Chapter 19

21 1 0
                                    

Weight Over You - Chapter 19


Magkaibigan lang kami.


Kanina pa ako nakatulala dahil sa sinabi ni Var. Paulit-ulit niyang sinasabi na mag-kaibigan kami.


"Crush mo ba si Ivar?" tanong ni Mutya sa akin nang maka-alis si Var sa classroom.


"Huh? Crush?" inosenteng tanong ko. "S'yempre hindi. Mabait lang siya sa akin dahil nag-tratrabaho ang nanay ko bilang katulong sa mansyon nila."


"Ah, talaga?" magiliw na tanong ni Mutya. "Ako kasi... crush ko siya."


Parang nag-iba ang timpla ng mukha ko nang marinig ang sinabi ni Mutya. "Ah... ang crush ay pag-hanga lang naman, 'di ba?"


"Tama," saad ni Mutya. "Pero hindi lang 'yun."


"Ano pa?"


She sat down beside me with her palm on her chin in a dreamy way. "Kapag crush mo ang isang tao... buo na ang araw mo makita mo lang siya. Kapag malapit sila, bumibilis ang tibok ng puso mo. Kapag kinausap ka nila, kulang na lang mahimatay ka sa kilig. Gusto mong gawin ang lahat para lang mapansin ka ng tao na 'yun. Ayan ang nararamdaman ko kapag kausap ko si Var. Ikaw ba, Hiraya? May crush ka ba?"


"Sa ngayon... wala naman." Umiwas ako ng tingin. Lahat ng binanggit ni Mutya na katangian ng pagkakaroon ng crush ay dinadanas ko kapag andiyan si Var... pero hindi p'wedeng aminin ko iyon. Ayaw ko namang agawan si Mutya lalo na't mabuti siya sa akin.


"Sigurado ka?" tanong ni Mutya. "Pakiramdam ko kasi ay crush ka ni..."


"Nino?" inosenteng tanong ko. "Binibiro mo ba ako?"


"Hindi. Wala. Kalimutan mo na ang sinabi ko." Tumawa nang marahan si Mutya na para bang may pumigil sa kan'yang sabihin ang dapat niyang sabihin.


Buong araw, lumulutang ang isipan ko at wala ako sa sarili dahil sa pag-punta ni Var kanina sa classroom namin at ang pag-amin ni Mutya na crush niya si Var na siya ring crush ko. Hindi ko alam ang dapat maramdaman at ang dapat gawin.


"Bakit ka tulala, Hiraya?" Nagulat ako nang tumabi si Axel sa akin. Nilapag niya sa lamesa ang tray niya na may lamang ice cream sundae at Spaghetti.


Nasa canteen kami ngayon ni Mutya na kasalukuyang nasa harapan ko.


"Ah, wala," palusot ko.


"Pinasa ko na nga pala project natin," saad ni Axel.


Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang isasagot ko sa kan'ya. Parang matagal na katahimikan ang naganap dahil walang nais na mag-salita. Si Mutya ay nag-patuloy sa pagkain ng Spaghetti, ako naman ay kumakain ng biscuit na pinadala sa akin ni papa.


"Sandali nga, Axel. Bakit ka ba nandito?" Si Mutya ang nag-salita.


"Ibibigay ko lang sana 'to kay Hiraya." Nilapag ni Axel ang plato ng Spaghetti sa harapan ko. 


Napatingin ako sa kan'ya. "Bakit? Para saan ito?"


"Alam kong gusto mo niyan." Ngumiti siya.


"Paano mo nasabi?" tanong ko. 


Totoo namang gusto ko nga ng Spaghetti. Isang beses pa lang ako nakakatikim no'n dahil hindi ko naman afford. Ang Spaghetti na binebenta ng canteen namin ay hindi ko rin kayang bilhin dahil mahal pa rin. Kahit ang pamilya namin ay hindi nag-luluto ng Spaghetti kapag may okasyon, bumibili lang kami ng bihon sa karinderya kapag birthday o 'di kaya pasko. 


"Nakikita ko kasi na palagi kang nakatingin sa Spaghetti tuwing nasa canteen pero hindi ka naman bumibili," tugon ni Axel bago umalis. Mag-sasalita pa sana ako at ibabalik ang Spaghetti sa kaniya pero naka-alis na siya bago ko pa 'man magawa iyon.


"Weird ni Axel," saad ni Mutya habang salubong ang kilay. "Oo nga pala, wala ka na bang sasalihan na club bukod sa Weightlifting?"


"Pinag-iisipan ko pa," sagot ko. Marami pang mga clubs na p'wedeng salihan katulad ng Drama Club, Debate Club, Journalism Club, Art Club, Swimming Club, Tennis Club, Badminton Club, Archery Club, Photography Club, at Performing Arts Club. Wala naman akong hilig sa mga iyon pero dahil kay Ivar, pinag-iisipan ko kung sasali ba ako ng Performing Arts Club.


Habang kumakain din ng Spaghetti Si Mutya, nakatitig lang ako sa Spaghetti na nasa harapan ko dahil nakakahiya namang kainin ang bigay lamang ng kaklase ko.


"Kainin mo na," sinserong sabi ni Mutya. "Hindi naman ibibigay 'yan ni Axel kung labag sa kalooban niyang gawin."


Itinago ko ang ngiti ko at sumubo ng Spaghetti. Tipid ang pag-subo ko dahil minsan lang ako makakatikim nito. Ang sarap-sarap!


"Ako kasi, ang dami kong nais na salihan," maligayang sabi ni Mutya na para bang kinikilig. "Gusto ko sumali sa Drama, Debate, Journalism, at Photography. Lahat ng iyon ay hilig ko... pero higit sa lahat, Performing Arts Club ang priority ko na salihan. President pa naman ng club na iyon ay si Var."


Tipid lang akong ngumiti sa sinabi ni Mutya. Lahat naman ng clubs, saktong-sakto sa kan'ya. Talented kasi siya. Lahat ay kaya niya, walang bagay na hindi siya magaling. Kung tutuusin... bagay na bagay nga sila ni Var.


Maganda si Mutya, matalino, at mabuti ang puso. Katulad niya si Var na g'wapo, matalino, mabuti ang puso, at magaling din sa lahat.


Hindi ko alam pero kanina pa ako nababahala. 


"Hiraya, focus!" Natauhan ako nang tumaas ang boses ni Coach Paeng. Pinagbubuhat niya kasi ako ng concrete barbell pero monoblock ang nabuhat ko dahil sa pagiging wala ko sa sarili.


Hanggang sa training namin ay distracted ako.


"Sorry po, sir." Yumuko ako.


"Hindi ka mapapasok ng kaka-sorry mo sa try-outs ng Weightlifting Club. Akala ko ba gusto mong makapag-tournament balang araw?" Minasahe ni Coach Paeng ang sintido niya. "Punishment, 10 rounds around the training center. Go!" Dali-dali akong lumabas palabas ng training center at tumakbo. Tirik ang araw kaya pawis na pawis ako pero takbo lang ako nang takbo.


Bakit ba ako nagkakaganito?

Weight Over YouWhere stories live. Discover now