Weight Over You - Chapter 4
"May kilala ka bang Ivaryolo San Gaspar? Kirk Ivaryolo San Gaspar." tanong ko sa seatmate ko. Maaga akong nakarating sa school namin, naka-off pa nga ang ilaw sa hallways at kaunti pa lang ang mga estudyante.
"Si Var?" paninigurado ng seatmate ko na si Mutya. "Siya ang valedictorian ng batch nila. Grade 9 siya. Ang g'wapo niya! Maputi! Nakaka-angat din ata sa buhay. Bakit mo naman natanong?"
"Ah, wala," sagot ko. Kanina pa ako nag-lilibot sa paaralan namin pero hindi ko siya mahanap. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko siya hinahanap gayong wala naman akong pakay sa kaniya.
"Crush mo?" humagikhik siya. "Dalaga ka na, Hiraya!"
"Huh?!" reklamo ko. "Hindi, ah! Manahimik ka nga!"
"Ito naman. Biro lang!" Tumawa siya. "Mahirap kasing hindi magkagusto roon. G'wapo. Matalino. Mabait. Lahat na yata ng hahanapin mo ay nasa kaniya na."
"So, crush mo siya?" Kibit-balikat na tanong ko.
"Hindi naman. Med'yo? Siguro? Okay lang." Pailing-iling na sagot niya. "Basta napopogian talaga ako sa kaniya."
Tumango na lang ako kay Mutya bilang tugon.
Maya-maya ay lumabas na kami para sa Flag Ceremony. Nag-inat ako habang nakapila kung nasaan ang section namin. Nasa pinakalikod ako dahil matangkad ako. Si Mutya naman ay nasa harapan ko dahil katamtaman lang ang height niya.
Nag-simula ang aming Flag Ceremony namin sa dasal at kasunod naman ang pagkanta ng Lupang Hinirang. Matapos iyon, nag-lakad papunta sa entablado ang principal namin na may dala-dalang microphone.
Tinawag ng principal namin ang isang estudyante. "Siya ay pinag-mamalaki ng ating paaralan! Nanalo siya ng parangal sa Thailand dahil sa galing niya sa Matematika at Agham!"
Nag-lakad ang lalaking estudyante palapit sa principal kaya marami ang nag-palakpakan. Maayos ang kaniyang tindig. Namumula ang kaniyang pisnge dahil sa sinag ng araw na naka-tutok sa kaniyang maputi na balat. Pawisan siya ngunit maayos pa rin ang kaniyang itsura... g'wapo pa rin.
Kinuskos ko ang mga mata ko dahil sa aking nakikita. "Si Var ba 'yun?"
"Oo," mahinang bulong ni Mutya nang hindi lumilingon sa akin. "Hindi ko ba nasabi sa'yo na siya ang SSG Vice President natin? Sabi ko sa'yo sobrang talino niyan, e... mahirap abutin."
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasyWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...