Chapter 10

24 2 3
                                    

Weight Over You - Chapter 10


"Nandito ba si Hiraya?"


Nanlaki ang mata ko nang marinig ang boses ni Var sa labas ng classroom namin. Ang tinatanong niya ay ang kaklase ko. "Nandoon sa loob."


Lumingon sa akin si Var mula sa bintana kaya dali-dali akong umiwas ng tingin at nag-kunwaring nag-babasa ng libro.


"Ano'ng ginagawa mo, Hiraya?" tanong ni Mutya. "Nag-babasa ka ba?"


"Oo!" 


"Huh? Baliktad naman 'yang libro mo," sagot ni Mutya.


Nilamon ako ng hiya nang mapagtantong baliktad nga!


"Ang pogi mo, Ivar!" ani ng mga kaklase kong babae nang mag-lakad si Var papasok ng pintuan ng classroom namin.


Nginitian lang sila ni Var at hindi sumagot.


Wala na kaming teacher dahil uwian na. May mga estudyante pa sa classroom dahil cleaners sila. Ang iba naman, tulad ko, ay tumatambay lang.


"Hiraya?" Naiangat ko ang tingin ko. Hindi ko namalayang nasa harapan ko na pala si Var. "Uwi na tayo?"


"Ah. Eh, may bibilhin pa kasi ako," saad ko. "Ayos lang ba sa'yo..."


"Sasamahan kita," walang pag-aalangang sagot ni Var.

Weight Over YouWhere stories live. Discover now