Weight Over You - Chapter 2
"I'm Kirk. P'wede ring Ivar. Pero ang tawag sa'kin ng halos lahat, Var."
"Ah..." Napakamot ako sa ulo ko. "Tropa mo ba ang mga 'yun?" tanong ko, pag-tukoy sa mga bully na palagi akong pinagdidiskitahan.
Dinala niya ako sa isang abandonadong classroom. Nakaupo kami at naka-sandal sa pader kung nasaan ang whiteboard. Akala ko kakampi siya ng mga bully pero imbis na pagdiskitahan din ako, tinulungan pa niya akong mag-tago.
"Bakit mo ako tinulungan?" I asked.
He chuckled. "Hindi ba 'yun ang dapat gawin?"
I shook my head. "Eh, kasi... tropa mo sila. Hindi ko lang inakala na ililigtas mo ako."
"I am not my friends, Hira." Mahinahong sabi niya.
"Kung sino ang sinasamahan mong kaibigan, nagiging kagaya ka rin nila. You are the person you surround yourself with. Feather of a bird, flock together," pangangaral ko sa kan'ya kaya napatingin siya sa akin. "Ayan ang sabi ng papa ko."
"Birds of the same feather, flock together ata 'yun." Tumawa siya.
Napaiwas ako ng tingin at natakpan ang aking bibig nang mapagtanto ang sinabi ko. Nagmarunong pa ako, mali rin naman!
"You're funny," saad niya. Naka-ukit pa rin sa kaniyang labi ang ngiti.
"Anong grade ka na?" tanong niya.
"2nd year high school po," sagot ko naman.
"Ah, talaga?" manghang tanong niya. "Edi mas matanda pala ako sa iyo. Grade 9 na ako."
Inilipat niya ang tingin niya sa tuhod ko. "Tumigil na ang pag-dugo," he stated the obvious.
"Kuya Var..." pag-tawag ko sa kaniya. "Salamat po."
Pumungay ang mga mata niyang titig na titig sa akin. "Kuya?"
Tumango na lang ako dahil hindi ko naman alam kung ano ang sasabihin sa tanong niya.
"May klase pa ako. Dapat ka nang umuwi." Tumayo siya at inilahad ang kamay niya, hinihintay niya akong kunin ito upang makatayo. Kahit pa nahihiya, inabot ko ang kamay niya at tumayo na rin. "Kung kailangan mo ng liligtas sa'yo, nandito lang ako. Huwag mo hayaang sinasaktan ka nila."
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasyWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...