Weight Over You - Chapter 16
"Tara na, anak. Umuwi na tayo."
"Ayoko pa po," pag-tanggi ko. Dumating si papa ng alas singko y medya mula sa construction site, handa na para sunduin ako. "Gusto ko pa po mag-ensayo. Mamayang gabi na po ako uuwi, mauna na po kayo."
Nang malaman ko na nag-bayad si papa para rito, parang gusto ko nang lubos-lubusin. May bukas pa naman pero nanghinayang lang ako sa binayad ni papa, kailangan kong matuto at gumaling para hindi siya mabigo at para hindi mapunta sa wala ang ibinayad niya.
Humalakhak si Coach Paeng kaya napatingin kami ni papa sa kaniya. "Tila determinado nga ata talagang matuto ang iyong anak, kumpare. Hayaan mo na."
"Sige, pero hindi ako uuwi." Ginulo ni papa ang buhok ko at pagkatapos ay naupo sa monoblock na kulay puti na nasa tabi. "Papanoorin kita, 'nak."
Tatanggi pa sana ako kay papa pero mukhang galak na galak siyang mapanood ako.
Habang hindi pa dumadating si papa kanina, ilang beses kong binuhat ang 20 kg na barbell hanggang sa makaya at masanay ang katawan ko rito. Hindi pa perpekto, pero alam kong mas magaling ang recent performance ko kaysa sa pinakaunang beses na sinubukan kong buhatin ang 20 kg na barbell kanina lang.
Tinignan ko ang barbell na nasa sahig at dahan-dahan itong hinawakan. My right leg took a step back to squat and I lifted the barbell slowly... above the head, stretching my arms up high. Nanginig ang kamay ko pero patuloy ko itong binuhat. Determinado akong maging magaling.
Nanlaki ang mga mata ko at umabot hanggang tenga ang aking ngiti nang mabuhat ko ito nang matagal. Binagsak ko ang barbell sa sahig at nag-tatalon sa saya. Niyakap ako ng mahigpit ni papa. "Ang galing naman ng anak ko!"
Nang tignan ko si Coach Paeng, nakangiti siya at walang sinabi pero inangat niya ang isang kamay niya at nag-thumbs up.
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasiWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...