Weight Over You - Chapter 17
"Bakit may calluses ka, Hiraya?"
"Huh? Kaluses?" Nag-salubong ang kilay ko sa tanong ni Var. "Ano 'yun?"
Nasa labas ngayon ng bahay si Var para sunduin ako muli. Aangkas na sana ako sa kaniya pero napansin niya ang nasa kamay ko na dulot ng training kahapon.
"Mga kalyo, Hira," mahinahong tugon niya. "Bakit ka may gan'yan?"
Sinipat niya ang kamay ko kaya natigilan ako at nahalata niya iyon. Dahil doon, binitawan niya ang kamay ko at napaiwas ng tingin. "Dapat nag-iingat ka. Paniguradong mag-aalala mama mo."
Mama ko ba talaga ang nag-aalala?
"Ah." Napakamot ako sa ulo at tumawa. "Nag-training kasi ako kahapon sa bayan para sa try-out ng weightlifting club sa Lunes."
"So, you really love weightlifting?" He smiled. "I can still remember first meeting you because of you dropping a huge weight on my friend's foot."
Nahihiya akong ngumiti. "Ah. Oo nga pala, 'no."
Gano'n ang reaksyon ko dahil ngayon ko lang din naalala na weightlifting din kumbaga ang naging rason kung bakit kami unang nagkakilala ni Ivaryolo.
Sumakay na ako sa likod ni Var at humawak sa balikat niya bilang suporta. "You know, actually... I don't see them as friends anymore. Wala akong kaibigan na umaalipusta ng iba," wika ni Var.
Napangiti ako habang umuusad ang bisikleta papunta sa aming paaralan.
Hindi lang kami sabay pumasok ng paaralan, hinatid niya ako sa classroom ko at habang nag-lalakad kami, wala manlang akong masabi.
"So... goodluck sa class," he said when we arrived at the door of our classroom. The environment feels so quiet when Ivar and I are talking. Para bang kami lang ang nasa mundo kapag kami ang magkausap.
"Manonood ako ng try-out mo sa Lunes," saad niya na may ngiti. Matapos kong tumango, kumaway siya kaya natulala ako at hindi ko na namalayang umalis na siya sa harapan ko.
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasyWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...