Weight Over You - Chapter 5
"Bakit kanina ka pa tulala riyan?"
Napaayos ako ng upo dahil sa tanong ni Mutya. "Ah, wala lang."
Kakatapos lang ng first subject namin pero kanina pa nga ako tulala matapos ang Flag Ceremony. Nagkaroon ng maikling speech si Ivar sa entablado habang suot sa kaniyang leeg ang isang glass medal. Naalala ko pa ang huli niyang sinabi na naging dahilan upang mag-palakpakan at sigawan ang mga estudyante. Baka kaya mo naman talaga, ayaw mo lang subukan.
"May nangyari ba?" nag-aalalang tanong ni Mutya.
"Wala, seryoso." Dinaan ko sa tawa ang pagka-lutang ko.
"Oo nga pala... sasali ka ba?" tanong ni Mutya na nagpagulo sa akin.
"Saan?" inosenteng tanong ko.
"Hindi mo ba narinig?" Salubong ang kilay ni Mutya. "Pagkatapos ng speech ni Ivar, may announcement sila."
Naintriga ako. "Tungkol saan?"
"Magkakaroon na raw tayo ng varsity para sa weightlifting." Excited na pag-lalahad ni Mutya. "Ito na ang sign na sumali ka, Hiraya!"
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasyWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...