Weight Over You - Chapter 9
"Bakit kasabay mo si Var pumasok ng school?" tanong ni Mutya nang makapasok na kami sa silid. "Ikaw, ha! Crush mo ba siya?"
"Dahil kaibigan niya raw ako," deretsang sagot ko pagka-upo ng armchair. Talagang in-emphasize ko ang salitang kaibigan dahil hanggang ngayon affected pa rin ako sa sinabi ni Var. Sinundo niya ako gamit ang bisikleta para lang kaibiganin ako?!
"Bakit naman parang ayaw mo maging kaibigan niya?" Natawa siya bigla kaya sinamaan ko siya ng tingin. "Lahat ata ng estudyante rito gusto maging kaibigan niya, at kung sweswertehin... girlfriend pa nga sana. Kaya ba ikaw ay nagkakagan'yan dahil ayaw mo siyang kaibigan, kundi kan'yang kasintahan?"
Nanlaki ang mga mata ko at nahampas ko si Mutya dahil sa pang-aasar niya. "Ano ka ba! Baka may makarinig sa'yo!"
Nag-kibit balikat siya. "Ano naman kung gano'n?"
"Hindi ko nga siya crush," depensa ko.
"Wala naman akong sinabi, ah..." Ngumiti siya nang nakaka-asar at umiwas na ng tingin nang pumasok na ang teacher namin.
"Today, class... we'll have a pair activity." Narinig ko ang sigawan ng mga kaklase ko dulot ng excitement sa sinabi ng teacher namin. Ewan ko ba sa kanila, ang hilig-hilig nila sa groupwork at pairing sa mga activities.
Ayaw na ayaw ko ang mga ganito simula pa noon lalo na kapag ikaw ang pipili ng ka-grupo o ka-partner mo. Wala naman kasi ang pumipili sa akin kaya kadalasan ako ang natitira. Hindi naman ako matalino at mas lalong wala naman akong kaibigan.
Kung hindi nga lang kay Mutya, baka wala na ibang makaisip na kaibiganin ako.
Matalino si Mutya, siya nga ang Top 1 namin. Siya rin ang pinakamaganda sa klase namin kung ako ang tatanungin. Papasa siyang muse pero mas pinili niyang maging class president. Siya rin ang pinakamabait. Nasa kan'ya na ata ang lahat.
Umakbay sa akin si Mutya. "Ma'am, p'wede po bang kami ni Hiraya?!"
"Actually, I have already prepared your partners." Nag-labas ng papel si ma'am ng isang papel na hula ko ay listahan ng magkaka-partner. Napabuntong hininga tuloy ang mga kaklase ko. "When I call your name, please come in front."
Katulad ng inaasahan ko, sa iba na-pair si Mutya. Samantalang ako, hindi pa natatawag kaya nag-simula akong mainip.
"Hiraya?" Napatingin ako kay Axel nang tawagin niya ang pangalan ko. Siya ang Top 2 namin. Academic rival ni Mutya. G'wapo siya, maamo ang mukha, makapal ang kilay, kulay rosas ang labi, hindi katangusan ang ilong, may dimples, at maputi ang balat. Mas matangkad siya nang kaunti sa akin. "Ikaw ang partner ko."
"Ah, talaga?" Walang enerhiyang pag-tatanong ko.
"Gagawa raw tayo ng poster tungkol sa Earth," pag-papaliwanag niya. "Kailan ka p'wede? I want to finish it early. Mamaya sanang uwian, bumili na tayo ng poster paint, illustration board, at iba pang mga kailangan."
"Kailangan bang sabay pa tayong bumili?" inosenteng tanong ko.
Tumawa siya nang marahan. "Hindi naman..."
"P'wede bang i-assign mo na lang sa akin ang kailangan ko bilhin? Para rin hindi ka na maabala," suhestiyon ko.
"Ayaw mo ba akong kasama?" Ngumiti siya.
"Ah, hindi naman sa gano'n." Napakamot ako sa ulo ko.
Gusto ko lang talaga makasabay si Var umuwi.
"Alright. Ikaw na ang bumili ng illustration board dahil mahal ang poster paint," aniya. "Basta sa paggawa ng poster, kailangan magkasama na tayo. P'wede bang sa bahay niyo-"
"Hindi!" tarantang sagot ko.
"Ay..." Napaiwas siya ng tingin.
"Sa school na lang. Bukas, dadalhin ko na ang illustration board para bukas ng uwian, magawa na natin dito sa school," saad ko. "Ayos ba?"
Natagalan siya bago sumagot. Hindi ko alam bakit parang may kakaiba sa pag-uusap namin. Para siyang naiilang na ewan. Hindi ba dapat ako ang kabahan dahil matalino siya?
"Sige," sagot ni Axel.
YOU ARE READING
Weight Over You
FantastikWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...