Chapter 21

25 0 0
                                    

Weight Over You - Chapter 21


Buong buhay ko...


Sa Weightlifting ko lang naranasan maging malakas.


Mahirap kami at wala akong magawa para matulungan ang pamilya ko. Palagi akong pinagkakaisahan sa paaralan. Hindi ako matalino. Hindi ako maganda. Isa akong mahinang nilalang at talunan, iyan ang pinapamukha sa akin ng mundo simula noon.


"Hiraya?" pag-tawag sa akin ni Var pero nagpatuloy lang ako sa paglalakad. "Hiraya, pakiusap. Give me a chance to explain."


Naramdaman ko sa aking likuran ang kaniyang pag-takbo kaya bibilisan ko pa sana ang pag-lalakad pero naharang niya ako agad.


Hingal na hingal siyang tumigil sa harapan ko. "Hiraya. Totoo ngang sinabihan ako ng mama mo na kaibiganin ka, pero iniisip niya lang ang kapakanan mo."


"At kinaibigan mo naman ako. Bakit? Ha? Bakit, Var? Dahil naaawa ka sa'kin?" Dinuro ko siya.


"Kinaibigan kita kasi gusto ko. Lahat ng ginawa ko para sa'yo, totoo lahat ng iyon. I did all of those out of sincerity and my genuine care for you. May pakialam ako sa'yo, Hiraya." Deretso siyang tumitig sa akin. "If I didn't want to befriend you, I could easily say no to your mom but I didn't."



"P'wede bang bukas na lang tayo mag-usap?" Nag-lakad ako upang lagpasan siya pero hinabol niya ako at hinarang ulit.



"Hira, ayaw kong palipasin 'to," sinserong saad niya. "Ayaw kong isipin mo na mag-isa ka ulit. Hiraya, hindi ka kulang. Hindi ka mahina."

Weight Over YouWhere stories live. Discover now