Weight Over You - Chapter 7
"Ah... sumama lang ako rito kasi mag-tratrabaho si mama bilang katulong."
Naupo si Var sa tabi ko kaya naiilang ako at hindi makatingin sa kaniya. Kalmado lamang siya na nakikipag-usap pero ako itong nauutal!
"Really?" he asked, sounding amused. "That means I'd see you often."
Hindi ko mabasa kung masaya ba siya na makikita niya ako palagi o ano. Hindi ko mabasa ang emosyon na naka-ukit sa tono niya.
Tumayo siya mula sa couch. "Kumain ka na ba? Do you want anything?"
"Uhm... hindi ako bisita rito. Bakit mo ako tinatanong niyan?"
"I'm asking you as a friend," he replied. Napangiwi naman ako sa as a friend na 'yun.
"Is that your friend, Kirk?" Napatingin ako sa babaeng nag-salita. Naka-suot siya ng itim na bestida na pang-mayordoma at may headband na puti. I'm guessing that this is Var's mom.
"Yeah," walang alinlangang sagot ni Var. "This is Hira."
Pinakilala ako ni Var gamit ang ngalan na kadalasang ang magulang ko lang ang tumatawag sa'kin. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko.
"Hello po." Nakayukong pagbati ko. Nahiya ako bigla. Nakakaramdam ako ng inferiority kapag malapit o may kausap na mayaman, pakiramdam ko kasi ay nanliliit ako.
"What a beautiful name, Hira. Anak ka pala ni Grace?" Lumapit sa akin ang babae na hindi katandaan. "Paki-bantayan na lang si Kirk at your school, ha. I wonder what he does when I'm not around. You know, he's such a wild youth."
Tumango na lang ako at hindi na nag-salita pa. Hindi naman kami ganoon ka-close ni Kuya Var para gawin ko iyon.
"May club ka na ba?" tanong ni Var habang nag-lalakad kami patungo kung nasaan ang kusina. Nandoon si mama kaya nagpasama ako kay Var.
"Wala pa," tipid na sagot ko. "Pero balak kong sumali sa Weightlifting."
"Wow," he exclaimed lightly. "Ang cool. That's right, prove them wrong."
"Ah. Oo nga..." saad ko kahit 'di ko alam kung sinong them ang tinutukoy niya. "Ikaw ba? Anong binabalak mong club?"
"Performing Arts," tugon niya. "Not to brag, I'm the club's president."
My mouth formed an 'o' with what he said. Performing Arts ang pinakasikat na club sa school namin dahil na-feature na ito sa isang afternoon TV show at nag-peperform sa kada school and municipality events.
"Anak," pag-tawag sa'kin ni mama. May dala-dala siyang plastic at nakikita ko mula sa labas na uniform ito na pang-katulong. "Bukas pa pala ang original na simula ko rito. Kukunin ko ang gamit ko sa bahay dahil dito na rin pala ako matutulog. Stay-in."
Napatingin ako kay Var na nakatingin sa'kin. Inilipat niya ang tingin niya sa nanay ko kaagad. "Ah. Tita, p'wede naman po kayong umuwi. Para kay Hiraya."
"Talaga?" tanong ni mama. "Mukhang strikta kasi ang namumunong katulong dito."
Nakipag-kamay si Var sa nanay ko. "Ako po ang bahala."
Ang galang naman nito ni Var. Mabait, mayaman, g'wapo...
"'Di bale hijo, uuwi na lang ako kung kailangan talaga." Ngumiti si mama. "Salamat, ha."
"Uuwi na po ba tayo?" sumingit ako.
"Oo, 'nak. Bukas ng umaga na ako babalik dito. P'wede kang pumunta rito tuwing hapon pagkatapos ng klase mo. Pero alam ko namang hindi mo gagawin iyon dahil papa mo ang paborito mong samahan," biro ni mama.
"Ah, hindi po. Pupunta po ako rito araw-araw." Hindi ko na namalayan ang sinabi ko.
Tumango si mama at kita ko ang liwanag ng mga mata niya. Papa's girl kasi ako at halatang-halata iyon. Boyish ako at palaging nasa construction site kung nasaan si papa. Hindi naman masama ang loob sa akin ni mama, bumabawi na lang ako minsan para hindi siya magtampo.
Nag-lakad kami palabas ng mansyon nina Kuya Var. Nakakapit ako sa braso ni mama habang nag-lalakad kami palabas. Hindi ako makapaniwala na may stable nang trabaho si mama. At kung tinadhana nga naman, sa mansyon pa ng schoolmate ko.
"Hiraya!" Napatigil saglit ang pag-tibok ng puso ko nang tawagin ni Var ang pangalan ko. Tinignan ko siya at hingal na hingal siya. Kita ko ang pawis sa kan'yang pang-itaas. Gulo ang buhok niya at basa dahil sa pawis pero ang g'wapo pa rin. Parang tumakbo pa ata siya palabas ng bahay nila para lang matawag ako. "I guess we'll go home together after class starting tomorrow?" ngiting saad niya.
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasíaWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...