Weight Over You - Chapter 6
"Mama?" Pag-tawag ko nang makauwi.
"Hiraya?" sagot ni mama. "Narito ako sa likod, nag-sasampay."
Matapos kong ibaba ang aking bag, dumeretso ako sa likod ng bahay.
"Mag-palit ka na ng damit," utos niya. "Pagkatapos, aalis na tayo papunta sa bahay ng amo ko."
"P'wede po bang hindi na lang ako sumama, 'Ma?" tanong ko. Gusto ko kasi mag-ensayo para sa weightlifting try-outs next week, may kakilala si papa na makakatulong sa akin kaya pupuntahan ko si papa sa construction site.
"Sumama ka na, Hiraya," pag-pipilit niya. "Minsan na nga lang tayo magkasama dahil papa mo lagi ang kasama mo. Tsaka para tulungan mo na rin ako sa gawaing bahay nila. Magiliw sa mga bata ang amo ko dahil may anak rin sila."
Napahinga na lang ako nang malalim. "Sige po."
Pumunta ako sa orocan naming luma na upang kumuha ng damit at nag-palit. Denim shorts lang ang suot ko at plain na oversized white shirt. Nag-suot ako ng puting headband at bumalik na kung nasaan si mama kanina, sa likod ng barong-barong na bahay namin.
"Tara na, alis na tayo." Hinawakan ni mama ang kamay ko at nag-lakad na kami palabas ng bahay. Masangsang ang amoy kung nasaan kami, maingay ang mga tao, pero masaya. Dito lang ako nakakapaglaro nang hindi nahuhusgahan ang aking itsura. Mukha raw kasi akong tomboy dahil sa kilos ko, hindi rin ako ganoon ka-talino, at inaasar din nila ako dahil sa kutis ko.
Nag-pedicab kami dahil med'yo malayo raw ang village kung nasaan ang bahay ng amo ni mama. Maaliwalas ang dinadaanan naming kalsada at hindi katulad ng lugar namin na maraming kanal at tae na nakakalat sa tabi-tabi. Pumasok ang pedicab na sinasakyan namin sa isang malaking gate ng subdivision kung saan bato-bato ang kalsada. Nilibot ko ang mata ko sa mga bahay na nadadaanan namin, lahat pang-mayaman!
Nang makarating kami sa aming destinasyon, bumaba ako ng pedicab habang nag-babayad si mama. Namangha ako sa malaking mansyon na nasa harapan ko. Old money rich ang vibes nito. Namamataan ko rin mula sa labas ng bahay na may naka-park na dalawang sasakyan sa garahe.
Pinapasok kami ng isang tauhan ng mansyon at lalong nag-liwanag ang mga mata ko nang makita ko ang looban ng bahay.
"Wow!" hindi ko napigilan ang aking pagka-mangha.
Hinatak ng isang manang papunta kung nasaan ang iba pang mga katulong, tuturuan yata siya. Naiwan ako sa may sala ng bahay habang hinihintay si mama. Natulala ako sa nakikita ko. May mga paintings sa pader, may mga vase, at mabango ang loob ng bahay. Gusto ko na lang manatili rito habang buhay.
Isang pamilyar na lalaki ang bumaba ng hagdanan. Naka-suot siya ng itim na jogging pants at kulay puting plain shirt. May dala-dala siyang libro sa kaniyang mga kamay. Nag-tama ang mga tingin namin kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
"Bakit ka nandito, Kuya Var?" Nauutal na tanong ko. Napatayo rin ako dahil sa pagkabigla.
Siguro ay kaibigan niya ang may-ari ng bahay na ito o 'di kaya kamag-anak, baka rin nag-sisilbi rin siya bilang katulong dito. Hindi ko na talaga alam!
"Huh?" Tumawa siya. "Hindi ba't dapat ako ang nag-tatanong niyan sa'yo? Dito ako nakatira."
YOU ARE READING
Weight Over You
FantasiWe don't have to act strong all the time. In life, we all have our own barbells to carry. It may be spiritual barbells, emotional, or physical ones. Despite the barbells in our life, some choose to cry and mourn, while some choose to smile and act s...