin na may ngiti sa mga labi.
"Yie. Ano 'yan, ah?" pag-bibiro ng isa kong kaklase na lalaki.
"Mag-jowa ba kayo? Crush ka ba ni Hira?"
"Ginayuma ka ba ni Diaz?"
"P'wede bang manahimik kayo? Nag-aaral ako." Napatingin kami kay Axel nang mag-salita siya. Parang agad na nag-bago ang mood niya. Kanina lang inaasar niya pa ako.
Ngumiti si Var sa mga kaklase ko. "Mag-kaibigan lang kami."

YOU ARE READING
Weight Over You
ФэнтезиWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...